Alexis Lester Esquivel
"Ms. Bee?" I answered nung nakilala ko yung boses sa kabilang linya.
"Uh-yes, Alexis. Ako to'," Sagot niya. My brows furrowed. Ba't kaya napatawag itong guidance counselor namin?
"Si Ms. Bee?" Tanong ng kaibigan kong si Yohan. Tinanguan ko lang siya bilang sagot.
Kumakain kami ngayon sa cafeteria kasama ang kanyang kalandian, nagmumukha tuloy akong third wheel. I turned my direction away from them out of respect.
"Ano po iyon?" I asked.
"I don't know how to explain it through the phone," She answered warily, mukhang may gusto siyang ipahiwatig
I know where this is going
"Should I meet you after class?" Inunhan ko na siya, tutal doon din naman papunta yon.
"That would be nice. Thank you." She then bid me good bye, at umayos na rin ako ng upo.
"Ba't napatawag si Ms. Bee?" Tanong ni Yohan. I just gave him a shrug. The girl whispered again something in Yohan's ear. I fought the urge to roll my eyes.
Sa totoo lang kanina pa ako nagtitimpi sa harapan ng dalawang to'. Kung makapulupot si ate girl, akala mo naman gusto kong agawin si Yohan, mayroon pa siyang pabulong-bulong na nalalaman. Kung alam niya lang na hindi na sila aabot bukas, baka nahiya na siya sa kalandian niya.
"Alexis, bakla ka raw," Biglaang sambit ng babae. Si Yohan mukhang nabigla sa sinabi niya.
I mentally rolled my eyes. Ano ba ang pakealam ng taong ito sa kasarian ko?
"Slight." I answered just to make everything more confusing.
It's not that na hindi ako out, o ikinakahiya ko ang aking kasarian. Don't get me wrong, I am way beyond that stage. A thing we LGTBTQ+ people have in common- is that we don't want our genders be the center of our identity. Parehas lang naman tayong tao ah.
Napaawang lang ang kanyang bibig. "I'll get going. Baka dumating na si Mrs Salazar." Paalam ko.
I consider myself queer, and for all of you na hindi alam ang ibig sabihin non, queer is basically a word that clarifies that I'm not straight, but it does not also categorize me as gay. Ika nga sa Cosmopolitan - "queer is an identity created for anyone outside of the heterosexual norm and meant to be inclusive and create a sense of acceptance."
Growing up, I've always been on the feminine side, kahit sa itsura, I'm more on the pretty side of the spectrum. With my doe eyes, fair skin and extremely small face, I was more of a- "Ang gandang bata naman na ito." o "Ang cute naman niya, mukang manika." rather than being called 'pogi' or 'gwapo'. I used to dislike the thought of it, but I just got used to it naman.
Hindi pa ako nakakalayo biglang may umakbay sa akin. "Sama na ako." Humagikgik pa siya ng mahina.
Nung makalayo na kami ng konti agad siyang nagsalita. "Sorry nga pala sa bibig nun."
Napabuntong hininga nalang ako. "Okay lang. At saka, bat mo iniwan mag isa? Baka i-ghost ka nun."
"Eh i-ghost niya ako. Di ko naman yun type."
"Alam mo, Yohan. Oras na para makahanap ka ng matinong babae."
"Eh, wala pa akong mahanap. Gusto mo i-try nating mag date?" Lumingon ako sa kanya, at naka ngisi pa siya na parang gunggong. Nakalabas pa yung bunny teeth niya.
Sinikmuraan ko siya, kaya't napabitaw ang hudas. "Pucha naman oh, nagbibiro lang naman yung tao." Pag dra-drama niya.
"Kaya ka rin napagbibintangan na bakla eh." Pag akusa ko. Napatawa siya ng mahina at umakbay pabalik.

YOU ARE READING
Save You [boyxboy]
Teen Fiction(AJK U. SERIES #1) cover art by : @shadhoes Alexis Esquivel is already on top of his game. For his last year in AJK University, everything is sailing smoothly- Everyone is looking up to him, he is fighting for the valedictorian spot, and he already...