Chapter 7

22 6 0
                                    

"Okay ka lang?"

Napatingin ako kay Seth, at napabaling ang tingin ko sa kamay kong nakahawak na pala sa braso niya. Agad ko itong binitawan.

"Nahihilo lang," Palusot ko. Mukhang bumenta naman ito sa kanya, tumango nalang siya.

Sinubukan kong hindi tumingin sa gawi nila buong gabi. Itinuon ko na ang ang aking atensyon sa pag-iinom, pero parang may nag mamasid talaga sa likuran ko-kaya't napatingin ako dito.

Nagtama ang mga mata namin. Kaya't agad akong napatingin sa ibang gawi.

What is he doing now?

Nung bumalik yung tingin ko sa kanya, tumayo na siya at akmang maglalakad papunta sa lamesa namin.

"Hoy, ano ba? Lasing ka na ata." Napansin ni Seth ang pagka-praning ko.

"H-ha, baka nga. CR lang ako ha?" Tatayo na sana ako, nang huminto si Ashton sa harapan ng lamesa namin.

"Can we talk?" He asked, still not breaking our eye contact.

"Tell Ms. Bee-You can't tutor me anymore."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "And, why would I do that?" Pag mamaang-maangan ko. Sa totoo lang, naiihi na talaga ako sa kaba. Nandito kami ngayon sa gilid upang mapalayo sa aming mga kaibigan.

"Dahil sinabi ko."

I let out a chuckle. Ang kapal talaga ng mukha nito. He sounds like a spoiled son. Akala niya yata dahil siya ang anak ng director, kaya niyang mapasunod ang lahat.

"Paano kung sabihin kong ayoko?" At this point, hindi ko na alam kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob sumagot sa kanya.

Umigting ang kanyang panga sa sinabi ko, kaya't napunta dito ang aking tingin. Ang tulis, puwede yata itong maka sugat.

"Are you trying to piss me off?" He let out a deep growl. Napaikot nalang ang mata ko sa kanya. Tangina, daming alam ng taong to'.

"Can't we just act civil? Hindi naman kita inaano diyan ah. Ba't ba ang laki ng galit mo sa akin?" I asked. He looked up and let out a deep breath.

"I just can't okay!?" He shot back. Aba, he really is the problem! Napatingin ako sa gawi ng lamesa namin. Buti nalang walang pumansin.

Pinagiisipan ko na ang isasagot ko. At some point, naisip ko na rin sabihin nalang kay Ms. Bee na ayaw ko na. Pero, baka hindi na ito bumalik na oppurtunity!

Nagpatuloy lang ako mag maang-maangan, at mas itinaas pa ang kilay. "Why can't you do it yourself?"

"Ha!?"

Hatdog tangina mo. "Ba't hindi nalang ikaw ang kumausap kay Ms. Bee, tutal ikaw naman ang nakaisip." Napahawak na rin ako sa bewang.

"Eh tangina. Nandito pa ba ako sa harapan mo, kung puwede ko gawin yun!?" He raised his voice. Napahawak pa siya sa kanyang sentido.

Feeling ko nakatingin na rito sa gawi namin sila Seth at yung mga kasama ni Ashton. Kaya sinubukan kong ikalma ang sarili ko, para hindi na maka attract ng attention.

"I'm sorry, but I have to do it."

"Ano bang makukuha mo rito ha!?" Sigaw niya. Narinig ko na ang pagkaluskos ng upuan. Napatingin ako sa lamesa namin, nakatayo na sina Seth at Derek na akmang pupunta yata sa gawi namin.

Hindi ko na pinansin ang pag sigaw niya at tinalikuran nalang siya. Maglalakad na sana ako paalis- until, he whispered underneath his breath.

"Magsisisi ka."

Save You [boyxboy]Where stories live. Discover now