27

56 6 0
                                    

Chapter 27

Hug

Hazi's POV

Napa-'Woah' yung iba sa ginawa ko. Wala akong pakialam kung mabaog pa sya kasalanan nya yun

"Oh," inabutan ako ni Jaycel ng tissue

"Thanks"

Kasalukuyan kaming nasa Cr at tinatanggal yung sauce na kumapit sa uniform ko.

Out of the blue Jaycel said, "thank you..." Bulong lang yun pero sinadya nyang iparinig sakin

"San?"

She smiled. "Sa pagliligtas mo kay Steve..."

"Yun ba yung tawag nyo dun?"

Natawa sya, "sinasalo kasi ni Steve ang lahat pero eto kami...hindi sya matulungan"

"Ganun ba sya naging mabuting Presidente nyo para magpasalamat ka sakin ng ganyan?"

Umiling sya. "Ganun sya kabuting kaibigan," pagtatama nya

He's still a Gay...

Napapikit ako sa naisip

"Galit ka sa kanya dahil bakla sya? Tama ba ko?"

"Siguro..."

"Hindi naman 'LAHAT'"

"I can't just easily remove the pain that they build in me"

"He can be a good best friend," tinapik nya yung braso ko at lumabas

Nagpalit ako ng T-shirt tsaka lumabas. Nagulat ako ng makita sila inaabangan ako.

"Okay ka lang?"-Klein

Marahan akong tumango-naguguluhan

"Tara na!" Sigaw ni Jaycel tsaka kinuha ang braso ko at ipinulupot yung braso nya

Tatawa-tawa kaming bumalik sa room. Umiiyak si Claire ng makita ko sa upuan nya

Nagulat ako ng akbayan ako ni Jaycel medyo napapitlag pako. "Nahihirapan na sya"

"Gusto mo?" Alok ni Russelle ng sandwich na hawak nya natawa nalang ako

Nakaramdam ako ng pagpulupot ng braso sa leeg ko---They gaved me a hug

"H-hey..." Naguguluhan kong sabi

"Ito ang paraan namin ng pasasalamat"-Steve

"kabilang man kami sa section na kung tawagin ay Zombie Class...higit pa sa pagkakaibigan ang nabuo namin"-Jaycel

"It's a Section Hug!!!'--Klein

Just A Nobody In Zombie ClassWhere stories live. Discover now