"May alter ka!?"
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Yohan. Saan naman niya napulot iyon?
"Huh?"
Kanyang ipinakita sa akin ang phone niya na may screenshot galing sa Twitter, may litrato rito ng isang lalake na nakahubad, leeg pababa lang ang kita, and yes-kasama dito ang pagkalalake niya.
Napansin ko ring lahat ng tao dito sa room ay dito sa amin naka tingin. Nanliit ang mga mata ko at inilapit pa ang cellphone.
"Wala naman akong nunal diyan eh."
Kumunot ang noo ni Yohan, sabay tingin ulit sa cellphone niya. Yung lalake kasi sa litrato, may nunal sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib. Wala naman ako nun ah.
Napakamot ng ulo si Yohan. "Oo nga no'?"
"At isa pa, kung mag popost naman ako ng ganyan, diretso pornhub agad. Kikita pa ako dun ng pera." Napaikot ang mga mata ko. Binatukan pa ako nito ni Yohan.
"Sino ba ang nagpakalat nito!?" Malakas niyang tanong. Yung kaninang tahimik na room, mas tumahimik pa ngayon.
Isa pa, ba't ako yung pinagkamalan? Ang dami namang tao na may ganun ring body type, hindi lang naman ako ang nag iisa.
Inilagay ko na lang yung mga gamit ko sa upuan. Ang aga aga, may ganito agad na ganap, kaloka.
Wala paring nag sasalita, until pumasok si Derek, yung president nila Yohan sa kanilang club. Agad siyang lumapit sa amin.
"Lex, I'm not judging you or any-"
"Hindi ako yung nasa litrato." Walang gana kong sagot. Ito ba ang sasabihin ko buong araw?
"Sabi ko na nga ba!"
"Pumunta ka talaga dito para itanong iyon?" Tanong ni Yohan.
"Gusto ko lang sabihin sa inyo kung sino ang nagpapakalat ng mga litrato na yan."
"Sino?" Galit na tanong ni Yohan.
"Yung mga gunggong kong classmates." Napasapo pa siya ng ulo. Napakunot ang noo ko. At ano naman ang atraso ko sa mga yun?
"May kaaway ka ba dun?" Tanong sa akin ni Yohan.
Napaisip ako, eh kahit nga interaction sa mga iyon, wala. Paano ako mapapaaway-
Wait.
Magsisisi ka.
"Classmate mo ba si Ashton?" Tanong ko kay Derek.
Kumunot yung noo niya. "Si Sandoval ba? Oo."
Natahimik muna ako dahil sa naisip ko. I shrugged the thought away. It's wrong to jump into conclusions.
Buong araw kong tiniis ang mga nagbabadyang mga mata na nakasunod sa akin. Para akong isang kriminal, na kahit saan magpunta may mga mapanghusang mata na nakatingin.
"Hindi nga siya 'yon," Giit ni Yohan sa dalawang estudyanteng kumakain.
I sighed as I heard Yohan defending me for the nth time. Nakapila ako ngayon sa isang stall at may kalayuan si Yohan sa pwesto ko, pero rinig na rinig ko parin ang pagbubulyaw niya.
I dipped my head. To be honest, wala lang naman ito sa akin. People could think whatever they want to think, wala naman silang relevance sa buhay ko. Pero kapag nakikita ko nang nagkakaganito si Yohan dahil sa akin, it just makes my heart... swell.
Bigla nalang may yumakap sa likuran ko. The figure was obviously smaller than me, kaya't nagkaroon na ako ng ideya kung sino iyon.
"How are you holding up?" Malumanay na tanong ni Katy. A smile suddenly crept in my face. Hindi ako sanay sa ganitong Katy. Why is she being sweet all of the sudden? Pinilit kong lingunin siya, and I met her eyes that were filled with pity.
YOU ARE READING
Save You [boyxboy]
Teen Fiction(AJK U. SERIES #1) cover art by : @shadhoes Alexis Esquivel is already on top of his game. For his last year in AJK University, everything is sailing smoothly- Everyone is looking up to him, he is fighting for the valedictorian spot, and he already...