“Lex!”
Napalingon ako sa tumawag. Paglingon ko, nakita ko ang tumatakbong Yohan papalapit sa akin. Nang nakalapit na siya, agad niya akong inakbayan. Maayos din ang ngiti ni gago.
“Ang good mood natin ah’” Komento ko. Naglalakad na kami ngayon papunta sa classroom.
“Inom tayo mamaya.” Humagikgik pa siya. Napakunot naman dito ang noo ko.
“Lunes na Lunes, Yo.” I replied non-chalantly.
“Libre ko.”
And that my friends, is the magic word.
“G.”
“Ito talaga. Kung sino pa ang mayaman, siya pa ang kuripot.” Hinigpitan pa niya ang pagkakaakbay sa akin.
Before he could choke me, inalis ko na ang pagkakaakbay niya. “Ano ba ang mayroon? Ba’t ang saya-saya mo?”
Napahinto kami sa gitna ng hallway. Hindi parin maalis ang ngiti sa kanyang mukha. His eyes even twinkle! Ano kaya ang nahithit nito?
“Guess it!” He challenged.
“May bago kang kalandian?”
His face turned sour. “Tapos na ako sa phase na yan.”
“Nakalabas si Kitkat sa hospital?”
“Welp, parte na yan, pero iba pa!”
I rolled my eyes. Umagang-umaga, I don’t have the energy for this. “Can we stop playing this game?”
“Ito naman ang sungit.” At nag pout pa siya.
“Well?”
“Natanggap ako sa inaplayan kong trabaho!” He beamed. Parang bata na binilhan ng bagong laruan.
I just gave a smile and pat his head. “Congrats!”
“Ano pala job mo? Don’t tell me it’s something illegal.” Biro ko. Nagpatuloy na rin kaming maglakad. Mahirap ng malate sa first subject.
“Hindi ah. Natanggap ako bilang part-timer sa Kennedy's Grill”
Kennedy's Grill? “Saan yan?” I asked.
“Resto-bar siya, malapit lang dito. Isama kita next time.”
Napatango nalang ako. “Sino pala sasama mamaya?”
“Mga kaibigan ko lang sa swimming. Sila Seth lang naman.”
Good thing mga naka-gimmik ko na rin ang mga iyon. It would be really awkward for me kung hindi ko mga kakilala.
Pagkapasok namin sa classroom, buti nalang wala pa dun yung teacher namin. Bago pa man ako maka-upo may nag text sa akin.
“Meeting after class :)” - President
Mabilis na tumakbo ang oras, di ko na namalayang last subject na pala namin.
“Punyeta naman oh, halos malusaw na utak ko!” Giit agad ni Yohan pagkalabas nung teacher namin. Hindi ko na nga napansin na tapos na pala yung klase namin, lutang na talaga ako after our last subject.
Hindi talaga maayos sa kalusugan ang dalawang oras na physics.
“Hindi niya ba napapansin na wala ng nakikinig? Dire-diretso lang siya sa kuda, wala yatang preno ang bibig non!” Rant pa niya.
“Oy, may meeting pala kami ngayon. Sa Sunny Mart lang naman kayo di-diretso?”
“Yup!”
YOU ARE READING
Save You [boyxboy]
Teen Fiction(AJK U. SERIES #1) cover art by : @shadhoes Alexis Esquivel is already on top of his game. For his last year in AJK University, everything is sailing smoothly- Everyone is looking up to him, he is fighting for the valedictorian spot, and he already...