Kabanata 10

7 4 0
                                    

Maaga akong nagising ngayon,magsisimba pa kasi ako, bukas na din ang activity sa school, sana nga manalo para walang dare na mangyari.
Lumabas na ako upang maglinis linis na din, d naman kasi pwede na walang ginagawa, sobrang hina na kasi ng sistema ko to the point na parang ayaw ko na talagang magtrabaho manlang ng kahit ano.

May mga naririnig akong ingayan sa labas, sakto naman na kakapasok lang ni mama.

" Ma? Anong meron bat ang ingay SA labas?"

Napahinto naman si mama at napasinghap.

" Yong lalaking sinasabi mo na future asawa mo, future asawa na ngayon ng iba at ayan nakauwi na."

Halos mabitawan ko na ang hawak hawak kong babasaging baso sa narinig ko, ang sakit, Di ko mawari kung saang parte ng katawan ko ang masakit, ang tyan ko parang hinahalungkat, ang puso ko parang pinupunit,sobrang sakit na parang tubig na dumadaloy sa buo kong katawan.
Aston bakit? Bat mo ko pinaghintay ng matagal?
2 years yon Aston,bakit d mo sinabi?
D ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko, ang sakit sakit sobra, akala ko may pag asa pa.

Napadaing ako ng biglang batukan ako ni mama kaya sinamaan ko siya ng tingin.

" Ikaw bata ka,akala mo naman namatayan ka, yong lalaking  tulad ni Aston d pinapahalagahan Yan,kaya maghanap ka ng katulad ng papa mo"

Mahabang litanya ni mama bago ako iniwan.
Pinunasan ko muna ang luha ko, siguro nga ako lang ang nagmahal sakanya, siguro nga trip niya lang ako dati kaya ang bilis niyang makahanap ng bago.
Ibinaba ko muna sa mesa ang basong hawak ko at lumabas.
2 years ko siyang hindi nakita,sana kahit ngayon lang makita ko manlang siya, sobrang miss na miss ko kasi siya.

Pagkalabas ko, wala ng tao kaya walang gana akong pumasok. Pangit ba ako kaya madali siyang nakahanap ng iba?
Sabi niya d niya ako kalimutan eh, bat ngayon may bago na siya.
Muli nanamang pumatak ang aking luha, ngunit pinunasan ko nalang ito at pumasok sa kwarto at naligo bago pa makalimutan na magsisimba ako.

"Ma? Aalis na po AKO"

Tawag ko Kay mama na ngayon ay nag aayos ng mga papeles ng kompanya.

"Sige ingat Ka"

Sabi niya na d parin inaalis ang mga mata sa ginagawa niya, sana all masipag,hehe.
Lumabas na ako ng bahay ngunit halos mahigitan ako ng hininga ng magtama ang paningin namin, agad naman akong nag iwas ng tingin at naglakad na ngunit tinawag niya ako.

"Ailheine, is that you?"

Tang ina, ano d na rin niya ako kilala ngayon?
Ngiting pilit akong humarap sakanya, kasama niya pala ang bago niya,maganda pala talaga,sexy at maputi sino bang d magkakagusto dito.

"Ah hehehe,oo, nakauwi kana Pala."

Sabi ko habang pinakatitigan siya, gusto kong malaman niya na sobrang napakawalang hiya niyang lalaki matapos niyang mangako tapos ngayon hawak na siya ng iba?

"Ah Ailheine Margo nga pala Girlfriend ko."

Halos mabingi ako sa sinabi niya, ako dapat yang nasa tabi mo ngayon Aston, bakit iba na?
Bago pa tumulo ang luha ko nagpaalam na ako sakanila.

"Ah sige una muna ako, magsisimba pa ako eh."

Sabi ko na ikinatango lang nila.
Habang naglalakad kinakagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang pagpatak ng luha ko,baka isipin ng mga tao nababaliw na ako..

Naupo na ako sa pinakahulihang upuan sa pinakadulo, magsisimula palang ang Mesa.
Laking gulat ko ng biglang umupo sa tabi ko si Aizhien,tiningnan niya lang ako parang wala siyang nakikita, Kung d Lang talaga to simbahan,masisipa ko talaga to.

"Nagsisimba ka Pala,akala ko kasi masusunog ka dahil sa kasamaan ng ugali mo."

Bulong kong sabi dito,kaya inis naman siyang napatingin sakin.

"Can't you just shut up? We're in church watch your fucking manners."

Waaahhhh... Ahhhhko pa talaga? Eh totoo naman kasi ang sinabi ko eh.
Nagulat ako ng higitin niya pataas ang kamay ko at ibinitin sa ere,magkahawak na ngayon ang kamay namin, para akong kinukuryente, parang mga mga bulateng gumagalaw sa tiyan ko.

"Ama namin sumasalangit Ka
Sambahin ang ngalan mo......"

Kaya pala matatapos na pala akala ko Kung ano nanaman ang ginagawa niya. Tinaas ko nalang din ang kanang kamay ko upang hawakan ang batang nasa tabi ko.

Matapos ang simba ay nag ikot ikot muna ako, maghahanap lang ako ng pwedeng kainin d pa ako kumakain eh.
Pumasok ako sa isang mini store soft drinks nalang at biscuits ang kakainin ko.
Kukuha na sana ako ng royal na mismo ng biglang may umagaw nito saakin Kaya masama ko siyang nilingon, likod nalang ang nakita ko, Tae si flash ba yon? Ang bilis,kumuha nalang ulit ako ng isa.
Nag hanap ng mauupuan ng makita ko ang kamay na may hawak na royal sigurado akong siya ito.
Pumunta ako sa harapan niya at masamang tumingin ngunit ganun din ang ginawa niya.

"Bwect ka talagang lalaki Ka."

Sino ba namang d magagalit Tae si Aizhien nanaman.

" Stop with your craziness will you? I'm not in  mood to fight with, so shut up ok?"

Ababa,tang inang lalaki to.
Nagulat naman ako sa biglang pagtayo niya, sobrang lapit ng dibdib niya SA mukha ko akala ko babanggain niya ako ngunit tinalikuran niya Lang ako at umalis na.

Ayst, wala talaga siya sa mood,sayang....














"""""""""""
Ang sakit ng puso ko naghihingalo dahil wala Ka sa piling KO""""

MY 1 MONTH RELATIONSHIP CHALLENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon