Kabanata 5

68 4 0
                                    

[Chapter 5]

KUMIKIROT ang aking ulo, hinawakan ko ito at unting-unti iminulat ang aking mga mata.

Bumungad sa akin ang isang kahoy na kisame, medyo madilim na. Ramdam ko rin na isang malambot na kama ang aking hinihigaan ngayon.

Nanumbalik sa ala-ala ko ang nangyari kaninang tanghali. Agad akong kinabahan at kinapa ko kung mayroon pa akong kasuotan. Napahinga naman ako nang maluwag nang may kasuotan pa pala ako. Naka baro't saya pa rin ako ngunit, iba na ito mula sa suot ko kanina. Isa lang ang ibig sabihin nito, may nagpalit ng aking kasuotan habang natutulog ako. Ang tanong sino naman kaya ang nagpalit ng aking kasuotan? Hindi kaya si Paul ang nagbihis sa akin?!

Niyakap ko ang aking sarili dahil sa aking iniisip. Walang kahit sinong lalaki dapat ang makakakita ng sexy body ko hangga't hindi pa kami ikinakasal ngunit pano ito ngayon? Ni hindi ko pa nga boyfriend si Paul tapos nakita niya na ang katawan ko? Waaaahhhh! Teka lang nasaan ba ako ngayon?

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Mas malaki itong kwarto na ito kaysa sa normal na sukat ng isang kwarto Isang malaking aparador ang nasa paanan ko at sa gilid nito ag may isang pinto na sa tingin ko ay palikuran. Sa kaliwa ko naman ay may bukas bintana kung saan kitang kita ang liwanag na galing sa buwan, may lamesita naman sa may uluhan ko katabi ng kama at doon nakapatong ang lamparang nagbibigay liwanag sa loob ng kwarto maliban sa buwan.

Si Paul nga kaya ang nagdala sa akin dito? Hindi ko pa rin maintindihan ang pangyayari kanina, kung paano biglang nawala ang set at nag-iba ang itsura ng kasama kong kutsero kanina. Idagdag mo pa na makatotohanan ang nangyari kanina. Sinadaya ba talaga ni direk ung nangyari kanina? Maliwanag na nasa shooting pa rin kami kanina dahil pumasok sa eksena si Paul bilang heneral, at marahil ay hindi ko lamang nabasa sa iskript iyon kaya hindi ko nalaman. Pero sa tingin ko naman ay maayos naman ang pag acting ko Ha Ha Ha!

Naging mukhang realistic pa talaga kanina at tinago pa ni direk ang mga camera, bagong trick niya siguro iyon. Tama! Nakuhaan kaya ang magandang anggulo ang scenario kanina kung tinago nila iyon?

Kaya nga siguro ay narito ako sa isang silid dahil nahimatay ako kaninang tanghali habang isinasagawa ung scenario dahil hindi ko kinaya ung intense scene. Akala ko pa naman kasi totoo na 'yon eh. Aantayin ko na lang muna na may pumasok na assistant para may mag-assist sa akin.

Habang nag-aantay, ay tinatanaw ko muna ang buwan mula sa bintana nang marinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa kanan ko, at may pumasok mula roon na isang magandang dalaga na nakabaro't saya. Mukhang bago ang kaniyang baro't saya, nakapusod ang kaniyang buhok, matangos rin ang ilong niya, makinis ang kaniyang kutis na aakalain mong may lahing spanish.

Pati mga assistant kailangan nakacostume rin?

Nanlaki ang mga mata nito nang mamataan akong gising na. Agad niya akong nilapitan.

"Ako'y nagagalak sapagkat gising kana ngayon ate." sabi niya at umupo sa kamang hinihigaan ko.

"Ate?" kunot noo kong tanong. "Dana na lang itawag mo sa akin, at tyaka hindi mo na kailangang magsalita using pure tagalog. " sunod ay tumawa ako.

"Bakit pala nakabaro't saya rin kayong mga assistant? Hindi ba dapat kaming mga artista lang, kasi ang init nitong costume at hindi pa kayo makakagalaw ng maayos." dagdag ko.

Nag-iba ang kaniyang itsura, para bang kinikabutan siya sa mga sinabi ko.

"Ano ang iyong pinagsasabi ate? Bakit kitang tatawaging Dana kung ang iyong pangalan ay Leonor Isabella? At ano itong puyr tagalog? Kostyum?" tanong niya at ilang saglit lamang ay parang nagulay siya at tinakpan niya ang kaniyang bibig gamit ng kaniyang mga kamay.

Amor y TraiciónTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon