Chapter 9

382 19 5
                                    

"B-boyfriend?" tila ba gulong-gulo sa nangyayari si Day. 


Bwisit ka talaga Heath!


"N-nako! Wag mong pansinin yang kupal na yan" bumitaw ako kay Heath tsaka hinila na papalayo si Day. 


Nang makalayo na kami sa mga yon, nagsimula nang mang-interrogate si Day.


"Explain." 


"Tsk. Wala yon."


"Anong wala? He claims that you're his boyfriend. Wala yon? Ayusin mo sagot mo!"


"Laro lang yon." Deretsahan kong sagot.


"Laro? Ano kayo, bata?" Mukhang galit si Day.


"Teka, galit ka ba?" 


"Ano sa tingin mo ha?!" galit nga...


"Tsk, maniwala ka, laro lang yon. Hindi yon seryoso. Wag kang mag-alala, di naman big deal yon."


"Yes it is. He literally just said that you're his boyfriend in an open space. Paano kung may mga nakarinig? I'm sure they'll make assumptions and spread rumors about the both of you. Di nako magugulat kung nasa headline na kayo ng school news bukas." irap ni Day.


Kinuha ko ang kamay niya at nagpaawa face, sana gumana. "I'm sorry okay? But I'll make sure na laro lang talaga to." 


"Paawa ka pa diyan. Mukha kang aso."


"Grabe naman aso talaga?"


"Eh ano? Isda?"

"Wala ka nang maisip na kamukha ko kaya random animals nalang sinasabi mo no? Admit it, I'm too good looking to be compared to an animal." 


"Ewan ko sayo." sabi niya at naglakad na papasok sa building nila. 


"I'll pick you up at 9:00 okay?" sigaw ko.


She just raised an okay sign. 

---

Habang nakasakay kami sa kotse, kita ko sa rear view mirror ko na panay ang tingin ni Ny sa phone niya. 

"Something wrong?" usisa ko. 


"Hindi nagrerespond si Kit sa mga messages ko." she said with a sigh.


"Ano bang usapan niyo?" 


"Sa mismong party na kami magkikita since sayo ako sumabay. Pero hindi siya naguupdate sakin." 


"Don't over react. Baka naman nagbibihis pa or mabye he's driving. Wag mo iflood and wag mo ring tawagan, baka maaksidente pa yon." she nodded her head at sumadal sa headrest. 

Are you HIM? // BrightWin AU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon