Kabanata 8

63 5 1
                                    

[Chapter 8]

UNTING- unti nang dumidilim ang paligid dahil sa papalubog na ang araw. Narito ako ngayon sa may bintana ng kwarto ko, nakapalungbabang tinatanaw ang labas habang nakaupo. Hindi pa rin talaga ako makaget over tungkol sa mga pangyayari kanina. Lalo na nang makabalik ako sa tindahan ng mga libro upang balikan si Kristina na naiwan ko pala.

"Huling beses ko na ito uulitin. Ito ang pangalawa mong pagkakataon na mabago ang buhay mo, na sa iyo na lang kung ayaw mo. Limited lang naman kasi ang oras mo dito. And lastly, malay mo malaman mo ang mga katotohanan na hindi mo natuklasan noon. Adiós!" pagkatapos niyang sabihin ang mga 'yon ay bigla siyang nawala na parang bula. Bumalik na rin sa dati ang mga tao kanina na parang naestatwa.

Andito pa rin ako nakatayo sa tapat ng tindahan ng gulay. Nag-iisa dahil biglang nawala ng parang bula si direk at hindi ko na alam kung saan siya hahanapin.

Bigla kong naalala na kasama ko nga pala si Kristina. Paktay! Baka hinahanap na niya ako. Saan kaya ang daan pabalik doon sa tindahan ng libro? Hindi ko pa naman kabisado itong lugar na 'to.

Lumingon ako kaliwa't kanan, hindi ko pa rin maalala kung saang direksyon ako nanggaling kanina.

Mukhang wala na akong ibang magagawa kundi ang gawin 'to. Napatunayan ko rin naman na minsan ay effective 'to sa gantong sitwasyon.

"Eeny, meeny, miny, moe pwet ng kabayo kamukha... mo!" kanta ko kasabay ng paglipat ng aking daliri sa kaliwa't kanan. At nahinto sa kanang direksyon ang daliri ko pagkatapos ng kanta. Sa kanan! susubukan kong dumaan sa direksyong 'yan tama!

Sinimulan ko nang maglakad sa kanang direksyon at nagbabasakali na sana tama nga ang daang tinatahak ko ngayon. Sa ilang minutong paglalakad ay lumuwag ang aking pakiramdam nang matanaw ang tindahan ng libro sa hindi kalayuan. Nakita ko rin na nasa labas na pala si Kristina at may kausap itong isang babae na sa tingin ko ay kaibigan niya na galing din sa mayamang pamilya, base sa kaniyang kasuotan.

Nabaling sa aking kinaroroonan ang tingin ni Kristina. Napatigil siya sa pakikipag-usap at nilapitan ako.

"Ate Isabella! Saan ka nanggaling at bigla ka na lamang nawala?" nag-aalalang salubong niya sa akin habang ako'y papalapit sa kaniya.

"Ahh kasi ano... may sinundan lang ako kanina akala ko kasi kakilala ko ngunit nagkamali pala ako hehe. Sor--PAUMANHIN pala kung hindi kita nasabihan." paliwanag ko no'ng magkalapit na kami. Jusme muntikan na ako makapagsabi ng english word.

Lumapit sa amin ang babaeng kausap kanina ni Kristina. Ngayon ko lang nasilayan ang kaniyang mukha ng malapitan. Napakaganda niya, mala angel ang kaniyang ganda. Isa lang sa aking napansin ay may pagkakahawig siya kay Agustin.

"Nakita ko nga pala si Angelita kanina no'ng lumabas ako ng tindahan upang hanapin ka." sabi ni Kristina nang mapansin niyang lumapit ang babaeng may mala-angel na itsura.

"Mabuti na lamang at hindi ka naman tuluyang nawawala binibining Isabella. Hindi na maipinta ang mukha ni Kristina kanina nang hindi ka niya mahanap." ani Angelita at pinipigilan ang kaniyang tawa.

Amor y TraiciónTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon