Napalunok muna ako bago mag lakad papasok ng cafe. Bawat hakbang sinusundan ako ng mga mata niya. Paano ko ba siya babatiin? Ang intense naman nito- he is watching me, while he's sipping on his coffee.
Hi Ash, sorry late ako, medj traffic eh.
'Ash' ka diyan, close kayo? My anxiety doubled as I walk closer towards his table. Wala rin siyang plano tantanan ako sa mga matang iyan.
Hoy, buti nalang nauna ka. Start na ta'yo?
Ang bastos naman kung ganon. Dapat ba akong mag order muna bago makiupo? Para na man lang matagalan. Hindi na ako nakapag isip isip pa kasi nasa harapan na ako ng lamesa niya.
He had always been known because of his good looks, pero hindi naman ako informed na ganito pala siya ka-gwapo kapag naka-ayos. If I didn't know this guy, for sure add to cart na to'. Unlike Claude's get up kanina- all black itong suot ngayon ni Ashton. Plain black shirt at black jeans lamang, pero dahil sa fit niya, puwede na siyang pumasa bilang modelo. Wala namang nagbago sa buhok niya, it's still down-kaya medyo natatabunan na ang mga mata niya.
"Hi Ash-"
Hindi na ako nagpatuloy after he rolled his eyes. PMS ka girl? Ibinaling niya ang tingin sa labas ng cafe. I awkardly stood infront of him for a good minute, at saka umupo nalang ako ng walang pasabi.
Hindi kami nag kikibuan. Nakatingin lamang siya sa labas, habang nakikinig sa air pods niya. Gusto ko ngang kumaway at magsabi- 'hoy pansinin mo naman ako', pero wag nalang- mahal ko ang mukha ko.
Another good minute pass by bago ko napagdesisyunang magsalita ulit. "Um... Ashton?" I am testing the waters, kung ano ba ang mood ng lalakeng to' ngayon. Wala paring kibo.
Inilabas ko na ang mga reviewers na nagawa ko. I arranged them kung paano ko ipapaalam sa kanya ang set up ng session namin. Pero wala paring kibo itong nasa harapan ko. Gusto ko sanang mag order muna para man lang makaalis dito, pero hindi naman ako gutom.
"Ashton." Ulit ko. Ngunit patuloy lang siyang humighigop sa kape niya. Alam lahat ng kaibigan ko- na hindi mahaba ang aking pasensya, and this guy.... is getting on my last nerves.
"Ashton." Sabi ko for the last time, pero parang kanina lang- hindi siya kumibo. I heaved a sigh, at saka ko kinuha ang air pods niya. That got his attention. He didn't yell, he didn't curse, he just raised his eye brow. Dapat na ba akong matakot?
"We are gonna start na." I matched his raised eye brow. Aba, kung pataasan lang ba ng kilay- hindi ako magpapatalo.
"Are these the modules we're gonna be using?" Muntik na akong mabigla nung nagsalita siya. His tone was still ice cold, pero at least naisipan na niyang magsalita.
"O-oo." Nauutal ko pang sagot. Tinulak ko palapit sa kanya yung mga modules. Sana naman, naisipan na rin niyang maki-cooperate.
Pero hindi ko inaasahang.... binubo niya ang kanyang kape sa mga reviewer. Agad naman akong napatayo dahil baka mabasa rin ako.
That was.....
Expected.
I was stunned for how many seconds, till I got my composure back. Mahinahon akong umupo, buti nalang hindi nabasa yung upuan. I calmly smiled at him. "You are so predictable." little shit. For the first time, nakita kong nagbago yung ekspresyon ng mga mata niya.
Nagtawag muna ako ng waiter para linisin yung kalat, pinatapon ko na rin yung mga reviewer. Napansin kong napaayos siya ng upo. Interesado ka na ngayon?
At saka inilabas ko yung mga extra na reviewers. Akala niya ata hindi ako pumunta rito na prepared. As I finished making reviewers last night, syempre hindi ko nakalimutang i-photo copy ito. Inexpect ko lahat na scenarios- pupunitin niya ito, itatapon, o iwanan na man lang. Props to him- hindi ko naisip yung tapunan ng kape.
YOU ARE READING
Save You [boyxboy]
Jugendliteratur(AJK U. SERIES #1) cover art by : @shadhoes Alexis Esquivel is already on top of his game. For his last year in AJK University, everything is sailing smoothly- Everyone is looking up to him, he is fighting for the valedictorian spot, and he already...