Prologue

1.4K 23 2
                                    

"Sinong Heathcliff?"
YAN. Yan ang tanong na hinding-hindi mo maririnig sa eskwelahan na pinapasukan ko. Sino nga ba kasi ang hindi nakakakilala kay Heathcliff Limcauco?

Ako,

Dati.

Ang isang third year student mula sa Faculty of Arts. Ako si Hymn Bautista. Ang plastik siguro kung sasabihin kong simpleng lalaki lang ako. Mahirap na ang panahon ngayon. Pag hindi ka mabilis maghanap ng babae, tiyak mauubusan ka. Marami pamanding hayok ngayon. Hindi ko sinasabing kabilang ako don, pero medyo lang. HAHAHA.

Balik tayo kay Heathcliff. Noong una, wala akong ideya kung sino siya. Freshmen din naman siya, pero kilalang kilala na siya. Madali lang naman idescribe si Heath. Matangkad, may pagka-singkit dahil sa Chinese blood niya, maputi, at higit sa lahat, maganda ang pangagatawan. Kung anong itsura niya, yun din ang personality niya. Sabi ng mga kaibigan niya, ma-attitude daw ito. Hygiene-freak din ito. Masipag mag-aral, at mahilig sa music.

Isa lang naman ang tanong ng taong bayan. "Sino ba ang girlfriend ni Heath?"

Pero, ang isang kagaya ni Heath...

may tinatagong sikreto.

--------------------
MGA BEBELUVS! Since popular ang BL novels nowadays, I present to you, "Are you HIM?"

Saan ko nga ba nakuha to?

Ganito kasi yan, may friend ako na lalaki (One year ahead siya sakin sa school) then nahilig kami pareho sa BL (Boy Love). Until one night, nag-chat siya sakin at sabi niya, napanaginipan niya yung kaklase niyang ma-attitude na jowa niya daw. Close friend niya yun kaya ayun, pagkagising niya daw, naaalibarbaran na siya. Hindi niya raw tuloy ma-chat. HAHAHHAHAHAHAHAHAHA

So ayun, shinip ko sila, then sabi niya baka daw magkatotoo kagaya nung sa "Why R U?". So na-hype ako then sabi ko "GAGAWAN NALANG KITA NG NOVEL BASED SA PANAGINIP MO."

Noong una hesitant pa ang loko, pero dahil mabait akong kaibigan, pumayag din. (Hindi talaga ako kayang tanggihan ng mga tropa ko HAHAHAH)

In short, supporta siya sa pagiging Fujoshi ko. HAHAHAHHA

Sa tropa ko, (Ayaw niyang magpakilala) ETO NA PO! SANA PAGNATAPOS KO TO, MABASA MO.

WABYU P'BITCH!

Are you HIM? // BrightWin AU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon