Chapter 16

327 16 0
                                    

ICE'S POV


Pangalawang araw ko palang sa Pilipinas pero andami ko nang gustong gawin. Alam ko din naman kasing kahit gustuhin kong bumalik, di rin naman ako papayagan ni Dad. Ang alam nila tita at ng mga pinsan ko, umuwi lang ako para bisitahin at bantayan ang mansion na nirerenovate. 


Pero ang totoo kasi niyan, di ko alam kung babalik pa ba ako sa U.S. After Dad found out that I haven't been doing well in my studies, he decided to send me back to the Philippines. Bakit kamo? Pagod na daw siya sa paulit-ulit na pagbagsak ko nsa studies. 


Sa totoo lang, ayaw ko kasi ng inaaral ko. I have no choice but to fail it. 


Alam ko ang capacity ko. Kapag hindi binagsak ang mga subjects ko, pustahan tayo, baka nasa Wharton o kaya Stanford nako. 


Ayoko mag MBA. Pinilit lang niya ako. Gusto ko mag Law. Pero ayaw niya eh, edi bahala siyang saluhin lahat ng consequences ng pamimilit niya. 


Sa kabilang banda, mukhang ayos din naman dito. Atleast, I have my cousins here. 


"Ice, where are you going?" nakita ko si ate Ny na nakasandal sa grand piano. 


"Oh. I just want to go outside. I'll go to the mall." sagot ko.


"Weh? Baka naman may girlfriend ka and imemeet mo siya ng palihim?" asar niya at lumapit sakin. 


"Ate, wala akong girlfriend. Tsaka, ayoko muna." Sinong niloloko mo, ha Ice?


Ate chuckled. "I'm just teasing you." she handed me 5000 pesos. Napatingin naman ako sakanya. "Don't tell my mom. Go and have fun." she winked. 


"But I have money with me. Tsaka yan ka nanaman, binebaby mo nanaman ako."


"Save that. Saka mo nalang gamitin. Let me spoil you. Tsaka bawal ba? Mukha ka namang baby eh, cute size ka pa." sagot ni ate. "Sige na, baka abutin ka pa ng ulan." marahan niyakong tinulak papalabas ng pinto. 


"Ate, 5'7 ako no! Nagkataon lang na 5'9 ka kaya mukha akong maliit. Bakit kasi di ko namana yang tangkad niyo." habol ko. Tumawa lang siya.


Hiniram ko muna ang Lykan Hypersport ni tita. Hindi nako nagsama ng driver dahil gusto kong gumala mag-isa. Nung nagresearch ako kanina, Ayala Malls ang pinakamalapit na mall sa bahay nila tita, so dun ako pumunta. 


Hindi naman crowded masyado ang lugar. Tanaw ko habang nagmamaneho ang mga taong papasok palang ng mall. Dun ko pinark sa hindi siksikan ang sportscar ni tita. Mahirap na, baka may engot na driver at magasgasan pa. Baka mapalayas ako dun pagnagkataon, lalo na't hindi sa Pilipinas binili ang kotse ni tita at sobrang rare nito. Di ko nga alam kung bakit siya pumayag na dalhin ko to eh.


Habang naglilibot, may nakita akong pamilyar na mukha.


Are you HIM? // BrightWin AU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon