Chapter 46
Metal
Hazi's POV
Nagsimula na silang lumapit pero ni isa samin walang balak lumaban
Napamura si Mm, "shit..."
Nakita kong hinawakan ng isang lalaki si Klein sa kwelyo at dahil nga may kaliitan ito ay naging madali lang ito para sa kanya atsaka binagsak sa mga semento
"G*go ka ba?!" Nagsimula ng nag-init ang ulo nya.
Magkasing laki lang sila ng lalaki at kung tama ang hinala ko hindi na maalala ni Mm nag-aral kami sa Hortons dahilan para malaman ko na more on physical activities sila
Nagsimula na silang maghamunan ng tingin pero naagaw ni Tania ang atensyon ng lahat. "Ano? Manonood nalang kayo dyan? Laban na!" Bigla nyang hinatak sa buhok si Hallie
"Ano ba bitiwan mo ko!"
"Lumalaban kana? Let me see," bigla nyang tinulak si Hallie sa pader. "Asan yung tapang mo Ms. President..."
Lalapit na sana kami ng harangan kami ng mga kulot na babae. "Opps!" Maarte nila kaming tinignan mula ulo hanggang paa. "Deserve to die b*tch"
"Tara na. Andami mo bang sinasabi," nagsimulang magstreching si Juntilla. "Sugod!"
"Hey, face me," biglang humarang sa harap ko yung isang kulot. "Ako ang kalabanin mo. Medyo na aasar pa nga ako dahil ako natapat sayo dahil mukha kan--"
"Lumayas ka dyan"
"Excuse me?" Tinaasan nya ko ng kilay pero wala syang nakuhang sagot kaya nagsimula na naman sya. "Akala mo ba kaya mo ko? Pwes, akala m--"
'tumilapon sya sa mga yero'
"Nice," komento ng naiinip na si Santos dahil katulad ko eh wala narin yung kulot na nasa harap nya
Karamihan ng kalaban namin ay mga lalaki kaya naman onti lang ang mga babaeng nakikipaglaban samin
"Tapusin na natin to," kinuha nya yung isang bakal tsaka inastang arnis yun. "Harapin nyo ko!" Nagsimula syang pukpukin yung mga lalaki sa batok
Kamangha-manghang ginawa nya ngang arnis yung bakal
Pinalibutan sya ng 5 lalaki kaya dumampot na ko ng isang semento kaya naagaw ko ang atensyon ng dalawa sa kanila
Natawa sila ng makita ako. "Kaya ko na to mag-isa bro"
Sinamaan ko sya ng tingin tsaka sinugod pasipa sa mukha nya diretso pahampas sa pader
"Wow, chicks ang lakas mo--" Sinipa ko ang binti nya bago sumakay sa likod nya at pinuntirya yung batok nya
Tulog!
"Wow..." Umasta pang nagulat yung ibang lalaki na nanonood at nag-aantay na makasugod
Nagulat ako ng may isang lalaki na sumakal sakin. "Nice smell..." Mahina pa syang umungol pero agad ko rin syang binalibag pa higa sa sahig na kinatatayuan ko. "What the hell?!!"
This time isang lalaki naman na may hawak ng bakal ang nagmaka fencing master. Inikot-ikot nya yun sa katawan nya tsaka paunti unting lumapit sakin
Hindi ako marunong humawak ng sandata kaya kahit may bagal na nasa sahig ay hindi ko pinulot at nagpatuloy lang sa pag-iwas at ang tanging alam ko lang na dapat gawin ay umiwas dahil pag once na tamaan ako nun--manghihina na kagad ako
"Anong nangyari miss? Natatakot ka ba sa kagwapuhan ko?" Bahagya pa syang natawa. "Lapit..."
Para kaming naglalaro ng habol-habulan hanggang sa maisipan kong magtago. "Hey miss...lumabas ka--" bigla akong sumulpot sa likod nya at hinampas ng bakal yung batok nya
Rinig na rinig ko ang pagkalansing ng bakal. Ilang ulit pa akong nakipaglaban at para lang kaming pinapagod dahil hindi sila nauubos...
Naglabas ng pocket knife yung kaharap ni Mm. "Tignan natin kung kaya mo to..."
Nagsimulang umilag-ilag si Mm pero sadyang napapagod na talaga sya kaya muntik na syang mahagip non.
Lumapit ako sa kanila pero nagulat ako ng kabigin kagad ako nung lalaki. "Akala ko manonood kalang samin eh..."
"Bitiwan mo sya," maririnig ang pagbabanta sa tono ni Mm
"Miss... Magmimistula kabang saviour ng lalaking to?" Hindi ako sumagot dahil nasa leeg ko parin yung pocket knife nya. "Akin ka nalang-kahit isang gabi-pakakawalan kita...pasasarapin..." Umungol-ungol pa sya
"Tang-*na mo!" Biglang sumugod si Mm pero agad na dumiin yung knife at ramdam ko ang kirot non. "shit!"
"Wag kang lalapit. Nag-uusap pa kami eh," dinilaan nya yung dugo ko sa kutsilyo nya. "So ano? Isang gabi la--" binalibag ko sya
Agad na lumapit sakin si Mm at kinuha yung panyo sa bulsa. "Lumapit ka," agad naman akong sumunod. Tinali nya yung panyo sa leeg ko. "D-dumudugo..."
Bahagya akong tumango tsaka pinuntahan si Hallie. Pagapang syang umaatras kay Tania. "P-please..."
Tinapakan ni Tania yung kamay nya. "Ano na? Nasan na ang tapang mo?"
Dali-dali akong lumapit at sinipa sya dahilan para tumalsik sya sa gilid. "O-ouch..."
Tinayo ko si Hallie. May mga galos na sya. "Are you okay?" Malungkot syang ngumiti
"How dare you b*tch?!" Lalapitan nya na sana kami nang hatakin ni Juntilla yung buhok nya. "B*tches!!!"
"Ano? Masyado kang mayabang," hinagis sya ni Juntilla sa mga durog-durog na semento.
"O-ouch...hindi kayo mananalo!"
"Pano mo nasabi?" Tinapakan ni Boroc yung braso nya
"Ahhhh!!!" Umecho yun sa buong lugar. "MARAMI KAMI!" Pagpupumilit sya. "Pagod na kayo!"
"Akala mo lang yun," ginulpi na nila sya
Inilibot ko ang tingin, pagod na nga kami. Nabawasan lang sila...
Napuno ng sigaw ang paligid...
"Tang-*na mo!"
"Yabang mo ah!"
"Who you ka ngayon!!"
"Haha!!!"
Nawala ang ngiti nila ng maka-rinig kami ng paggalaw ng yero...
>____<
Mga lalaki na may dalawang malalaking bakal na dala...
YOU ARE READING
Just A Nobody In Zombie Class
Ficción GeneralShe looked tough but she didn't. She's still a girl who has been betrayed...