Naglalakad na ako ngayon pabalik ng campus, isang linggo narin ang nakalipas mula ng kulitin ko si Aizhien. Oo isang linggo at ayaw ko ng gawin yon ang hirap niyang pakisamahan eh I mean parang wala siyang puso? Yon bang wala siyang pakiramdam,ganun guys.
"What are you murmuring?"
"Si Aizhien kasi-"
Bigla kong naitikom ang sasabihin ko ng sobrang lapit ng mukha ng lalaking nagsalita sa likod ko,sa sobrang lapit hirap akong malaman kung sino to dahil nasa bandang ilong lang niya ang mukha ko.
" And why are you murmuring like that because of me?"
Napaatras ako ng wala sa oras,si Aizhien nga. Putik.
"Ha? Hi-hindi ah, eh kasi yong-
"Kasi Yong what?"
Pagputol nanaman niya sa sasabihin ko.
" Wala, naisip ko lang na d na kita kukulitin, d narin kita liligawan, d narin kita ikacrush."
Inis kong usal sabay nilagpasan siya at naglakad na, ngunit d pa ako nakakatatlong hakbang ng hilahin niya ako sa braso dahilan upang mawalan ako ng balanse.
Mapapatihaya na sana ako sa lupa ng bigla naman niyang hapitin ang beywang ko, at ngayon ay parang biglang bumagal ang ikot ng mundo, lahat ng taong naglalakad parang pagong kung kumilos, nakahawak lang ako ngayon sa kanyang braso.Napabalik naman ako sa reyalidad ng pitikin niya ako sa noo, Tae talaga siya. Busit.
Dahan dahan naman niya akong pinapatayo ng tuwid habang nasa beywang ko parin ang kamay niya.
" I think that's a better idea, but I just want to tell you that from now on I am your boyfriend."
Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya, boyfriend ko na siya guys, kinikilig ako.
Wait, wait, wait..
Dare lang to, dare Lang, bawal magseryuso." Let's go?"
Napatango nalang ako sa sinabi niya at sumunod sakanya, nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
May kung anong kuryente naman ang nananalaytay sa aking kamay papuntang aking tiyan na dahilan upang magsigalawan nanaman ang kung anong mga bagay saaking tiyan.Lihim akong napangiti. Nagagalak ang aking puso. Sana totoo nalang to.
"We're here."
Bigla naman akong napabitaw sa kamay niya, nakatingin narin pala saamin lahat ng classmates ko.
Napangiti nalang akong nakayuko at tuloy tuloy sa pagpasok.
" Text me if you have a vacant time later."
Napatango nalang ako,sobrang nahihiya na ako sa mga tingin nila eh.
Teka nga bakit parang nawawalan ako ng boses?
"Ok see you later."
Sinundan ko nalang siya ng tingin.
Halos matumba naman ako ng bigla biglang pagkumpulan ako ng aking mga kaklase.Yong mga tingin nilang mapang asar.
BINABASA MO ANG
MY 1 MONTH RELATIONSHIP CHALLENGE
Teen FictionLahat ng pangalan at lugar ay gawa gawa lamang, mga imahenasyong naglalaro saking isipan.