14

57 13 0
                                    

Chapter 14

Sauce

Hazi's POV

"Ang Ama ng Panitikang----Ano yun ang baho?" Napatigil si ma'am

Kanina ko pa naaamoy yun, hindi ko lang pinapansin dahil baka sa Filipino malagot pako

Tuluyan kong inamoy ang paligid--Amoy sauce...

WHAT THE----?!!!

Bakit nakapalibot sakin yung sauce?

ARGH! KAASAR!!!

"Ms. Tuquero..." Nangigigil na kagad si ma'am

"Po..."

"LINISIN MO ANG KALAT MO! NGAYON NA! NAKAKABWISIT! GANON MO BA KAAYAW ANG ASIGNATURANG FILIPINO?!!"

Ako na naman nasisi...

"Zombie Class dismiss! Hayaan nyo syang maglinis ng sarili nyang kalat!"

Tatawa-tawa namang lumabas yung mga kaklase ko. Napapikit nalang ako sa inis pero lalo lang yung nadagdagan ng makarinig ako ng paglock---Taena!

T-in-ry ko buksan yung pinto--nakalock nga!

No choice!

Inilibot ko nalang ang tingin sa buong room---0_____________0

Hindi lang sauce yung kalat!!

Gr!!!!!

Maraming pang plastic ng tsitseryang nagkalat sa sahig---SHIT!!

Nadako ang tingin ko sa cabinet sa likod---kompleto sila ng panlinis. May mop, walis, tambo, sabon, powder, floor wax...etc

Mop...
Punas...
Dampot...

Nauubos na pasensya ko pero tong mga kalat hindi!

Naka-rinig ako ng pag-unlock. "Ow...anong trip yan?"

=__________=

Pumasok si Mr. Whatever--Michael pala

"Exercise," sarcastic kong sabi

Nilibot nya ng tingin ang kabuuan ng room. "Haha! Anong trip mo't naglaro ka ng sauce?"

'pakiusap kailangan ko ng katahimikan!'

"Ganito ka pala katakaw?"

*No answer from me*

"T-teka, ikaw ang kumain ng lahat na yan?"

"Obvious ba?" Inerapan ko sya at nagpatuloy sa pagma-mop

"B-binubully ka ba nila?" Tinaasan ko sya ng kilay. "So...oo?"

'dahil kaya sa kanya kung bakit nila ako ginaganito'

"B-bat g-ganyan ka makatingin?"

"Dahil kaya sayo," mariin kong sabi

"Luh, dinamay mo pako"

Padabog kong binaba yung mop. "Taena ka pala eh, akala nila gusto kita, kaya nila ko ginaganito!"

"Hoy Ms. 'Nobody' wag mo kong 'ma-taena-taena' tsaka dibat crush mo naman talaga ko?"

"Lakas ng apog mo ah!"

"So...hinde?" Umarte syang nag-iisip kaya dinuro ko sya ng mop. "Oy-oy-oy!"

"Lilinawin ko sayo. Hindi. Kita. Gusto. Kuha mo?"

"Oo na, oo na, oo na. Basta't ibaba mo nayang mop. N-natatakot nako sayo eh," dahan-dahan ko namang inalis ang pagkakatutok non sa kanya at nagsimula nalang mag-mop ulit

Maya-maya naka-rinig ako ng pagkaluskos ng tsitserya--nagpupulot sya. "Ginagawa mo?"

"Dahil ba talaga sakin?" Hindi ko sya sinagot. "Gwapo kasi ako eh----ARAY!" Binato ko sya ng mop

"Napaka! Tch!"

"Totoo...gwapo ko, di mo lang nakikita"

"Edi wow!"

Ngumisi sya at tinulungan akong maglinis. Pareho kaming sumakit ang likod pagkatapos pero sadyang abnormal talaga sya dahil nakangiting aso parin. "I'm Michael Zapanta..."

"Ano ngayon?"

"Ang sungit," bulong nya. "Still remember me?" Tumango nalang ako. "Eh, ikaw? Sino ka?"

*Rolled Eyes*

"Hala sya! Oy-tinulungan kita maglinis. Napagod nga ako oh tapos---"

"Hazi, Hazi Tuquero."

A smile form into his lips...

--------------------------------------------------

Author's Note:

Hehe! Sorry po pero hindi pa lalaban si Hazi.  May mga ipapasok pakong mga characters eh🙏

🥰 thank you po sa pagbabasa🥰

Just A Nobody In Zombie ClassWhere stories live. Discover now