[Chapter 6]
UNTING-unti nag-flashback sa aking isipan ang mga nangyari kanina nang ako'y kaniyang inililigtas.
"P-paul, hindi to kasama sa scene. N-nasaan ba t-tayo?" halos pabulong komg tanong bago ako nawalan ng malay.
Nakita ko ang kaniyang reaksyon bago pumikit ang aking mga mata. May bahid ng pagtataka ang kaniyang itsura mula sa narinig niya mula sa akin.
Ramdam ko na sinalo niya ako nang mawalan ako ng balanse. Gusto ko pa sanang tumayo ng maayos at idilat ang aking mga mata upang tanungin sa kaniya ang kung anong nangyayari. Pero mukhang hindi na kinaya ng katawan ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.
"Isabella!" tawag sa akin ni Don Felipe na siyang nakapagbalik sa akin sa huwisyo. Ramdam ko ang init ng ulo niya sa tono ng kaniyang pananalita.
Sa pamamagitan ng kaniyang pagtawag ay ako ang napaunang kumalas sa pagtititigan na naganap sa amin ng heneral. Yumuko na lamang ako nang nasa tapat na ako ni Don. Felipe.
"Saan ka nagtungo? Bakit ikaw ay pumuslit mula sa iyong kwarto? Hindi mo ba nakikita na gabi na at delikado ang maparito sa labas para sa iyo?" sermon niya.
"Patawad po a-ama." nakayukong sabi ko. Kung kanina ay hindi ako sanay tawaging "ina" ang babaeng may lahing espanyol sa kwarto nang ako ay magising, mas lalo namang hindi ako sanay na tawaging "ama" si Don. Felipe.
"Sagutin mo ang tanong ko. Saan ka nagtungo?" pag-usisa ni Don. Felipe, sobrang seryoso niya ngayon.
Samantala, si Agustin ay nakatayo lamang sa aking tabi habang nakikinig sa pang-uusisa sa akin ni Don. Felipe. Ang heneral naman ay patuloy lang na nakatitig sa aking kung kaya't naiilang ako. 'Kyaaahhh! halong kaba at ilang ang nararamdaman ko ngayon!'
"Sa tabi-tabi lang po. Nais ko lang po kasi ang magpahangin ama." palusot ko. "Paumanhin mo po talaga ako ama kung pinag-alala ko kayo." dagdag ko at tyaka tumingin kay Don. Felipe para magpa-awa effect. Kung kila mama at papa nga ay umuubra 'yon sa kaniya pa kaya? Hah! Best actress kaya ako *sabay flip hair*.
"Ngunit, lumabas ka ng walang kasama." parang wala lang kay Don. Felipe ung paawa effect ko, ouch.
"Hindi po, nagpasama po ako kay Agustin." Humarap ako kay Agustin at sinenyasan siyang makisabay sa palusot na sinabi ko.
Kunot noo lang akong tiningnan ni Agustin at parang gusto niyang umalma sa sinabi ko. Ilang saglit lamang ay parang nagets niya na ang nais kong iparating.
"Opo Don. Felipe, sa katunayan po niyan ay muli po akong bumalik upang bisitahin si binibining Isabella. Pagkatapos no'n ay inalok niya akong samahan siya dito sa inyong hacienda upang maglakad at magpahangin." ibinaling ni Agustin ang tingin niya sa akin at kumindat. 'my gosh ang cute niya doon!'
Infairness talagang kababata nga ni Isabella si Agustin dahil marunong siyang makisabay sa palusot ko dahil inakala niya talagang ako si Isabella.*evil laugh*
Parang hindi pa rin kumbinsido si Don. Felipe sa palusot na sinabi namin. Grabe naman ang hirap nito. Ramdam ko pa rin ang paninitig ng heneral na kahit isang segundo ay hindi niya inaalis ang kaniyang paningin sa akin, feel ko tuloy alam niyang nagsisinungaling ako o nagagandahan siya sa'kin? 'well maganda naman talaga ako'. O siguro ay naalala niya na tinawag ko siyang Paul kanina at hanggang siguro ngayon ay nagtataka pa rin siya kung bakit ko siya tinawag sa ganoong pangalan.
BINABASA MO ANG
Amor y Traición
Historical FictionAmor y Traicion, isang pelikula na hango mula sa masalimuot na buhay pag-ibig ng isang dalaga noong 1890. Magagampanan kaya ni Dana ng maayos ang pinakauna niyang pagbibidahang pelikula kung siya ay napadpad sa mismong panahon ng pelikulang ito? Sa...