Chapter 10
Show
Steve's POV
Malalim ang iniisip ko kaya eto---LATE
May mali ba akong nasabi---OO.
Pero, di ko rin naman pinili na maging ganito ako diba?
Naghalo-halo lahat ng emosyon ko. Naguguluhan na ko.
Magagalit ba si Mama if ever na malaman nyang bakla ako?
Pano si Papa, tatawagin nya rin ba kong salot?
Puro pano kung!!!
Yes, hindi pako totally OUT sa parents ko, at natatakot ako sa pwedeng mangyari magkakawarlaluhan ba if ever?
"Steve, yes! Buti umabot ka," hinihingal akong nilapitan ni Jaycel
"Bakit nasa labas ka pa?"
"Wag mo nakong intindihin. Dun, dun ka sa guidance bilis. Malalagot na naman ata tayo"
Dinalian ko ng maglakad. Naabutan ko si Sam sa labas nangangatog. " S-steve..."
"Ano bang nangyari?"
"Si hazi kasi..." Nagpapadyak sya sa semento. "Malalagot tayo nito, huhu"
Transferee?
"Come in!"
Ako na ang naunang pumasok sa loob. "Teh Hallie..."
"What the meaning of this?" Itinuro nya ang laptop nya...
----Comments-----
punishment na!!! Wohoo
Do you mind if paglinisin natin sila ng cr?
Easy, girls... We'll make this slow
yeah, they'll pay!
"I thought gusto nyo ng katahimikan?" Hindi ako nakasagot. "Shit! Steve! Everything is going to be okay, sana! But thid shit happened! At nasan ka ng mangyari to?"
Wala akong nagawa kundi humingi ng paumanhin
"Talk to her. Pagsabihan mo na. For now take the punishment that given on your section"
Tumango ako at lumabas ng guidance.
Huhu...
"Nasan sya?" Bungad kong tanong kay Jaycel
Itinuro nya yung upuan ni Hazi--na kasalukuyang nagsa-sound trip
"Ano bang problema mo?!!" Lahat sila napahinto
Dahil ito ang unang pagkakataon na nakita nila akong galit!
"Wala na bang bago? Paulit-ulit yung tanong nyong lahat ih," shocked ko syang tinignan
*Pak!*
Sinampal sya ni Denise Santos. "Wake up, bitch!"
"Try harder," dagdag pa ng isang Denice
Sa room namin may 3 kaming Denise--
Denice Juntilla,
Denise Santos,
At Denise Boroc.Pare-pareho kung magsalita. Matatapang...
"Matuto kang lumugar!" Sigaw ni Santos sa kanya
"Paulit-ulit talaga kayo, pang-ilan nyo na, nakaka sawa," natatawa pang Sabi ni Hazi
"What did you say?!" Umecho sa buong room ang sigaw ni Denise habang hawak ang buhok ni Hazi
pero ni hindi man lang sya umaray...
"Alam mo bang dahil sayo...kakawawain na naman nila kami?" Pilit nyang tiningala si Hazi.
"Joke yun, nise?" Pang-aasar ni Juntilla. Sinamaan sya ng tingin ni Santos. "Chill, hindi nya alam. Malamang! Transfree sya diba?"
*Pak!* *Pak!*
...again sinampal ulit sya ni Santos---kaliwat-kanan
"Denise..." Halos bulong nalang ang nasabi ni Claire
"Sa dami ng pwede mong tarantaduhin wag kami. Kung gago ka sa dati mong school, edi bumalik ka dun!"
"Haha... You know nothing," Hindi natinag si Hazi
Muling hinablot ni Denise ang buhok nya. "Ako? Walang alam? San?"
"Sa mga dinanas ko...kaya manahimik kana nakakasawa na ang linya mo"
*Pak!*
'shit'
Namumula na ang mukha ni Hazi sa kakasampal ni Denise
"Gago ka pala eh!!!----"
Susuntukin na sana sya ni Denise ng humarang nako sa gitna nila
"Tabi!" Nangigigil na si Denise, mahirap ng pigilan ang isang to
"Tama na," nakikiusap na sabi ko na nginuso ang pinto at bintana ng room
'nanonood yung ibang section'
"Hindi pa tayo tapos!" Pabatong binitawan ni Denise si Hazi
"Nice show!" Pumapalakpak na sabi ni Melody
"Great, Just Great! Kitang-kita naman natin na sila-sila rin ang magpapatayan," ngumiti si Angela. "Steve, maya sa room namin"
'patay na'
YOU ARE READING
Just A Nobody In Zombie Class
Genel KurguShe looked tough but she didn't. She's still a girl who has been betrayed...