49

41 3 0
                                    

Chapter 49

Fight

Hazi's POV

Walang reaction akong pumasok ng room. Dire-diretsong umupo sa upuan at yumuko...

Why life needs to be this bad?

Bakit kailangan ko ulit mapunta sa pakiramdam na to?

Pakiramdam kung saan hindi ko na naman ma-protektahan ang sarili ko...

Ganon ba talaga ang mga tao?

Wala pa man ako na kagad ang mali. Hindi pa nga hinihingi yung opinion ko ako na, finish na...

At ang tanging kaya ko lang gawin ay umiyak...

Iyak na tanging ikaw lang ang nakakarinig...

Promise, mas masakit umiyak ng pinipigilan yung pilit itinatago...

Sandali kong pinunasan yung luha kot naupo ng maayos...

'I feel so empty'

Padabog na pumasok si Hallie...

"Ganyan ka na ba talaga?"

Hindi ako sumagot dahil alam ko sa sarili ko na may galit na nabubuo sa puso ko para kay Hallie

"Bakit ba parang wala ka palaging pakialam?!"

Sinipa nya yung upuan sa harapan ko at nagsisisigaw...

"Bakit hindi ka tumayo at isigaw sa kanila na ako, ako ang may kasalanan?! Bakit hinahayaan mong magmukha kang masama sa mga mata nila?!! Bakit?! Bakit?!"

Niyugyog-yugyog nya yung balikat ko tsaka nagiiiyak

"...bakit...?"

Pinunasan ko yung luha ko at nagpumilit na magsalita...

"D-dahil kahit a-ako sa s-sarili ko...h-hindi ko alam kung pano de-depensahan yung sarili ko... Ako nalang p-palagi... n-nakakasawa na. H-hindi ko a-alam kung n-nababaliw n-na ba k-ko o a-ano..."

Lumuhod sya sa harap ko. "I-im s-sorry, it's m-my f-fault...at a-alam mo yun p-pero b-bakit hindi m-mo man l-lang..."

"D-dahil h-hindi l-lahat ng tao m-maniniwala sayo..."

Ilang beses syang umiling. "I-ipaglaban mo k-kasi...a-ako, ako y-yun eh... A-ako d-dapat yun..."

"M-masakit p-pero oo, y-yun ang t-totoo..."

Nagpagpag sya. Pilit nagmamatapang kahit bakas pa ang namumugtong mata. "T-tara...t-tumayo k-ka d-dyan... p-pupunta tayo d-dun...l-lumaban ka..." Hinawakan nya yung pulsuhan  ko

"N-no... please," pilit kong hinatak yung kamay ko. "N-not...n-now..."

"LUMABAN KA!! HINDI PWEDENG HABANG BUHAY KANG GANYAN!!" Muli syang umiyak at nagpapapadyak

-------------------------

... continuation...

Ganon pala talaga...

Kahit ilang beses mong piliing maging masaya, may darating paring problema...

At hindi mo maiwasang umiyak nalang ng hindi mo namamalayan.

After ng hatakan namin ni Hallie kanina, nagcut nako ng class-umuwi at nagkulong sa kwarto

Naiiyak ako na hindi ko maintindihan...

Kasi sa pagkakaalam ko...wala naman akong mali...

Isa-isa kong pinagbabato yung mga gamit na nakikita ko...

Kahit dito man lang...maipakita kong galit ako at di ko na kaya...

"Ma'am, okay lang po ba kayo?" Kumatok yung katulong namin kaya mas nagpigil ako ng paghikbi hanggang kusa na syang umalis

Muli kong binato yung basang na vase sa pader at nagkalat ang piraso non sa sahig.

Sana man lang naisip nila na mahina din ako, kailangan ko rin ng taong masasandalan na para lang akong vase mukhang perpekto sa labas pero kapag inihagis mo...mababasag rin...

Walang lakas akong naupo sa likod ng pinto. Yakap ang mga binti at pinipigilang humikbi...

I hate my life!

Nadako ang mata ko sa isang maliit na bagay...

'USB'

I didn't know why pero parang may nagtulak sakin para panoorin kung ano mang meron sa USB na ibinigay ni Michael. And then a video played...

Humarap sakin ang nakangiting mukha ni Lola Bal...

"I have something to tell you, Children..." She started to annalyze the face of students infront of her. "...kahit ano pang kasalanan ang nagawa nyo...handa akong makinig..."

Mas lalo akong naiyak...

Bakit yung Lola ko may oras sa iba? Bakit ako na apo at sariling dugo...kinamumuhian nya?

Nagsimulang magpaliwanag yung isa at nagkaroon pa ng sigawan pero hayun ang Lola kot nakatingin lang sa kanila...

"Tama na nga yan," awat nya sa kanila. "Lahat ng problema, may solusyon. Kaya nga ako nandito eh..."

"Pero bakit po kayo nandito, Lola?"

"Nandito ako para maging gabay ninyo dahil may naging pagkukulang ako noon...sa sarili kong apo..." Malungkot syang ngumiti

"...may apo ako, pasaway...Ewan ko kung bat nagkaganoon yun. Masayahin yon, maganda at mapagmahal..."

"Si Hallie po ba ang tinutukoy nyo?"

"Ayiee!!! Gusto mo lang i-kwento yung crush mo eh!"

"H-hindi...a-ah..."

Nagkaroon pa yun ng mahabang asaran pero natigil ulit ng sumabat si Lola...

"Hindi si Hallie ang tinutukoy ko...ang tunay kong apo..." Natahimik ang lahat, hindi inaasahan ang sinabi nya

"...may pagkakataon na ako pala yung mali...pero huli ko na naintindihan. Nagkamali ako, at sa sarili ko pang-apo pero...makakabawi na ako sa kanya. Babalik na sya dito!" Gumuhit ang ngiti sa labi nya halatang tuwang-tuwa

Bakit Lola?

Akala ko noon...hindi mo pinagsisihan na ilayo ako sa kanila. Itanggi na parang hindi mo tunay na apo. Ituring na parang hangin sa paligid...

"Babalik na ang maganda kong apo na yun at dito sya mag-aaral!!" Pumapalakpak pa sya sa tuwa. "Alagaan nyo sa ah? Pag-aalaga na hindi ko nagawa sa kanya..."

"Opo Lola," sumaludo pa yung isa

"Weh???!!! Baka maging crush mo lang ulit yon? Style mo bulok!"

"Tigilan mo ko!"

"Tama na nga yan! Lola bakit parang sa sinasabi nyo eh...wala kayo dito?"

Matagal bago sya nakasagot. "Kasi...ayaw nya saakin eh," nagsimula nang magtubig yung mata nya "...ayaw nya sa Lola nya..."

Lola...

Just A Nobody In Zombie ClassWhere stories live. Discover now