Mamatay matay na ako kakatawa dito dahil sinimulan ko na ang pangliligaw ko, pero putik guys, deadma ang mommy niyo.
" Ok guys sit down."
Napaayos naman ako ng upo ng magsalita si prof, andito na pala siya.
"Since we are done to the memorization yesterday, let's start our new lesson for today. Bring out your tools, borrowing is not allowed her ok?"
Lahat naman kami tumango, inilabas ko na ang carbon paper, tracing wheel, tape measure, tailor chalk, pencil, ruler,Manila paper at french curve.
Matapos kong ilabas ang lahat ng gagamitin ko ay humarap naman ako ulit sa unahan.
" Today you are going to drop your own pattern."
Agad agad na sabi ni ma'am, yong iba nagrereklamo pa, sakin madali lang to, Ito yong pinakahihintay ko, lalo na yong pagpapatakbo ng sewing machine.
"But ma'am how can we measure ourselves?"
Tanong ni Patricia..
" Ask for the help of your classmates. By the way I have a meeting today, I'll leave you first."
Pagkatapos sabihin non ni ma'am ay umalis na nga siya.
Dahil alam ko naman na ang own measurements ko, nagsimula na akong magdrop ng pattern.
Body length= 18
Shoulder=14
Bust=33
Waist= 25
Chest=12
Apex height= 9
Apex distance=8
Armwhole=16Dahil dress ang gagawin namin kaya hanggang waist lang ang haba.
"How can you do that?"
Manghang tanong ni Erika. Ngumiti nalang ako.
" Ahm, alam ko na kasi ang own measurements ko kaya madali kong nagawa."
Sagot ko naman.
"Pwede mo ba akong sukatan?"
Matapos naman ay kinuha ko naman ang tape measure ko at sinukatan na nga siya.
Sexy din pala to, hahahaha, naol sexy.
Matapos ang sukatan ay nagdrop na ako ng pattern sa manila paper, noong nasa part na ng armwhole ay kinuha ko na ang french curve.
Matapos ang lahat ay ginupit ko naman ang manila paper,parang damit na agad ito kahit manila paper palang.
Napatingin naman ako sa iba, halatang hirap na hirap naman sila kaya napatawa naman ako ng lihim at lumapit sa kanila.
Tiningnan ko naman kung tama ang ginagawa nila, may iilan na mali sa ibang measurements, ang iba naman ay kuha naman nila.
Maya maya ay dumating na si ma'am.
" Are you done?"
Bungad naman niya saamin kaya pinakita namin ang natapos na na pattern.
" Ok good, so tomorrow or maybe on Friday you need to buy your own cloth to make a dress, it's up to you if what color."
Saad naman ni ma'am, so ito na nga guys,makakagawa nanaman tayo ulit ng panibagong dress, I'm so excited.
Matapos ang klase ay lumabas na ako,kinuha ko muna ang phone ko,
Sisimulan ko ulit ang pangliligaw ko.To Aizhien: hi crush, asan Ka? Namiss kita, pwede ba kitang puntahan bago ako umuwi?
Matawa tawa naman akong naglalakad, nababaliw na ata ako.
" Stop bothering me."
Napalingon naman ako sa nagsalita, paktay, si sungit andito talaga, hawak hawak naman niya ang CP niya, idinikit naman niya ang cp niya sa mukha ko.
"Stop your nonsense, I don't like it."
Matapos niyang sabihin yon ay naglakad nanaman siya, dahil nasimulan ko na to, itutuloy na natin, 1 month Lang naman eh.
" Pero gusto kita eh, crush kita, Oy ang sungit mo talaga."
Habol ko naman sakanya at hinarang siya.
" That's not true, don't dare mess with me,or else you will regret it."
Napalunok naman ako sa sinabi niya.
" Totoo yon. Paano ba bf na kita ngayon ha?"
Sabi ko ikinaawang naman ng labi niya. Lihim naman akong napatawa at nauna ng umalis,pero bago yon ay nagflying kiss muna ako sakanya.
Lalo naman siyang nainis dahilan upang ikapula ng mukha niya, hahahaha, ang cute parang sasabog na,hahahaha....
.................
******"""""""""********
Kapagod mag isip.Pero nakakapagod umasang siya ay muling magbabalik😓
BINABASA MO ANG
MY 1 MONTH RELATIONSHIP CHALLENGE
Novela JuvenilLahat ng pangalan at lugar ay gawa gawa lamang, mga imahenasyong naglalaro saking isipan.