Chapter 2

524 24 0
                                    

Free time ko ngayon. Dalawang prof kasi ang absent ngayon. So bale dalawang oras akong bakante. Magkikita kami ni Ny sa canteen ng Faculty niya. Medyo malayo ito sa Faculty building namin. Pero kahit malayo, dadayuhin ko narin. Balita ko kasi, marami daw chix sa Faculty of Communication Arts. Pwera nalang siguro kay Ny. Joke lang. Maganda si Ny sa mata ng lahat, minsan lang sa mata ko. HAHAHHAHA. Ang lakas kong mang-asar no? Oo na, maganda si Ny. Shempre kamukha ko.

Habang naglalakad ako papuntang building nila, kalat ang mga estudyanteng naka e-bike, motor, kotse, at bike. Siguro, mga bente lang kaming naglalakad. Nakakatamad kasing pumunta ng parking lot. Isa pa, napaka-init. Buti pa mag-lakad. Sa may sidewalk naman eh, may bubong.

"Diba siya yung pinaka mayaman na student dito? Saang faculty kaya siya? Ang pogi naman niyan." Rinig kong bulong nung kasalubong kong babae sa kasama niya.

"Oo sis mayaman yan. Grabe, mayaman na, gwapo pa. PAPI TYPE." Sagot nung kausap niya pagkalampas sakin.

Tsk. Kitams? Naglalakad palang ako niyan. Pano pa kaya pag sakay nako sa Mercedes Benz ko?

Tingin ko, students tong mga to ng scholarship program. Hindi naman sa pagmamayabang pero, ang University na pinapasukan ko ay ang "University" na TOP TIER SA KAMAHALAN sa Pilipinas. In short, school ng mga rich kids. Last year kasi, nag-open ng program ang school na magkaroon ng Scholarship programs para sa mga gustong mag-aral dito. So I guess, base sa reaksyon nila, galing sila dun sa program.

Kadalasan kasing hindi binabanggit ang "mayaman" ng mga babaeng nagkakagusto sakin. Why? Kasi ganun din sila.

Tumigil muna ako saglit para sagutin ang phone ko. May tumatawag eh.

"Hello? Who's this?"

"Lolo mo who's this. Ano ba?" Sagot ng kausap ko.

Tiningnan ko ang Caller I.D.
"Unknown Number"

"Excuse me? Who is this?" Tanong ko ulit.

"Dickhead. Ako to!"

Isang tao lang naman ang tumatawag sakin ng "Dickhead". At ito si

"Day, ano nanaman ba?" (Day as in Day na araw ha. Hindi "day" na tawag sayo ng kapitbahay niyong echosera. Joke.)

"Save mo tong number na to ha."

"Nagpalit ka nanaman ng number."

"Peste kasi si Peter. Matagal na kaming break pero araw-araw parin akong tinetext ng Goodmorning Baby."

"Peter? Sino sa dalawa?"

"Yung sinampiga mo ng bote ng Jhonny Walker."

"Ah. I see."

Si Day kasi, nagkajowa ng parehong Peter ang pangalan. Yung una, si Peter na inilunod ko (pero buhay pa siya ha) nung summer outing namin nung grade 12. Paano banaman, jowa niya na si Day pero nahuli namin na nakikipag-MOMOL sa ex niya dun sa likod ng STEM building. Sa sobrang badtrip ko, nung nag-summer outing kami, nilunod ko ang g*go sa dagat. Bagay lang sakanya yon. Kunwari pa siyang nalunod. Kala mo naman hindi naninisid.

Si Peter naman na pangalawa, yung sinampiga ko ng bote ng Jhonny Walker, same reason. Nag-cheat siya. Nagsumbong sakin si Day. To the rescue ako. Freshmen pa kami non. Nagpa-party yung Senior namin. Tumulong akong magbuhat ng mga bote ng wines. Tapos, nasaktuhan ko si Peter na sinampal si Day. So nainis ako, sinampiga ko ng wine bottle.

Day is my bestfriend. I love her so much to the point na nagkagusto nako sakanya. But, she rejected me. Swerte ako dahil after non, walang nagbago samin. Natutunan ko narin na kalimutan yung feelings ko sakanya dahil mukha naman talagang mas maayos kung bestfriends lang kami.

Are you HIM? // BrightWin AU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon