51

39 3 0
                                    

Chapter 51

Kembot

Hazi's POV

I didn't know how to react right now...

He slapped me...

Sarili kong Ama ang nagsampal sakin. Mas pinili nyang paniwalaan yung ibang tao kaysa sa sarili nyang anak. Inuna nya yung maling nagawa ko kahit hindi nya pa nga tinatanong kung bakit.

"Nak," nag-aalinlangan nya kong hinawakan sa braso

"M-may...gagawin pako," dire-diretsong nakong umalis ng ospital

Para kong binagsakan ng langit at lupa. Malungkot akong pumasok ng village namin nang mag-ring ang cellphone ko.

"A-azi..." Malungkot kagad ang bungad ni Mm. "Asan ka?"

"Please, M...I need a place to be alone," nagpigil ako ng hikbi

Lagi kitang kasama sa lungkot ko M pero this time I need to be alone.

"Susunduin kita," dire-diretso nyang sabi hindi hinihingi ang pagpayag ko. "Nasa village kana...wait for me," agad nyang binaba ang tawag

Minutes later, sinundo nya ko gamit ang isang motor

Hindi sya nagtanong. Kaya tahimik lang kaming nakarating sa bahay nila.

"Alam kong ayaw mo muna umuwi  tapos bago palang ako sa lugar nato kaya dito nalang muna tayo sa bahay. Teka...may gusto kabang kainin? Or something? Gaw--"

"May alam kaba sa pagdating ni papa?" Halos pumiyok-piyok nako

"Azi..." Hindi sya makatingin ng diretso

"Hindi ako magagalit. I just wanna know kung may alam ka..." Pahina nang pahina ang boses ko umaasa na kusa akong hinanap ni papa

Naging mabagal ang pagsagot nya. Tinitignan kung tama ba na malaman ko pa. "Meron...onti... He finds for you.  Pinadala nya ko para i-check ka..."

So, hindi pala ako hinanap ni Mm...tinuro lang pala ni Papa

"...kaya, nagrereport ako sa kanya kung anong lagay mo"

Marahan akong tumango. Nawalan ng gana. "Ahh...okay"

"I will," nagsalita sya ng nakatitig sa mukha ko. "I will stay no matter what. Please? And your father was finding for you. Tito loves you so much. It's just..."

Niyakap ko nalang sya at nagsimulang humikbi. "Thank you M..."

"Nandito ako, nandito sila...ang buong Zombie Class para tulungan ka. Kaya mo yan"

Hindi ko alam kung bakit pero mas lalo akong naiyak sa sinabi ni Mm.

Mali talaga siguro yung ginawa ko

I left my friends...

Iniwan ko sila dahil sa isang gabi na yon at pinilit isipin na lahat sila ay katulad din ni Patricia

And I think I'm wrong... Very wrong

Kinabukasan, sinundo kami ng mga kaklase namin at parang kahit papaano nabawasan ang problema ko

Masyado kaming maaga kaya nag-antay pa kami sa stage pero sa gilid lang

"Ang init," reklamo ni Juntilla na umarte pang napapaso

"Ano gusto mo teh?"-Steve

"Dun tayo sa gitna," sinamaan nya ng tingin yung mga kapwa estudyante namin dun

"Sira! Gusto mo ng away?"-Steve

"Bakit? Sino ba sila?" Sinuri ni Mm ng tingin

"Ang Section A," nakangiwi si Santos

"Baka pwede namang pakiusapan...nangingitim nako"-Jaycel

Naghagalpakan kami sa tawa.

"Bakit kayo tumatawa?" Inosente nya kaming tinignan

"Kaloka ka! Ni hindi ka na nga namin makita pag-brown out"-Steve

"Tse!" Inerapan nya kami

*Ting!* *Ting!*

"Oh, ayan na! Ang itim kasi..." Natatawa parin si Steve

"Anong konek?" Napakamot pa ng ulo si Claire

"Mahabanging Neptune! Anong nangyari kay Claire?!! Pakibalik po! Yung utak nya nawawala." Parang tangang nagsisisigaw si Steve

Natigil ang tawanan namin ng pagbubungguin kami ng mga Section A

"Aray!"

"Tang-*na! Ang luwag luwag ng daan sa kabila!"

"Ano? Suntukan nalang?"

Hinarap kami ng isang lalaki. "We're the Section A. Back off"

Matalim na tingin ang iniwan nila samin.

"Yabang..."--Sam

"Shh!" Saway ni Steve. "Baka marinig kayo"

"So what?"-Juntilla

"Gusto mo away?"-Santos

"Sumunod nalang kayo"-Steve

"Yoko nga!"

"Ano sila? Sinuswerte?"

"Upakan ko pa yun eh!"

Nagkanya-kanya na naman sila ng pagtanggi.

"Bakit tayo susunod sa kanila?" Maririnig ang pagka-disgusto sa tanong ni Romel.

"Kasi sila ang Section A," matipid na sabi ni Santos

"Akala ko ba okay na? Nakasama pa nga natin yung iba sa kanila eh"-Estores

"Yung iba lang..." Malungkot na sabi ni Steve. "Hindi lahat...meron paring may ayaw satin kaya makikisama nalang tayo..."

"Kasi Section A sila?" Singit ko na tinanguhan nya. "Pake natin sa kanila?" Tinaasan ko sila ng kilay at nakuha naman nila ang meaning ko non at...

"Fight! Zombie Class!"

"🎶🎵Yeah! Sige! Ikembot! Sige! Ikembot! Ikembot mo all around!🎵🎶"

Nawala ang ngiti namin kay Klein na walang muwang na nagsasasayaw kahit na maraming nakatingin

"Hindi namin kilala yan," tinuro sya ni Aaron

"Oo nga!"

"Tara, tara!"

"G*go!!" Pinaghahabol sila ni Klein

Haysst!

Just A Nobody In Zombie ClassWhere stories live. Discover now