Chapter 12Suffer
Hazi's POV
Break time na kaya naglalakad na ko paputang canteen.
*Splash!*
What the---!!!
Bigla nalang akong binuhusan ng isang timbang tubig ng mga nasa second floor----kaasar!
Kaya ang ending imbes na sa canteen ako pupunta...nauwi sa cr
Pano ako nito wala akong pamalit!
Dumaan muna ko sa Mapeh Dep para bumili ng P. E. Medyo nagulat ako ng makitang maraming estudyante pagkalabas ko
Nasa cubicle nako ng isa sa mga cr bigla akong maka-rinig ng paglock ng pinto.
'nananadya na sila!'
Nagpalit nalang ako ng damit and as I'm expecting---The door was locked. Buti nalang dala ko cellphone ko, di ako mabo-bore dito sa loob
Then, oras ang lumipas ng makarinig ako ng pag-unlock. Bumungad sakin yung Mapeh teacher namin. "You're weird ah."
Ngumiti nalang ako at nag-inat. Pero sadya talagang na-curious si ma'am
"Ano bang trip mo iha? Kanina pa kita napapansin"
"I just wanna be alone, Ma'am," pagdadahilan ko
"Kaya ka naglock dito sa cr mag-isa?"
"Hindi na alone yung tawag dun kapag nagsama pa ko ng isa," pinilit kong di magtunog sarcastic yung sinabi ko
"Katulad ng pagkabasa mo kanina?" Pilit akong tumango. "Ang weird ng pagkabasa mo ah..."
Ngumiti nalang ako at lumabas. This time hindi na ako nagulat ng makitang marami na namang estudyante sa labas.
On the way nako papuntang room ng may bumunggo sa braso ko. "Ano nagsumbong ka?" Bulong nya
Imbes na sumagot pa sa tanong nya nagpatuloy nalang ako. Parang walang klase. Nandito halos karamihan ng estudyante sa labas...
"Nagsumbong ba?"
"Parang..."
"Kung nagsumbong dapat sinugod na tayo ng mga teachers"
Ako ba yung pinag-uusapan nila?
***Room****
"SAAN KA GALING?!!!"
Halos mabarag ang eardrums ko sa bungad sakin ng Math Teacher namin.
Hindi nalang ako sumagot."Nagpapatawa ka ba? Alam mo ba kung anong araw ngayon?"
*Silence*
"Tang-*na sagot! Hindi ka naman pipi diba?!!"
"Opo.'' Tanging sagot ko na nagpahilamos ng kamay sa mukha nya---na bububwisit na
"Anong araw ngayon?!"
"Wednesday, Sir"
"Anong schedule ng P. E nyo?!"
"Tuesday, Thursday and Friday, Sir"
"Anong katangahan ang pumasok sa kokote mo para mag P. E?!"
*Silence*
"GO. OUT!!!"
Lumabas ako ng room at nanatili sa hallway. Akala ko simpleng pagpapalabas lang...
"Kuhain mo to!! Skwat!!"
Nadismaya ako ng mahawakan yung 3 makakapal na Math book
Skwat daw...
No choice!
Nag-eskwat ako. Medyo nakakangawit dahil ilang minuto nako dito at nakatitig lang sa sahig ng hallway. Maya-maya may dumaan na tiga Section C...
"Diba sya yun?"
"Ay, oo nga. Kawawa naman..."
Tch!
Pagkabalik nila sa Section C akala ko okay na pero hindi ang tang-*na!---NAGTAWAG PA!!
"Sya yun diba?"
"Haha...naparusahan"
"Yan landi pa"
Maya-maya may bumato sakin ng crampled papers
Tang-*na!! Kayo kaya pag--eskwatin ko dito
Padami ng padami! Pasakit pa ng pasakit!
Tinapakan ko yung isang crampled paper---WHOA!!
TANG--*NA!!!
Di na basta binolang papel yun--may bato na sa loob
Bwisit!!!
Dumaan yung lalaki sa harap ko. "Masakit?" Sinuri nya pa ang pagkaka-eskwat ko...Pero sh*t!!!
Akala ko mabait!
P*ta!!
Sinipa pa yung paa binti ko!!
Masakit---MASAKIT TALAGA---kaya napabitaw ako sa pag-eskwat at napa-upo sa sahig habang hinihimas yung binti ko
Tang-*na mo boy!
Akala ko tapos na sila pero---ARGH!!
"Sir! Hindi naman nag--eeskwat yun oh!"
WHAT THE----!!!!
YOU ARE READING
Just A Nobody In Zombie Class
General FictionShe looked tough but she didn't. She's still a girl who has been betrayed...