Chapter 29
Broken Wood
Hazi's POV
"P-paano mo ko nasundan?"
Isang ngiti lang ang isinagot nya sakin.
*Facepalm* Nasundan nya ko pero pano?
"Namiss kita," ngiting aso na naman sya pero to make me shock---He hugged me. "Hayaan mo nakong manatili dito"
"Pero Michael..."
"Hindi lahat. Hindi lahat tra-traydurin ka, nandito pako," malungkot na sabi nya tsaka lumayo ng kaunti sakin. "So...kayo ang bago nyang kaklase?" Binalingan nya ng tingin ang buong Zombie Class na kasalukuyang nanonood samin
"Kaibigan," pagtatama ni Klein tsaka sinukat ng tingin si Michael. "Hindi ko alam na may kakilala ka palang higante"
'matangkad lang talaga si Michael'
Pekeng natawa si Michael. "Pandak ka lang..."
0_0
'sama talaga ng ugali'
"...tsaka hindi ako basta-basta kakilala lang," inakbayan nya ko. "Girlfriend ko sya"
Buong Zombie Class---->(0_________0)
Hayssst...
"Girl na friend," pagtatama ko sa iniisip nila
Sinamaan ako ng tingin ni Michael, "ganun na rin yun"
He's my bestfriend--since birth
"Nga pala, san ka nakaupo?"
Tch! Didikit na naman sakin to!
"2nd row, chair 23"
"Okay, dun ako sa 22--"
"Hindi basta-basta ang seating arrangement namin dito," pigil ni Klein pero sinamaan sya ng tingin ni Michael. "D-diba Steve..."
"O-o tsaka may nakaupo na dun..."-Steve
Matagal-tagal pang nakipagtalo si Michael bago ko sya sinaway, "Michael...dun ka nalang sa likod puro boys dun"
"Ayoko"
"Sige na, wag ng makulit"
"Ayoko"
"Michael..."
"A-yoko"
"Michael naman!".
"Michael ka ng Michael, M-M ka M-M!"
Tch! Gusto pa ng palayaw!
"O sige, 'mm' dun ka sa likod umupo"
Ngumiti ulit sya bago pumunta dun kila Estores
"Hi! Dito daw ako uupo ah! Nice meeting you sa inyong lahat," nakakaloko syang tumawa
Baliw!
"I am Michael, John Michael Rodriguez. Mabait at makulit, etc...etc...etc...basta gwapo ako kagad yun-basta gwapo Michael kagad yun"
Gwapo basta Michael?
Ano kaya iisipin nito pag nalaman nyang may isang Michael pa sa kabilang section?
---------
"Azi..." Kinalabit ako ni Mm"Problema mo?"
"Naiihi ako..."
*Facepalm* "problema ko pa yun?"
Ngumiwi sya. "Hindi ko alam kung asan yung Cr, samahan mo ko..."
"Tch! Babae ako M, bawal ako dun," angal ko
"Sinabi ko bang samahan mo ko sa loob? Edi nakita mo yung---"
Tang-*na!
"Oo na! Oo na!"
Nakasimangot ko syang hinatid sa cr ng boys. "Dito na..."
"Hintayin mo ko dyan, mabilis lang ako," tumakbo sya papasok
Tch! Kabaklaan!
Biglang may kung anong itinakip sa ulo ko. Nakaramdam ako ng paghila
"Grabe! Hindi ka pala ganun kahirap kidnappin!"
Tinanggal ko ang sakong nasa ulo ko. Tumambad sakin ang mukha ni Angela.
Pilit akong natawa. "Pano mo nasabi?"
Nandito sa harapan ko ang iilang Section D--pinalilibutan ako
"Ni hindi ka man lang sumigaw"--Angela
"Required ba na sumigaw kapag kinidnap?"
"Stop being sarcastic stupid!"
Isang timbang tubig ang binuhos sa mukha ko kasunod ng pagtawa nila
Napa-pikit ako sa inis
Nandito si Mm kaya hindi ako pwedeng masangkot sa gulo--paniguradong magwawala yun
Sunod-sunod na sipa ang naramdaman ko.
"Matakot ka b*tch!" Itinaas ni Angela ang kapirasong kahoy na hawak nya
Hindi ako lalaban bastat wag lang makakarating kay Mm to
Naka-rinig ako ng pagputol ng kahoy.
"M..."
YOU ARE READING
Just A Nobody In Zombie Class
General FictionShe looked tough but she didn't. She's still a girl who has been betrayed...