Chapter 25
Bullied
Hazi's POV
Days went too fast...
Nagbalik ang lahat sa dati, naging 'NOBODY' ako sa sarili kong section
Pumasok ako ng room ng nagkakagulo sila...
"Grabe..."
"Noah...okay ka lang?"
"Mukha ba syang okay?"
"Nagtatanong lang..."
"Sh*t! babalik na naman tayo sa dati!"
Tumabingi ang ulo ko. Nakapaikot silang lahat kaya hindi nila napansin ang pagdating ko---well kung may pake sila
Nagsimula ang klase ng wala si Claire sa upuan nya, balisa naman si Steve sa upuan nya...
Did I miss something?
Parang wala akong alam sa pag-ikot ng mundo nila
-----
Breaktime.
Nagmadali silang bumaba ng hagdan, parang may feeding program sa canteen, nagkalat ang buong Zombie Class...
Nagmistula silang tindera, waiter, taga-walis----TRIP NG SECTION NATO?
Habang tinatahak ko ang daan papuntang pila ng biglang may humatak sa braso ko.
"Sa pila ka pupunta diba?"
*No answer*
"Sabay mo nako...ay mali---kami, bilis!"
🤨
"Ano pang tinutunga-tunganga mo dyan?!"----> nakuha nya ang attention ng mga Tao
"Pssst! Boy, hindi sya kasali. Utos ni President."
Hindi kasali san?
Tuluyan ng kumunot ang noo ko ng bunggoin nya pako para maka-daan
Maluwag naman yung daan kailangan mamunggo?
Umakyat ako ng room pagkatapos bumili ng pagkain---wala talaga sila...
...I mean, ako lang ang tao sa room
Ibinaba ko ang pagkain sa arm chair ko at sinilip ulit sila sa hallway, sakto naman na tanaw yung canteen
Si Steve, nililinis yung lamesa.
Si Denise Santos, panay ang buntong-hininga bago iabot sa isang babae yung shake.
Si Juntilla naman, padabog na ibinaba sa lamesa yung shake ni Melody, nagsimula yun ng alitan nila
"Nagrereklamo ka?!"
"Mukha ba kong nagrereklamo?"
"Then, anong tawag mo sa ginawa mo?"
"Pagdadabog yun, Bitch!"
Hinawakan ni Melody yung buhok nya.
Mag-aaway ba talaga sila? Seryoso?
Hindi naman natuloy dahil umawat na sila Michael sa kanila.
Hindi ko alam pero...
...naaawa ako sa buong Zombie Class
Nagtratrabaho ba sila? O inuutusan?
Tumunog ang bell ng hindi ko namamalayan--malapit na matapos ang breaktime.
Isa-isa na silang nagsi-akyatan.
"Ano ba problema mo, Juntilla?"
"Problema ko? Yung bruhang Melody na yun!"
"Grabe...nakakapagod!"
"Nakapag-pahinga narin..."
Kita ko ang pag-uunat nila---TUMUTUNOG YUNG MGA BUTO!
"Anong nangyari dyan?!" Bigla nalang sumigaw si Steve
"W-wala to, napaso lang," sagot ni Claire habang pinupunasan yung kamay nyang mukhang napaso
"Wow ah! Lang! Sabi ko naman sayo eh, wag kang lalayo sakin. Mapapahamak ka!"
"Di naman ako lumayo eh...hinatak ako nung Alipores ni Angela. Pinagluto ako ng waffle"
Pwersahan silang pinapagtrabaho?
"Nagugutom nako..." Biglang sabi ni Klein
Nadako ang tingin ko sa pagkain ko-hindi ko man lang nagalaw. "Sayo na," simple kong sabi pero parang natakot si Klein. "Tch! Hindi ako nangangain"
Nanginginig nyang kinuha. "Salamat"
"Penge Klein..."
"Klein, parang hindi naman tayo magkakaibigan dito..."
Yawa! Nagbulungan pa ang mga loko
"Akin na," inilahad ko ang palad ko. They look at me plain blank. "Money"
"Akala ko libre," ngumiwi si Klein
"Pera," ulit ko
"Mamimigay ka nalang...papabayaran mo pa," paerap na sabi ni Juntilla
"Hindi ba pwedeng magbigay nalang kayo ng pera?"
"Ano to tax?"
"Bakit tayo magbabayad sa kanya?"
Blah...blah...blah...
"Matagal pa ba kayong magpapaka bubuyog dyan? Malapit ng matapos ang breaktime"
May iilan na nakakuha na ng sinabi ko at nag-abot ng pera sakin--- I received 200 pesos
Sila na nga ibibili ko kung ano-ano pa sinasabi
Bumaba ako ng canteen ng wala na halos estudyante--malapit na magtime
Nakita ko yung classmate kong moreno---RUSSELLE
Binubugbog sya ng mga tropa ni Michael
"Matuto kayong sumunod!"
"Tang-*na! Patpat!"
Nag-iwan pa sila ng last word may Russelle na kasalukuyang may mga pasa. "k-kanina ka pa?"
Marahan akong tumango. Bumalik ako sa pila tsaka binuo ang piraso ng mga bagay na nakikita ko....
"Mind if I help you?"--biglang sumulpot si Russelle
Tumango ako. Kagaya noon, pinagtulungan namin buhatin yung mga pagkain nila
Nakarating kami ng room ng hindi nagsasalita...
"Eto na," Sabi ko sabay lapag sa teachers table ng mga pagkain
Natatakot nila akong tinignan. "As I've said before I don't eat people"
Marahan sila kung kumuha ng pagkain
"Russelle...may nakakita sa inyo?"
"Oo..."
Hindi man lang tinanong yung mukha nya...
Nagtataka ako, bakit kailangang sarado yung mga pinto at bintana?
Kung Tama Ang hinala ko...
"Binu-bully ba nila kayo?"
YOU ARE READING
Just A Nobody In Zombie Class
General FictionShe looked tough but she didn't. She's still a girl who has been betrayed...