[Chapter 3]
HAPON na nang makarating kami sa lugar kung saan nakatira ang sinasabi ni Chandria na effective daw na manghuhula.
Nandito kami ngayon nakatayo sa tapat ng bahay nung sinasabi niyang manghuhula. Hindi mo mapapansing isang maghuhula ang nakatira sa loob ng bahay na ito. Dalawang palapag ang bahay at hindi ito gaano kalaki. Mayroong mini garden kung saan maraming ibat ibang klase ng mga bulaklak ang nakatanim na nagpapaganda sa buong paligid.
Ilang saglit lang ay may lumabas sa loob ng bahay na mukhang magkasintahan hatid ng isang dalaga sa may pintuan. Nang magawi ang tingin ng dalaga sa amin ni Chandria ay agad niya kaming tinanong.
"Magpapahula po ba kayo sa aking ina?" Anak pala siya nung manghuhula. Pansin ko rin na maganda siya at halos kasing edad ng kapatid kong si Lauren.
"Parang ganun na nga? Pwede ba?" Sagot ni Chandria sa dalaga.
"Maari po, tuloy ka'yo." Iginaya niya kami papasok ng kanilang bahay.
Iniwan namin ang suot naming sapatos sa may pinto bago pumasok aa kanilang bahay. Iginala ko ang paningin ko sa loob ng bahay. Maaliwalas ang pagkakaayos ng mga gamit nila at maganda ang pagkakadisenyo ng loob. Mapapansin mo rin ang mga medalyang nakasabit sa pader na siguro ay nakuha no'ng anak niya sa paaralan.
Pinaupo kami sa isang sofa kung saan katapat namin ung nanay niyang manghuhula na kasakuluyang nakaupo at may maliit na lamesa ang pumagitna sa amin. Samantala ang kaniyang anak ay pumuwesto sa likuran ng kaniyang ina.
Napansin ko na mariin ang pagtitig sa akin ng manghuhula, hindi ako komportable sa kaniyang ginagawa. Lumingon ako sa kanya at sinubukan siyang ngitian ngunit hindi man lang nagbago ang kaniyang ekspresyon kung kaya't binaling ko sa iba ang atensyon ko.
"Magandang hapon po." Bati ni Chandria.
Binaling no'ng manghuhula ang kaniyang atensyon sa aking kaibigan at tumango. "Una sa lahat ako nga pala si Rita. Aling Rita na lamang ang itawag ninyo saakin. Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Tanong ni no'ng manghuhula.
"Kung manghuhula ka bakit hindi mo hulaan." Bulong ko sa pinakamahinang paraan ngunit narinig pa rin ni Chandria at siniko pa ako sa tagiliran.
Ngumuso ako sa ginawa niya.
"Ahh eh aling Rita ako po si Chandria at ito pong nasa tabi ko ay si Dana. Gusto lang po sana namin malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga kakaibang nangyayari sa kaibigan kong si Dana." Saad ng kaibigan ko sabay turo niya saakin.
"Bakit ano ba itong nangyayari sa iyo?" Tanong ni aling Rita sa akin.
Bumuntong hininga ako bago magsalita.
"Kasi po, isang beses po sa isang buwan ay may isang boses ng babaeng umiiyak ang gumigising sa akin at may sinasabi siyang mga salita." Panimula ko.
"At ano ang mga ito?" Tanong niyang muli.
"Ito po 'Ilang beses mo man saktan ang damdamin ko, hindi mawawala ang pagmamahal ko sa iyo Joven..' binibigkas ito no'ng babae habang umiiyak. Noong nag 18 anyos na ako ay nagsimula ko nang marinig iyan, ito pa mismo ang gumigising sa akin." Paliwanag ko.
Tumango-tango siya na parang nagpapahiwatig na ituloy ko pa ang nais kong sabihin.
Patuloy ko lang na ikinuwento sa kaniya ang nangyari kagabi sa birthday celebration ni direk Louise at ang tungkol sa napanaginipan ko kaninang umaga. Taimtim lang siyang nakikinig sa akin.
Nang matapos na ako sa pagsasalita ay agad ding nagsalita si aling Rita nagsalita.
"Pagpasok mo palang dito kanina ay may kung anong kakaiba na anong nararamdaman sa iyo Dana."
BINABASA MO ANG
Amor y Traición
Historical FictionAmor y Traicion, isang pelikula na hango mula sa masalimuot na buhay pag-ibig ng isang dalaga noong 1890. Magagampanan kaya ni Dana ng maayos ang pinakauna niyang pagbibidahang pelikula kung siya ay napadpad sa mismong panahon ng pelikulang ito? Sa...