Chapter 4

32 6 0
                                    

"Uh... Claude?" Tawag ko sa kanya.

Muling bumalik ang tingin niya sa akin. "Hmm?"

"Di yata ako matutuloy bukas." Napakamot na lamang ako ng batok. Hindi ko mapaliwanag ang pagkadismaya na nararamdaman ko ngayon. Nandon na tayo eh!

"Bakit?" Napakunot ang noo niya. Jusko, kahit ganyan ang gwapo parin.

"Nakalimutan kong may i-tututor pala ako." Si hudas. Hindi ako makapaniwala na papalampasin ko talaga ang pagkakataong ito.

"Um... Mga what time ba kayo?"

"4pm daw."

"Puwde naman kitang ihatid after natin maghanap. It won't take us long naman yata." Sabi niya sabay ngisi.

Biglang nawala ang bigat na nararamdaman ko. Sige, ngumisi ka pa diyan.

"Ah- ikaw lang. No pressure ha. Baka kailangan mo pang magprepare sa umaga." Dagdag pa niya. Lord, paano po hindi ma-inlove rito?

Tumango ako sa suhestiyon niya. "Sige, tuloy ako."

If hindi ko siya napagmasdan ng maigi, hindi ko makikita ang paglawak ng kanyang ngiti.

"May upcoming exams ka ba?" Tanong ni ate nang makita niya akong gumagawa ng mga reviewer sa sala.

Tumingin muna siya sa orasan. "Alas-tres na ah." Napabaling naman ang atensyon ko dito. Hindi ko na nga namalayan ang daloy ng oras. Inspired tayo eh.

"So ano nga? Ba't ang sipag mo ngayon?"

"May i-tututor ako bukas."

Tinext na sa akin ni Ms. Bee yung mga subject kung saan nahuhuli si Ashton. Kasi alam niya namang hindi kami makakapagusap nung lalake na iyon.

"Tumatanggap ka pa pala nun."

Umiling ako. "Kinailangan lang." I tried so hard not to roll my eyes. Kailangan kong paghandaan ang haharapin kong diablo bukas. Kung akala niya na kaya niya lang akong apak-apakan, nagkakamali siya.

"Oh." Sabi ni ate sabay abot ng chocolate. Napakunot naman ang noo ko.

"Aba, saan to' nanggaling?" Tanong ko. Eh hindi naman yan mahilig sa matatamis.

"Tanggapin mo na lang."

Ito naman nagtatanong lang, hindi naman niya kailangan magtaray. Tinanggap ko na lamang ito.

Nung pabalik na siya sa kwarto muli ko siyang tinanong. "Eh, ikaw, ba't gising ka pa?"

"Nag-stustudy." Sagot niya. Sino ngayon ang masipag sa amin?

"Nandyan ka na?" Tanong ni Claude sa kabilang linya.

"Kakadating lang." Naghahanap muna ako ng mauupuan.

"Sige, on the way na rin ako."

Nagpaalam na kami sa isa't-isa, at saka nakahanap na ako ng lamesa. Napagkasunduan naming dalawa magkita sa coffee shop na ito.

Papunta na sana ako sa counter upang mag order, nang napaisip ako kung dapat ko rin ba siyang orderan. Ganito ba dapat? Hindi naman masama ang manlibre diba? Tatayo na sana ulit ako, nang may bumulong nanaman sa akin- baka isipin niya masyado akong show off. Matagal pa akong nakapagisip-isip ng mapagdesisyunan ko nalang bumili para sa akin. Hindi naman to' date o ano, bat kailangan ko magpa-impress?

Pagkatapos kong makaorder bumalik na ako sa upuan ko at saka naka tanggap ako ng text galing kay Claude.

"Andito na ako."

Save You [boyxboy]Where stories live. Discover now