3

30.3K 895 198
                                    

Ang mainit na sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ang siyang gumising sa akin. Napatingin ako sa orasan at nakitang late na pala. Agad akong bumangon para makaligo at makakain.

Bukas na ang unang araw ko sa kolehiyo at hindi ko mapigilang kabahan. Wala akong kakilala roon at ayaw ko namang maging loner.

Dahil alam kong mago-overthink lang ako, nilinisan ko na lang ang buong condo kahit kalilinis ko lang kahapon. Hindi mawala sa isipan ko ang seryosong kapatid ni Oceanne kaya nilibang ko ang sarili sa paglilinis.

Nang matapos, kinuha ko ang cellphone at nakitang maraming messages doon. Yung iba, galling sa mga magulang ko pero halos lahat ng mga mensahe ay galing sa mga kaibigan.

Caramel:

Hi mga bHie <3 buhay pa ako. Kayo ba?

Galaxy:

Hindi ko alam. Patay na siguro

Ako:

Patay na patay sa kaniya :P

Galaxy:

Ay ang landi. Sumbong kita ky mama eh.

Vanilla:

Matulog na kayo! Wala naman kayong ka late night talks

Sugar:

Late night projects meron :)

Patuloy kaming nag-usap hanggang sa nagsitulogan na sila. Napag-usapan namin noon na kahit magkalayo kami, dapat may contact pa rin kami sa isa't-isa. Kaya kahit once a week lang, nagme-message talaga kami sa group chat namin.

Sina Caramel, Galaxy at Sugar ay nasa Pilipinas habang si Vanilla naman ay nasa Canada. We all knew each other since elementary except for Sugar whom we met at high school. The five of us are really close to each other and most of the time, we're mistaken as siblings.

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang biglang tumawag si Vanilla. Tinanggap ko ang kaniyang tawag at napangiti nang marinig ang kaniyang boses. Ilang buwan na noong huli kaming nagkita at miss na miss ko na ang mga kaibigan.

Nagkamustahan kaming dalawa at pinag-usapan ang kung ano-ano. 'Di nagtagal, napunta ang usapan namin sa "love life".

"Baliw! Wala akong type dito!" pagtanggi ko nang tinanong niya ako kung may natipuhan na raw ba ako.

Gustuhin ko mang kuwentuhan siya tungkol kay Orion, hindi ko pa rin ginawa dahil alam kong baka iba ang isipin niya at baka mapaamin ako.

"If you say so," aniya, hindi kumbinsido. "But always be careful and vigilant unless you want your heart broken."

Sumeryoso ang tono ng kaibigan at alam kong hindi na siya nakikipagbiruan. Siya ang unang lumabag sa rules at ang pinakaunang nagka-heartbreak. Dahil sa nangyari sa kaniya, lalo akong kumapit sa list at hindi iyon sinuway ni isang beses.

We continued chatting until we both decided to end the call. I was about to turn the TV on when the doorbell rang. I spent a minute or so thinking on who might be outside since I wasn't expecting any package nor any visitor.

Kunot noo kong binuksan ang pinto at muntik nang magka-heart attack nang makitang si Orion iyon. I plastered a smile on my face and greeted him. He was wearing a white shirt, gym shorts, and a pair of sneakers. If I'm guessing right, he's from the gym or just finished working out.

"Done checking me out?" nakangisi niyang tanong. Gwapo sana kaso nakakainis naman ang ngisi!

"Excuse me ha, hinuhulaan ko lang naman kung saan ka galing," seryoso kong sagot at namaywang.

I might've lost my cool during Oceanne's birthday dinner but I'm making up for it right now.

Rule #2

Stay calm

Huwag ko dapat ipahalata na may awkwardness akong nararamdaman sa presensiya niya dahil kung mahalata niya iyon, iisipin niyang may gusto ako sa kaniya.

Kaya keep calm and be cool, London! Huwag magpadala sa kagwapuhan niya!

"So, why are you here?" I asked. He scrutinized me for a bit before handing me two containers stacked with cookies. Parang lumiwanag ang lahat nang makita ko iyon.

"That's from mom," tumango ito at dumiretso sa elevator. Hindi man lang ito nagpaalam at hindi rin ako nakapagpasalamat. Napatingin ako sa nakasirang elevator at doon lang namalayan na kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga.

His scent was again lingering on my spot. Unlike the last time, this fragrance smelled fresh and zingy. Tinuon ko ang pansin sa Tupperware at hindi mapigilang mapangiti. First, I like cookies. Second, and crush ko ang nagbigay nito.

Pumasok ako sa loob at kumuha ng isang cookie. I was about to take a bite when I realized what I just thought.

No, no, no, he's not my crush! I definitely don't like him. I closed my eyes and concentrated in convincing myself.

Malakas akong napasinghal at humiga sa sofa habang tinatampal-tampal ang pisngi, patuloy na kinukumbinsi ang sarili na wala akong paghanga sa kaniya.

Mabango lang siya pero hindi ko talaga siya gusto!

Nang mapagod sa ginagawa, kinuha ko ang container at kumuha ulit ng cookie. Oatmeal cookies are my favorite and this one right here is definitely the best one I ever had. It had the right amount of sweetness and it was really soft and creamy!

Naubos ko ang isang container at maiyak-iyak na dahil sa sarap. I didn't know that tita Viella was this good in baking! Kung alam ko lang sana, matagal na akong nagpaampon sa kaniya.

Hindi nakaabot ng gabi ang cookies. Naubos ko iyon habang nanonood ng Netflix. At dahil wala na akong gagawin, pumunta na naman isipan ko sa topikong ayaw kong isipin.

"Ba't parang nagmamadali siya kanina?" tanong ko sa sarili.

Nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto ang ginagawa. I shouldn't be thinking about him! If I want him out of my mind, then I should stop being curious about him!

Rule #3

Stop thinking about THAT person

Kung gusto kong mawala siya sa isipan ko at maiwasan ang potential heartbreak, huwag ko dapat siyang isipin nang isipin.

Mas madali ring mawala ang kung ano man ang mayroon ako sa kaniya kung titigilan ko ang kakaisip sa kaniya.

Lesser interaction with him would help as well. But then, sigurado naman akong last na iyong pagkikita namin kanina.

I sighed in relief with that assurance. I'm now confident that whatever this is that I have for him will eventually fade.

"Yes, this will fade—no! I don't like him in the first place!" pagkakausap ko sa sarili na parang baliw.

I groaned in frustration and started looking for the vacuum to clean my unit... again.

How to Avoid HeartbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon