[Chapter 10]
PANIBAGONG araw nanaman. Halos wala akong ibang ginagawa nang makalipas ang ilang araw kundi ang magburda dahil ito ay isa sa mga libangan nina ina at ng aking kapatid. O di kaya ay magbasa ng libro na hindi ko naman maintindihan. Naisipan ko rin na gumuguhit kapag may pagkakataon. Kahit anong makita ko sa 'king paligid ay ginuguhit ko. Pagkatapos ay idinidikit ko sa pader ng aking kwarto ang mga natapos kong iguhit.
Katulad ng ginagawa ko ngayon. Narito ako sa balkonahe na nakaupo dahil napagpasiyahan kong gumawa ng sketch ng daan ng hacienda patungo sa gate nito. Kakatapos ko lamang itong gawin at naglalagay nalang ng mga shadows effect. Pagkatapos ay inangat ko ang aking gawa at inahalintulad sa aking pinaggayahan.
"Hmm, medyo hawig naman" sabi ko sa aking sarili.
"Napakahusay mo anak" mula sa boses ni ina.
Nagulantang ako dahil hindi ko napansin na nasa likuran ko na pala si ina dahil sa pagkabusy ko sa ginagawa ko.
"Ina kayo po pala" sabi ko nang lingunin ko siya.
"Kailan ka pang natutong gumuhit ng ganiyang kahusay anak?" nagtatakang tanong ni ina.
Nagtataka si ina kung bakit ako marunong gumuhit, siguro ay hindi ako marunong gumuhit noon.
"Dati pa po ina hehe, ngayon ko lang po naisipang ipamalas hehe" naiilang kong sagot.
Mukha namang nakumbinsi ko siya sa sinabi ko dahil tumango tango lamang siya pagkatapos no'n.
"Sige po ina, babalik na po ako sa 'king silid" paalam ko at sunod na umalis na balkonahe upang bumalik sa aking kwarto.
"Bilib ako sa iyong natatagong talento anak" habol ni ina bago ako tuluyang makaalis ng balkonahe.
Lumingon ako kay ina at naabutan ko siyang nakangiti sa akin. Parang naiiyak ako sa sinabi ni ina. Natutuwa alo dahil naappreciate niya ang aking gawa.
"Salamat po ina" saad ko sabay ngumiti ng galing sa aking puso.
Matapos no'n ay tinuloy ko na ang pagtungo sa aking kwarto
Pagkapasok ko sa aking silid ay agad kong idinikit ang aking gawa sa pader. Pwede na maging art exhibit itong kwarto ko sa dami na nang nadrawing ko. Hindi man ito perpekto ngunig kahit papaano ay pinaghirapan ko pa rin naman ito. At nakakatuwa dahil may bumibilib ding iilan sa aking talento
Napatitig ako sa aking bagong gawa na ang paksa ay ang daan patungo sa gate ng hacienda. May kung anong nag-udyok sa akin na lumabas ng haciendang ito. Umiling-iling ako 'erase, erase' Dala lang siguro ng pagkaburyo ko dito sa mansyon. Paano naman ako makakalabas ng gate na 'yon kung may mga bantay?
Ngunit kung may gusto, may paraan. Agad kong kinuha ang balabal na nakasabit. Naghanap din ako ng mga lumang baro't saya sa kabinet at sinuot iyon. Humarap ako sa salamin upang tingnan ang aking sarili. 'Tada! hindi na ako mukhang mayaman'
Maya-maya ay may biglang pumasok sa aking silid.
"Binibining Isabella, ako'y magpapaalam na po muna dahil pinapauwi na po ako ni Donya Remedios" malungkot na tono ni Mira. Siya ay ang personal kong tagapagsilbi. Nasa kinse anyos pa lamang si Mira at ulilang lubos na siya. Namatay ang kaniyang ina nang siya ay ipinapanganak. Samantalang ang kaniyang ama naman ay nalunod noong ito ay nagbalak na mangisda kahit may bagyo.
Naiintindihan ko kung bakit malungkot si Mira na pinapauwi siya ngayon. Simula nang siya ay maulila sa kaniyang tiyahin na siya tumira. Ngunit walang ibang ginagawa ang kaniyang tiyahin kundi ang pahirapan siya at pagmalupitan. Kung kaya't mas pinili niya na lamang ang magtrabaho kaysa sa makasama ang kaniyang tiya.

BINABASA MO ANG
Amor y Traición
Historical FictionAmor y Traicion, isang pelikula na hango mula sa masalimuot na buhay pag-ibig ng isang dalaga noong 1890. Magagampanan kaya ni Dana ng maayos ang pinakauna niyang pagbibidahang pelikula kung siya ay napadpad sa mismong panahon ng pelikulang ito? Sa...