Chapter 43
MNHS
Hazi's POV
Nagmistula tuloy na bukas ang resort sa dami namin.
"Hala! Hazi! Hindi pwede! Ano sila? Bisita?"
"Bwisitat bwisito kamo!"
"Feeling mga prinsesa"
Nagkanya-kanya na naman sila ng opinyon ng hilingin sakin ni Hallie ang kwartong tinulungan namin kagabi---isa kasi yun sa mga magagandang kwarto sa resort--pero wala silang nagawa dahil pumayag nako
"Hayaan nyo na sila. Ano ba naman kayo, parang hindi tayo natutulog sa banig," mahinahong sabi ni Claire
Wala silang ibang nagawa kundi ipalipat ang gamit nila sa isang kwarto--Kwarto na pang 50 katao--kung sa sahig hihiga
Tama sila...
Nagbuhay prinsesa ang mga Section D pero hindi ang Zombie Class ang nagse-serve sa kanila. Nagtatampisaw na sila sa dagat kasama ang Section C.
Sila Hallie, nasa buhanginan lang nakatanaw sa dagat
At para makaiwas sa gulo...
Ang buong Zombie Class ay nandito sa mini bar, medyo nagtatampo pa nga sila kasi hindi daw nila ma-enjoy yung dagat
Dumating ang gabi at dahil katulong ko na si Hallie sa pamamahala sa kanila, tinulungan nya ko sa pag-a-assist sa mga server.
Syempre mas marami silang staff na tiga-assist...
Kumain sila sa isang malaking round table per section samantalang kami nandito sa gubat at pinagigitnaan Ang bonfire-Bitbit ang kanya-kanyang paper plate...
"Nahiya ako sa kanila"-Steve
"Mas okay kaya dito"-Aaron
Tahimik kaming kumain kaya nagpatugtog si Michael ng radyo.
Dumaan ang ilang kpop song na sinayawan pa ni Steve...
Ang Kick It na hinatawan nila Aaron...
Ang pagsabay nila sa pagbirit ng kanta...
Napuno ng tawanan ang gubat pero natapos yun ng tumugtog ang hindi inaasahang kanta...
🎶Kay sarap gunitain
ang mga ala-alang lumipas
Tila ba kailan lang nang tayo’y mangarap...🎶Sa umpisa palang ay ramdam mo na kagad ang lungkot non
🎶Sa paglipas ng oras hinubog tayo ng panahon
Matatag nating nakayanan mga pagsubok na hamon...🎶🎶Paalam na aking kaibigan, guro at kamag-aral
Dala ko ang ala-ala na sa ati’y nagdaan
Munti nating mga pangarap dalangin ko sa Maykapal
Nawa’y sa panibagong bukas tayo ay magtagumpay
Tagumpay…🎶Binalot kami ng katahimikan
🎶Ito na ang takdang oras na tayo ay magwawalay
Upang lakbayin ang landas patungo sa ating bukas
Masakit man sa damdamin iwanan ang nakaraan
Ngunit dahil sa munting panagarap kailangan nating
maglakbay…🎶Biglang nakaramdam ako ng bara sa lalamunan ko
🎶Paalam na aking kaibigan guro at kamag-aral
Dala ko ang ala-ala na sa ati’y nagdaan
Munti nating mga pangarap
Dalangin ko sa Maykapal
Nawa’y sa panibagong bukas tayo ay mag….tagumpay... tagumpay🎶🎶Paalam na aking kaibigan guro at kamag-aral
Dala ko ang ala-ala na sa ati’y nagdaan
Munti nating mga pangarap dalangin ko sa Maykapal
Nawa’y sa panibagong bukas...🎶🎶... Tayo ay magtagumpay...🎶
Naka-rinig na ako ng paghikbi. Nagsi-iwasan ng tingin. Nakayuko, tila ayaw ipakitang nasasaktan sa kanta
Wala sa sariling napatakbo palayo si Santos
Pekeng tumawa si Klein, "haha, tara na. Balik na tayo dun"
"M-mabuti pa nga"--Steve
Habang naglalakad kami naka-rinig ako ng pagkaluskos ng dahon
"S-sino y-yun?"-Claire
Umangat ang ulo ni Hallie. "Pasensya na..." Lumapit sya samin. "I guess, I really have to say sorry...sa...sa inyong lahat"
"Ano kaba...wala yun," mapait na ngumiti si Steve. "Alam namin na mali ka, pero mamamali din kami kung gagantihan pa namin kayo"
"Thank you..." Napayakap sya kay Steve
"Hindi ka sakin dapat mag-thank you, kundi sa kapatid mo...kay Hazi." Napatingin lang si Hallie sakin. "Tsaka naging mabuti kang president namin. We know na...ang perang yun ang para rin samin. Quits na"
"A-ang totoo kasi n-nyan...na...natatakot ako. B-buong school ang k-kakalabanin natin. I'm just a-afraid of...of..."
"Shhhh..." Niyakap sya ni Sam. "We're here. Willing kaming tumulong"
"What a dramatic scene," naka-crossed arm kaming tinapunan ng tingin ni Angela
"Angela, please stop"---Hallie
"Tch! Hindi naman sa lahat ng pagkakataon na darating ako eh puro gulo lang ang dadalhin ko. Duh!"--Angela
"So bakit ka nandito?"-Juntilla
"Ano pa? Edi makikipagkasundo narin." Taka nila syang tinignan. "Para sa school din to noh! Tsaka ayoko ng umalis pa sa MNHS malaking parte ng buhay ko ang nabuo don. Kahit sabihin nyong kakarag-karag na ang building at parang isang lindol nalang eh guguho na"--Angela
"Yon ang rason kung bakit kami pumunta dito"-Melody
"Ang kwentuhan kami tungkol sa school?"-Claire
"Gaga!"-Steve
"Lalaban tayo as a School." Mapait na ngumiti si Hallie. "Masaya bang maging isang Zombie?"
Natawa kaming lahat
We're having a school fight I guess
YOU ARE READING
Just A Nobody In Zombie Class
General FictionShe looked tough but she didn't. She's still a girl who has been betrayed...