Chapter 41
Tears
Hazi's POV
"WOW!!!!!"
Halos magtatalon na sila sa tuwa ng makita ang buong dagat kahit under renovation pa
Buong section--as in--38 students kaming nandito means...
...walang pumasok na Zombie ngayong araw
"Ang gandaaaaa! Babalik ulit tayo dito ah? O-M-G!!!"-Sam
"Maghulos dili ka nga!" Saway ni Steve
"Bakit ba? Hindi ka nag-e-enjoy?"
"Nag-e-enjoy naman...pero kasi sinong nandon sa room? Sige nga sabihin mo nga"
"Wag mo ngang problemahin yun," singit ni Jaycel
"Pano kung pagalitan nila tayo?"
"Easy," nagpagpag pa ng balikat si Klein. "Madali lang yan"
Aangal pa sana si Steve ng magsalita si Santos, "kulang pa to sa ginawa nila"
"And guys, we need to have fun!!!" Tumakbo na si Juntilla
Since hapon narin kami nakarating, pagod pa sa byahe kaya nagset-up nalang kami ng isang bonfire tsaka pinalibutan namin
May ibang ni-ritwal-an yung apoy-aakalain mong first time nilang makakita non
Sinabayan namin yun ng marshmallow na sinunog nila. Nagpahanda naman si Michael ng hot choco para sa lahat...
"Saang school nga pala kayo galing?"-Klein
"Angustia," malungkot na sabi ni Mm
'Siguro namimiss nya na yung school namin na yun'
"Laro tayooo!!!" Nagtatatalon sila Estores
"Anong laro? Make sure it's safe," may pagbabanta na sabi ni Santos pero nginitian sya ni Estores. "At wag bastos"
Naging mabagal ang pagsagot nya, "o...kay..."
"O ano ngang laro?"-Steve
"Kagume!" Nagtatatalon na naman silang magbabarkada
"Ganito! Ganito! I-memorize nyo ah! Napanood ko to sa TV," umubo-ubo pa si Eugene.
"Di halatang excited ka"-Juntilla
"Wag kang epal!"
"Tuloy na!"-Claire
"Eto! Kagume, kagume. Kagume na kagume. Hulaan mo kung sinong na-sa-li-kod-mo?"
*Facepalm!*
'Iniba pa yung lyrics'
Malakas na bumuntong-hininga si Santos, "as the God's will"
Sabay kaming napangiwi
"Wag na kayong KJ!"-Aaron
"Tayo na!"
"Ganito ang game. May isang nasa gitna na naka-blind fold, iikotan natin sya tapos huhulaan nya kung sinong nasa likod nya."
Wala ni isang um-oo
Hayssst!
Pero dahil nga, ONE-FOR-ALL-ALL-FOR-ONE, tuloy ang laro
Kasalukuyang naka-blind fold si Steve...
Everybody: 🎵🎶Kagume, kagume. Kagume na kagume. Hulaan mo kung sinong na-sa-li-kod-mo🎶🎵
'Michael'
Steve: Ahmm...si, Aaron?
Everybody: Hinde!
Steve: si... Michael!
Sila: Hinde!
O_0
Sinenyasan nila ko ng 'shhh'
Steve: ah alam ko na si...Claire!
Sila: hinde!
Steve: si...Noah
Sila: hinde!
Steve: niloloko nyo na ata ako eh!
Claire: pano mo mahuhulaan eh puro boys lang ang sinasabi mo
Steve: siraulo! Kelan kapa naging boys?
Biglang tinanggal ni Steve yung panyo sa mata nya at tinignan kung sinong nasa likod nya
Patay!
"Mga hayop kayooo!!!"
Nagsi-takbuhan kami kung saan-saan may umakyat ng puno, may bumalik sa kwarto at yung iba sinisitsitan si Steve
----------
Lahat na sila nasa kanya-kanyang kwarto tanging kami nalang ni Mm ang nananatiling gising pero nasa baba pa sya at may kausap sa telepono
*Flashback*
Kasalukuyang kaming nakatingin sa mga Section C na nagvo-volleyball
Hindi maawat ang mata ni Mm sa mga babae kaya nagsimula ako ng usapan
"M..."
"O?"
"Mas maganda daw yung mga tiga Section A kaysa sa kanila"
Nginiwian nya ko, "hindi naman ganda ang hanap ko"
"Kutis lang"
Tinawanan nya lang ako
*End of Flashback*
Akala ko...okay na
Biglang may kung sinong babae ang sumulpot sa harapan ni Mm...
"Haha, bat di mo sinabing pupunta ka?"
"It's a surprise, babe!" Niyakap nya si Mm ng mahigpit. "I miss you...a lot"
"Me too"
Then...they kissed...
Akala ko, okay na.
Kasi...naiwasan na naman na kita. Alam ko naman na may mahal ka ng iba pero sh*t! Anong tawag dito sa tubig na kusang tumulo sa pisngi ko
"I love you"
"I love you...too..."
Tinakpan ko ang bibig ko.
Wala dapat maka-rinig ng pag-iyak ko. Lalo nat alam kong nanghihina ako
YOU ARE READING
Just A Nobody In Zombie Class
General FictionShe looked tough but she didn't. She's still a girl who has been betrayed...