Nag online muna ako sa fb, 2 days din na hindi nakaonline, walang load eh,haha.
Habang scroll up and down lang ang ginagawa ko, may nagpop na notification, isa lang naman kaya bahala yan kung ano manyan."Kakain na ng hapunan,punta ka na dito at matulog ng maaga ha?
Baka-""Ma Naman 18 na ako, matutulog naman ako ng maaga eh, hayst ewan ko sayo ma,makakain na nga."
Patayong pagdabog ko sabay punta ng mesa at kumain.
"Ayaw ko lang naman na malate ka ulit,at ayaw kong magkaanemia ka no."
Naku si mama talaga eh...
"Opo na ma,kain na Tayo.."
At kumain na nga kami.wala pa si papa eh,baka mamaya pa yon.
Nag iisa lang pala akong anak,gusto ko sana na may kapatid na babae para sana maalagaan ko at may tatalian ako ng buhok,Diba ang ganda non? Tapos mabait din tulad ko, hehe. Pero syempre dapat masipag hindi tulad ko na tamad,yup tamad ako eh, walang alam gawin.Pagtapos kung kumain pumasok agad ako sa loob ng kwarto ko at nahiga sa kama.
Di naman ako mahilig makipagchat kaya laging seen lang, bahala sila,wala namang makukuha sa kanila pagnakipagchat ako.Kinuumagahan, nagising ako ng 7:30 at agad naghilamos.
Naaamoy ko na agad ang bango ng ginisa ni mama. Bumaba naman ako upang kumain,gutom na ako eh.."Aba,himala,ang aga ata natin gumising ngayon mahal na Prinsesa!"
"Eh sabi mo kasi mahal na reyna na gumising ako ng maaga eh, kaya natulog din ako ng maaga."
Sabi ko rin sakanya, sinabayan ko ang kalokohan niya, hehe.
"Si papa ma?"
mula kagabi di ko pa nakikita si papa eh.
"Maagang pumasok ng trabaho eh,kain ka muna jan, may gagawin lang ako."
sabi ni mama sabay alis, ang sipag ng parents ko no? Ewan kong saan ko namana ang kataparan ko, na kahit magwalis or maghugas di ko magawa,hayst,tamad talaga eh..
.....
Maaga akong pumasok ngunit tumambay muna ako sa green shield sa labas nitong campus, may may iba ding tumatambay,may couple pa nga eh, eh d sana all may jowa. Tsskkk,maghihiwalay din kayo. Basta ako maghihintay sa muling pagbabalik ng nagmamay ari ng fucking stupid heart ko."Ehhheemm ehhheemm!"
Napalingon ako sa tagiliran ko, si Clude pala, naupo na rin sa tabi KO..
"Lalim ng iniisip mo ah. What is it? Maybe I can help you."
Seryusong sabi niya. Akala ko pa naman straight Tagalog na eh, sapakin ko kaya to para d na mag english.
"Wala,iniisip ko lang yong pusa ko na nasa ibang tao, sobrang sakit kasi ng ginawa niya eh."
Pangiti ngiti Kong Sabi..
Pero halatang d siya naniniwala. Kaya napatawa nalang ako."Joke Lang... Naghahanap kasi ang department namin ng pweding gawin na Mr fashion eh."
BINABASA MO ANG
MY 1 MONTH RELATIONSHIP CHALLENGE
Teen FictionLahat ng pangalan at lugar ay gawa gawa lamang, mga imahenasyong naglalaro saking isipan.