Chapter 19

323 19 0
                                    

THIRD PERSON'S POV


Matapos ang usapan nila ni Ny, agad siyang tumayo at tumakbo papunta sa kotse niya. Maswerte siya dahil ang susi ay nakasabit sa shorts niya, kundi ay kailangan pa niyang pumasok pabalik sa loob ng bahay nila. He immediately went inside his car and drove. He's going to Heath's condo, hoping to find him there and tell him everything. Tell him what he feels. Tell him what he want, with hope for a good answer.


He was smiling and tearing up while driving. Ganito ba talaga ang feeling ng mahulog, pero hindi mo alam kung sinalo ka o inalalayan ka lang?


Sinabi sakanya ni Heath na hindi niya kayang kaibigan lang ang turing niya sakanya, pero iniisip niya, sapat na ba yon para tumuloy ako? Kami? 


---

HEATH'S POV


Iniisip ko parin kung anong nangyayari kay Hymn. Ok naman siya nung kausap ko siya nun sa mall. Nilinaw ko naman kung ano ang intensyon ko. Ok lang naman daw sakanya kasi sabi niya wala narin naman daw silbi kung aatras pa kami. So kung di ako ang problema, sino? Ano?


Kanina pa yan laman ng isip ko. Di naman kasi ako sanay sa ganito. Sakanya ko lang naranasan to. Kahit sa iba kong mga naging crush non, di ko naman to naramdaman. Siguro, iba talaga tama ni Hymn sakin. May mga tao talaga tayo na hindi natin makalimutan. 


Nagpakabusy nalang ako sa pag-inom ng gatas habang nakikinig ng music. Sa tingin ko, uubra na to na pampatulog. 


Kumuha pako ng isang baso ulit ng gatas. Pero pabalik na sana ako ng upuan nang marinig kong may kumakatok sa unit ko. Sino naman kaya to? 10 pm na, tsaka wala naman akong inimbita ngayon. Wag lang talaga si dad to kundi sira na araw ko. 


Ibinaba ko muna ang baso at pinunasan ang labi ko tsaka lumapit sa pintuan. Tiningnan ko kung sino ang nasa harap ng unit ko. And...


Why is he here?


Agad kong binuksan ang pintuan ko. Then he hugged me. 


"This is fine, right?" tanong sakin ni Hymn habang yakap yakap ako. Kahit naguguluhan ako, niyakap ko nalang siya pabalik. 


"It is." sagot ko habang hinahagod ang likod niya.


"So pwede?"


"Pwede ang alin?"


"Pwede na tayong tumuloy." he replied. "Hindi tanong yan." dagdag pa niya.


Alam ko na ang ibig-sabihin ni Hymn. Bumitaw muna ako saka pinapasok ko muna siya sa loob. I stared at him for a moment, thinking that this is it. It's finally coming true. My summer crush... he's finally going to be mine.


Sa sobrang saya ko, I kissed him. Not just a peck, but a deep kiss. I was more happy cause he kissed back. "Pwede na. Walang halong laro. No holding back, Hymn. Let's try." I replied. 

Are you HIM? // BrightWin AU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon