trgigger warning : attempted harassment
"Kung hindi nalang kaya ako tumuloy, Yoh?"
I can already picture his frown.
"Sige na Lex, last na natin to! At isa pa-Isa ka sa mga nag-organize ng event, dapat ka lang pumunta," Sabi ni Yohan galing sa kabilang linya.
Napabuntong hininga na lamang ako habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Nakadamit na ako ng full orange, just like what the theme of the event is. Handa na sana akong umalis ng bahay, not until-pinangunahan nanaman ako ng takot.
Come on Lex, you're much better than this. Isip ko sa sarili. For some reason, may nararamdaman akong masamang mangyayari sa party.
"Hoy, malapit na ako sa school." Yohan's voice brought me back. I let out another sigh at nagpaalam narin sa kanya.
This would be my last SHS Night, kaya kailangan kong pumunta. I chanted. I'm not gonna lie, medyo na convince ko naman ang sarili ko.
After having a pep talk with myself, lumabas na ako at pumunta sa kwarto ni ate. After knocking, binuksan ko na ito. She was just laying in her bed, eyes wide open- na para bang may hinihintay. Agad namang umangat ang tingin niya para makita ako.
"Good you're out. Ang tagal mong magayos," She commented, tumayo na rin siya at kinuha yung susi ng sasakyan niya. Sa kanya kasi ako magpapahatid, dahil for some reason my mom won't let me drive kahit alam ko naman.
Bago pa man niya ako malampasan, she scanned me first from head to toe. "You look cute by the way," She commented, at inayos yung beret sa ulo ko. I just gave her a sheepish smile.
The ride was oddly quiet, and unfortunately she noticed it.
"Are you okay?" She asked. Nakakunot ang kanyang noo habang diretso lang ang tingin sa kalsada.
"Y-yeah, why'd you ask?"
"Kanina mo pa pinaglalaruan ang kamay mo, it's distracting me," She bluntly said.
I bit my lip, at hininto na ang paglalaro sa aking kamay. Playing with my hands is something I do to cope up with anxiety.
I forgot how ate Alexandra notices everything.
Ate knows me the most, kaya wala akong naitatago sa kanya. Alam niya agad if I'm having a bad day, if natatakot o kinakabahan ako, if I'm on the verge of breaking down, and a lot more things.
Wala akong plano sabihin sa kanya yung nangyayari sa school, because I also know how her mind works.
Buti nalang hindi talaga kalayuan ang AJK sa bahay namin kaya hindi talaga kami nagtagal sa byahe.
"Text me if sasabay ka sa akin paguwi," Sabi niya after kong lumabas sa sasakyan.
"San ka papunta?" I asked.
Hindi muna siya naka-imik. "Basta." She brushed off the topic. Napataas na lamang ang kilay ko dito, at saan naman siya pupunta ngayong gabi? We are both introverts, mas prefer naming dalawa mag stay-in sa bahay, kaya naninibago kami kung lumalabas ang isa.
Hindi ko nalang ito pinansin, at nagpaalam na rin ako sa kanya. Baka dinner date lang with friends.
"Kuya Lex!" Sigaw ng boses. Napatalikod ako at nakita ang tumatakbong Felix palapit sa akin. Nakasuot siya ng green from head to toe. Algae ka girl?
He first scanned me from head to toe bago magsalita. "Traffic cone tayo ngayon ah." At saka siya tumawa.
Pabiro ko siyang sinabunutan. "Baliw," Natatawa kong sambit.
YOU ARE READING
Save You [boyxboy]
Teen Fiction(AJK U. SERIES #1) cover art by : @shadhoes Alexis Esquivel is already on top of his game. For his last year in AJK University, everything is sailing smoothly- Everyone is looking up to him, he is fighting for the valedictorian spot, and he already...