18

17.1K 746 67
                                    

Dahil sa nakita, umuwi na lang ako. And as per his request, I blocked his number. It's not that necessary actually since I have no plans in texting him but oh well... just to be sure. Baka atakehin ako ng kalandian at kabaliwan at ma-message ko pa siya.

He told me to distance myself from him so that's what I did although it was quite hard since I work for their company and we work at the same building.

Ilang beses kaming nagkita sa office at tuwing nangyayari iyon, lumalayo ako. Minsan, nagpapatay-malisya na lang ako at kunyare hindi ko siya nakita.

"London, Mr. Alvarez wants to meet with us," ani Engineer Benvolio at saka ako tinapik sa balikat. "Emergency meeting."

I sighed inwardly, the fact that I'm gonna see him again and that I have to pretend like I don't care stressed me. Pero 'di bale na, as if naman may magagawa ako.

Pagkapasok namin ng conference room, ang madilim na tingin ni Orion ang siyang una kong nakita. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita pero agad din namang nagpanggap na walang nangyari at itinuon na lang ang pansin sa kung saan.

This wasn't the only time that I noticed his sharp glares. Every time he sees me or we pass by each other, he would always frown and give me a scowling look. Brows arching and meeting at the middle, forehead creasing, and his cold, deathly glares.

Hinayaan ko na lang siya dahil baka galit pa sa akin. Hindi ko nga alam kung ano ang ikinagalit niya eh nagtanong lang naman ako.

Ganoon ang tratuhan namin buong linggo. Magkikita kami sa mga meetings at sa site, titignan niya ako ng masama at ako naman ay magpapanggap na walang alam.

Napatingin ako sa orasan at nakitang mag-a-alas otso na ng gabi. Sobrang busy namin at madami rin ang ipinagawa sa akin at ngayon ko lang natapos ang mga iyon. Hindi na ako nakapag-lunch dahil sa trabaho.

At ngayong nasa isipan ko na ang pagkain, ngayon lang din ako nakaramdam ng gutom.

I stood from my chair and stretched, both my neck and back made some cracking sound when I bent to the side. I then fixed my things and made my way to the elevator, only to see the guy whom I've been trying really hard to avoid.

"Ay, may nakalimutan pala ako," I said, talking to myself but also trying to make Orion hear so he wouldn't suspect that I'm avoiding him. In short, sinadya ko talagang iparinig iyon sa kaniya.

Lumabas ako ng elevator at saka bumalik sa desk ko. Wala akong kinuha dahil wala naman talaga akong nakalimutan. Pagkatapos ng ilang minuto, saka ako bumaba.

Lakad-takbo ang ginawa ko papuntang parking lot dahil gusto ko nang umalis para makakain. Sumasakit na ang tiyan ko at kanina pa rin ito naglilikha ng kung ano-anong tunog.

Nang makarating sa parking lot, agad kong namataan ang sasakyan. I squinted my eyes, trying to see if I was really seeing someone leaning on the hood of my car.

Palapit ako nang palapit sa sasakyan at unti-unti ko na ring nakikilala ang bulto ng taong naroon. Nang mapagtantong siya nga iyon, tumalikod ako at naglakad papuntang kabilang direksyon. Napatigil lang ako sa paglalakad nang muling lumikha ng tunog ang tiyan ko.

Shet! Huwag ngayon, kagutuman!

"Don't tell me you forgot something again," anang isang matigas na boses mula sa likuran ko. Nanigas ako sa kinatatayuan at hindi na alam ang gagawin.

Paano ako lalayo kung siya mismo ang lumalapit? Ang labo mo naman, Orion!

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan at nagdasal na lang na sana umalis na si Orion. Gusto ko nang umalis dahil gutom na gutom na talaga ako!

How to Avoid HeartbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon