"Shet, akala ko pa naman ang linis linis niya, may baho rin pala."
"May alter lang, may baho na agad?"
"Shhh, wag nga kayong maingay, baka kayo marinig mga boba."
I craned my neck towards them, para mas marinig ang kanilang usapan. Pilit akong sumasagip ng chika. Sino kaya itong pinag chi-chismisan nila? Na-curious tuloy ako.
"Hoy, sumasagip ka nanaman diyan ng chismis," Saway sa akin ni Yohan, kaya't napaayos na lamang ako ng upo. Kumakain kami ngayon sa cafeteria, at biglang nagchismisan itong mga kumakain sa likuran namin, syempre hindi ko napigilang hindi makibalita.
"Wala naman akong nasagip," I pouted.
Pasubo na sana siya, nang bigla siyang huminto at parang may naalala.
"Oo nga pala, na promote ako sa trabaho ko!" Yohan exclaimed. Kaya pala ang bibo-bibo nito ngayon.
"Oh, manlibre ka ulit ah?" Humagikgik pa ako. Hindi man ako mahilig magpa-libre sa iba, pero hindi ko pinapalampas ang mga libre ni Yohan. Syempre, once in a blue moon lang 'yon.
Tumango-tango pa siya. "Oo ba," Sagot niya.
"Ano na ba position mo?" Tanong ko bago sumubo, as usual nahuhuli nanaman ako sa kainan. Tapos na si Yohan kumain, ako naman-hindi pa nga nangangahalati.
"Dishwasher na ako, baby!" Tinaas pa niya ang kanyang kamao.
Hindi ko mapigilang mapangiti. I love the fact na he's doing it with pride. It might not be a big of a deal for some, pero para kay Yohan malaki na yon. I'm really proud of him!
"Mukha kang tanga," Yohan pointed out. It was because I was beaming at him, habang may pagkain pa sa bibig.
I just rolled my eyes as I continued to chew.
Pabalik na sana kami sa classroom, nang may naalala ako.
“Una ka na Yoh, may dadaanan lang ako.”
He just gave me a nod as I begun walking the opposite direction-towards the soccer field. It is Friday today, kaya PE lang mostly ang subject-which also means free cut na namin whole afternoon.
Nung nasa soccer field na ako, I stopped by the bleachers, and scanned the field. San na ba yun?
Biglang nahagip ng mga mata ko si Von, at papalapit siya rito sa puwesto ko.
“Oh Alexis, sino hanap mo?” He asked nung nakatayo na siya sa harapan ko. He wiped the sweat on his forehead, as he tried to steady his breathing.
“Ah-si Ashton.” I bit my lip. Ashton’s name rolled out my tongue awkwardly, dahil bigla kong naalala yung usapan namin ni Von sa labas ng hospital room ni Kitkat. That was the last time we interacted.
“Si Ashton ba?” He asked. He let out a meaningful smile before turning his back. I’m not sure of what I heard, but I think he just snorted.
“Sandoval!” Von called, and there I saw-Ashton drinking from his container at the other side of the bleachers. Tulad ni Von, he’s also wearing his jersey at pawisan na rin siya.
Lumingon siya sa direksyon namin at nakita kong sumingkit pa ang kanyang mga mata. Hindi niya yata kami makita masyado. Von waved his hand, and signaled him to come over. He then jogged towards us.
Nung malapitan na siya, I heard him let out a deep grunt. Von chuckled while he shook his head.
“What do you want?” Una niyang bungad sa akin. Wow, wala na man lang good afternoon?
YOU ARE READING
Save You [boyxboy]
Dla nastolatków(AJK U. SERIES #1) cover art by : @shadhoes Alexis Esquivel is already on top of his game. For his last year in AJK University, everything is sailing smoothly- Everyone is looking up to him, he is fighting for the valedictorian spot, and he already...