Kabanata 7

69 5 0
                                    

[Chapter 7]

NAGISING ako mula sa sinag ng araw, may kung sinong nagbukas ng bintana. Naramdaman ko na may umupo sa aking kama.

"Lauren ano ba ang aga-aga pa eh, lumabas ka nga" nanatili pa rin akong nakapikit at tinakpan ko ng unan ang aking mukha.

"Magandang umaga ate, naging mahimbing ba ang iyong pagtulog? At tyaka sino si 'Loren' ?"

Bigla kong tinanggal ang unan sa aking mukha upang tingnan kung sino ang nagsalita. Bumungad sa akin si Kristina na nakangiti sa akin. Siya pala ang kapatid ko sa panahon na ito. Shems, sa sarap ng tulog ko nakalimutan kong nasa nakaraan pala ako.

"Ha? Ano? Sino nga ba si 'Loren' ?" painosente kong tanong.

"Binanggit mo ang pangalan niya kani-kanina lang ate" bakas sa kaniyang mukha ang pagkataka

"Wala naman akong binanggit ah, ano ka ba naman guni-guni mo lang siguro 'yon Kristina" pagtatanggi ko. Umagang-umaga ayaw kong magsinungaling Kristina utang na loob huwag kanang mausisa.

"Hindi maliwanag kong narinig na binanggi--"

"Medyo maayos naman ang naging pagtulog ko... bakit mo nga pala naitanong?" pagputol ko sa sinabi niya, masyadong mausisa 'to si Kristina. Baka tadtarin niya lang ako ng mga tanong kung hindi ko iibahin ang usapan.

Muling sumilay sa kaniyang labi ang ngiti, parang katulad ng ngiti ni Lauren kapag may kailangan siya o may gustong gawin. Ganiyan ung mga galawan ng mga kapatid e, tapos wala ka namang ibang magagawa kundi pagbigyan sila dahil nahulog ka na sa paawa effect nila.

"Ah, wala lang, kinukumusta lang kita" sagot niya at nag-iwas tingin sa akin.

"Ang totoo, ano 'yon?" pag-usisa ko.

Muli niya akong tiningnan at hinawakan ang aking kamay.

"Nais ko sanang lumabas kasama ka at pumasyal sa bayan. Tulad ng dati nating gawain... noong bago ka umalis at pumuntang Maynila. " nahihiya niyang sabi.

Bilang nanlambot ang puso ko sa sinabi niya. Ang sweet namang maging kapatid si Kristina, siguro ay labis siyang nangulila kay Isabella noong umalis ito. Sino ba naman a ng hindi malulungkot, bukod sa kaniyang mga magulang ay wala siyang ibang makakakwentuhan sa malaking mansyon na ito. Paano pa kung ako ang matira dito baka mabaliw ako. Haynako, sana ganito rin ka-sweet si Lauren.

Wala sa sariling kong niyakap si Kristina. Ramdam ko na natigilan siya sa ginawa ko ngunit 'di nagtagal ay yumakap na rin siya sa akin. Ilang minuto rin nagtagal ang yakapan namin bago kami kumalas.

"Kung gusto mo mamasyal, dapat ay mag-ayos ka na." saad ko sabay na ngumiti.

Bakas sa mukha niya na sigla mula sa kaniyang narinig.

"Salamat ate! " muli niya akong niyakap ngunit saglit lang. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto animo'y sabik na bata.







Kasalukuyang papalabas ngayon sa Hacienda Concepcion ang kalesang sinasakyan namin ni Kristina. Nang magpaalam kami kay 'ina' kanina, sinabi niya na huwag daw kami masyadong magtagal sa aming pupuntahan at baka raw ay manghina ako dala ng pangyayari kahapon. Pagkatapos no'n ay binusog niya kami ng kaniyang masasarap na lutong pang-agahan bago niya kami pinayagang umalis

Kanina ko lang din naalala ang pangalan ng aking ina sa panahong ito nang marinig kong banggitin ito ng mayordoma dahil sa biglang pagluto ni ina sa kusina.

"Senyora Remedios, ako na po ang bahala riyan." nag-aalalang sabi ng mayordoma

Amor y TraiciónTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon