Sabado ngayon kaya nagjojogging na ako mula pa kaninang 4, maliwanag naman dito sa park,marami din naman ang mga nagjojogging kaya safe ako.
Naupo muna ako sa isang bench dito sa park habang nanonood sa mga nagjojogging, may mga couple din.Don't worry babe, I won't forget you no matter what happen!
Say promise babe.
Promise..
Bigla ko nanamang naalala ang pangakong binitawan ni Aston 2 years ago. Matapos siyang umalis papuntang state,wala na akong balita pa sa kaniya.
Di ko namalayang may likidong dumaloy sa pisngi ko, ngunit hinahayaan ko lang ito.
Masakit pa rin kasi hanggang ngayon..
Nagulat naman ako sa lalaking naglagay ng panyo sa gilid ko.
Di ko makita ang mukha niya dahil nakayuko siya at nakahood pa."Idiot, wipe your fucking tears it's disgusting."
Sabi niya at tuluyan ng umalis.
Napako naman ang mata ko sa Panyong nasa tabi ko.
L.K
Nakaprint sa panyo,kinuha ko naman ito at nilagay sa bulsa ko, ang bango kasi sayang kapag ipupunas ko lang sa luha ko.Pagkarating ko sa bahay amoy na amoy ko na agad ang niluluto ni mama na tenolang manok, agad akong naupo sa Mesa at hinihintay na matapos si mama.
"Ang aga ng jogging mo ah.. bat sa labas ka nagjogging eh dati dati naman dito ka lang nagjojogging sa sala-"
"Ma naman, kasi Di ba pag dito lang sa sala hindi lalabas ang pawis ko, baka magkasakit ako,sige ka mawawalan kayo ng prinsesa."
Putol ko sa sasabihin niyang sala.. binubulgar ako ni mama eh.
"Si papa ma asan? 4 days ko na siyang hindi na kikita, umuuwi pa ba siya dito?"
Tanong ko kay mama na abala sa pagsasalin ng pagkain sa plato KO..
"Oo,medyo inuumaga na siyang umuuwi dahil sa trabaho,andon natutulog sa kwarto,pagod parin."
Ah kaya pala d ko nakikita eh.kumain nalang ako.
"Siya nga pala, aalis ako mamaya,may pupuntahan ako,baka matatagalan ako bago makabalik."
Seryusong sabi ni mama.
Tumango naman ako."Teka ma, saan ka pala pupuntahan?"
Tanong ko naman.
"May dadalawin lang akong kaibigan, kumain ka na jan. Mamaya lalabas din ang papa mo."
"Ok ma."
sagot ko naman at kumain na.
Ang sarap talagang magluto ni mama.Matapos kong kumain niligpit ko muna ang kinainan ko at naghugas na rin, baka kasi mapagod si mama sa katamaran ko at itakwil na ako bilang anak niya, hindi pwede yon.
BINABASA MO ANG
MY 1 MONTH RELATIONSHIP CHALLENGE
Teen FictionLahat ng pangalan at lugar ay gawa gawa lamang, mga imahenasyong naglalaro saking isipan.