"This is Alexis Esquivel, and he will be your-"
"Ayoko."
Nabigla kami ni Ms. Bee sa kanyang pagsabat. Binalot muna kami sa katahimikan, at diretso lang ang tingin niya sa akin. After a whole minute, binasag niya ito at nilipat niya ang tingin kay Ms. Bee.
"Ayoko." Ulit niya.
"But this is what Mr. Sand-"
"Hindi ko na uulitin." Tumayo na siya sa pagkakaupo. "Maghanap kayo ng bago."
Nung palabas na siya, huminto muna siya sa may tabi ko. Hindi ako sigurado kung narinig din ni Ms. Bee, but I heard him mutter under his breath.
"Bakla."
At saka tuluyan na siyang umalis. Napabuntong hininga nalang si Ms. Bee.
"I'm really sorry, Alexis. Hindi ko alam kung anong nangyari don. Makikipagusap ulit ako kay sir Sandoval. At the moment, kalimutan mo lang muna ito. I'll contact you nalang kung ano man ang desisyon ng director. Sorry talaga sa abala."
"Ah, okay lang po."
Ano kaya ang problema nun. Eh hindi ko pa nga yon nakakausap, pero parang ang laki naman ng galit non sa akin. Parang ang lubha naman ng sakit ko na puwede siyang mahawaan.
Naglalakad na ako papunta sa student council room nang makasalubong ko si Claude. Malaking kasinungalingan kung sabihin kong hindi ako kinilig.
"Alexis!" Kumaway pa siya, kala niya ata di ko siya makita. Eh sa kanya lang naman ako nakatingin. Kumaway nalang din ako pabalik.
"Pupuntahan sana kita sa room niyo, mukang natagalan ka eh." Sabi niya sabay ngiti. Oh ayan nanaman! Andyan nanaman yung nakakagago niyang ngiti. Buti nalang nandito to', at least hindi ako masisiraan ng bait sa kaiisip tungkol sa Ashton na yon.
Pero, ano nga ba talaga ang problema non?
Nandito na kami ngayon sa room, daldal ng daldal parin si Claude tungkol sa Senior high school night na magaganap. Yung notes ko na dapat puno na ng sulat, eh wala paring kalaman-laman.
Pano ba naman, hindi parin mawala sa isip ko si Sandoval.
"Alexis, nakuha mo yon?"
Napahangad ako kay Claude. "Hm?"
"Nakuha mo yon?" Ulit niya.
Napakamot nalang ako ng ulo. "Hindi eh, pakiulit nga." Napatawa na lamang siya ng mahina, at kanyang ginulo ang buhok ko. Okay, kinilig ako don.
"Ang sabi ko, dapat by Wednesday next week na contact na lahat na kailangang i-contact, that includes the band, the caterer, at iba pa."
"Noted." Sagot ko sabay sulat sa notepad.
Maagang natapos yung meeting kaya't nagsitayuan na kami. Inaayos ko na yung mga gamit ko nang may magsalita-
"Okay ka lang?"
Napalingon ako sa nagsalita. Si Claude pala.
"Oo naman. Ba't mo natanong?"
"First time ko iyon mawitness." There's humor in his tone.
"Ang?"
"Yung parang wala ka sa sarili." Tumawa pa siya ng mahina. Bigla naman akong tinablan ng hiya.
"Um, sorry talaga. Medyo pagod lang."
"Hoy ano ka ba, hindi kita binabantaan ha. In fact, ang cute mo kaya habang tulala. Sige na, una na ako." And for the 2nd time, ginulo niya ulit ang buhok ko.
YOU ARE READING
Save You [boyxboy]
Novela Juvenil(AJK U. SERIES #1) cover art by : @shadhoes Alexis Esquivel is already on top of his game. For his last year in AJK University, everything is sailing smoothly- Everyone is looking up to him, he is fighting for the valedictorian spot, and he already...