"Valeriano,"
Napalingon ako kay Yohan. Nakatunganga lang siya sa bintana na para bang ang lalim ng kanyang iniisip. Wala siyang ibang naririnig-kahit na yung guro namin na kanina pa siya tinatawag-walang kibo parin. Agad ko siyang kinalabit.
Nung napagtanto niya na ang nagaganap-Agad siyang napatayo. Masama na rin kasi ang tingin sa kanya ni Mrs. Salazar.
I dipped my head back in satisfaction nung narinig ko ang pagdagundong ng bell.
"Lunch na tayo," Pagaaya ni Yohan. Nakatayo na siya sa harapan ko, at mukhang handa nang lumabas.
"Um, ikaw nalang. Hindi naman ako gutom," I declined.
Napakunot ang noo ni Yohan sa sagot ko. Nginitian ko lang siya at tumango pa.
"Di ka kakain?" Tanong pa niya.
"Nah, medyo naparami yung kain ko kaninang breakfast," Palusot ko-Nag kape lang naman ako kaninang umaga.
Maya-maya't hindi niya na ako pinilit at saka lumabas na siya ng classroom. I let out a deep breath, at napabalik nanaman ako sa kanina kong pwesto.
Sa totoo lang, nauumay na ako sa mga tao.
Nauumay na ako sa kanilang mga mapanghusgang tingin. Kahit saan akong sulok magpunta may mga matang nakasunod. Akala mo naman kung sino ang malilinis.
At isa pa, kinakabahan ako.
Hindi ko maintindihan, pero tuwing nasa labas ako ng classroom-parang pakiramdam ko may hahabol sa akin palagi.
Pagkadating ko dito sa school kaninang umaga, konti nalang tatakbuhin ko na talaga papunta dito sa classroom dahil sa kaba.
I feel both pathetic and sad for myself. Ba't ko ba to' nararamdaman? It's all in my head. I convinced myself. Maybe this would pass. Natatakot lang naman ako makita ulit yung pagmumukha nung lalakeng pinagtangkaan ako.
Napasubsob ako sa lamesa. I don't want to remember any of it!
Ano ba ang puwedeng isipin bukod sa pangyayaring iyon? Si Claude? Sayang hindi ko siya nakita nung party. May mga nakita nalang akong IG stories na nasama siya, mukhang na-enjoy niya naman. Buti pa siya na-enjoy.
Sumagi rin sa utak ko si Yohan-Ano kaya ang iniisip nun kanina? Ba't parang ang lalim? Sana wala yung problema, malapit na pa namang mag midterms, baka maabala pa siya.
Sa hindi ko maintindihang dahilan-biglang sumagi sa isip ko si Ashton. Mas mapapadalas ang pagkita namin ngayon. Like what I've stated above-papalapit na kasi yung mid-terms. At isa pa-Ano kaya ang nangyari sa isang yun? Nung nakaraang linggo, parang nagbago yung pakikitungo niya sa akin.
It was not a drastic change. Isnabero parin siya at minsan nagmamaldito pa, pero hindi tulad ng dati-ngayon mukhang nage-effort na siyang makinig sa akin. Wala parin kami sa daldalan stage, pero mukhang nag-improve naman yung ugali niya kung iku-kumpara ito sa mga nakaraang linggo.
Tumayo ako sa aking kinauupuan dahil bigla akong naihi. Syempre, I was not dumb enough para pumunta sa CR kung saan naganap iyon.
Kahit papuntang CR, hindi parin ako nakatakas sa mga tao. Dinaig ko na yata ang pagiging artista.
Pagkapasok ko sa CR biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Just like last week-May usok rin ngayon. Parang deja vu!
Kalma, Alexis. Baka may nagyosi lang dito. Ba't ba kasi ginagamit ang CR na smoking lounge?
Binilisan ko nalang umihi. Habang naghuhugas ng kamay nakaramdam ako ng gutom. Magpabili nalang kaya ako kay Yohan?
Pagkatapos kong magpunas ng kamay, nagtext na rin ako sa kanya. And as if on cue, palabas na sana ako, biglang may tumunog na para bang notification bell sa loob isang cubicle.
YOU ARE READING
Save You [boyxboy]
Novela Juvenil(AJK U. SERIES #1) cover art by : @shadhoes Alexis Esquivel is already on top of his game. For his last year in AJK University, everything is sailing smoothly- Everyone is looking up to him, he is fighting for the valedictorian spot, and he already...