Chapter 14

328 17 1
                                    

"Teka, bat mo nga pala naisipang mag Intramuros?" tanong ko. 


Nasa EDSA na kami ngayon. Mabuti nalang at hindi gaanong traffic dito at tingin ko makakarating na kami maya-maya ng konti. 


"Namiss ko bigla eh." 


"Pero kasi, ganitong oras talaga?" 


"Hymn, I'm that kind of person that doesn't hold back. Pag may gusto ako, it's either gagawin ko agad o magiisip ako pero gagawin ko rin naman." tumigil saglit ang kotse dahil sa trafiic.


Pumaling siya sakin. "Parang kanina. Sumagi sa isip ko yung magandang scenery ng Itramuros tapos naisip ko, paano pa kaya sa gabi? Nung una nagisip muna ako kung tutuloy ako pero tingnan mo, nagdadrive nako ngayon papunta don."


"So gusto mong magpicture don?" tanong ko sabay turo sa daan dahil gumalaw na ang kotse sa harap namin. Agad naman siyang bumuntot sa SUV sa harap. 


Tumango siya. "Isa na yon sa rason." 


Di nako nag-abala pang tanungin pa yung iba dahil wala naman akong pake. Ibinaba ko ang sandalan at humiga. "Inaantok ka?" tanong niya.


"No. I just want to lie down for a while." sanay narin naman akong magpuyat at abutin ng umaga dahil minsan may mga project yung prof naming pabibo na palaging maaga magbigay ng deadline.


"Baka tulugan moko." 


"Daldalin mo nalang ako."


"Lah, wala akong ma-topic."


Napaisip naman ako. Kanina lang ang daldal-daldal neto tas biglang wala daw ma-topic. 


"Anong kulay ng tabo niyo?" tanong ko.


"Wala kaming tabo. Alam kong kayo ren." sagot niya. Oo nga naman. Pero meron pala, yung sa garden. 


"Bulok pala kayo eh. Tabo lang di maka-bili. Kahit sa garden wala?" 


"Ah, kala ko naman sa shower lang. Shempre may tabo kami para sa garden." napa-iling naman siya. "Teka nga, bakit ba tabo pinaguusapan natin?"


"Eh wala narin akong ma-topic eh."


"Let's talk about us." natigilan naman ako. Us? Ano bang meron samin?


"Paanong us?"


"Tayo."


"Tanga alam ko. Tinagalog mo lang." 


"Gets mo na yon."


"Hindi nga. Kaya nga tinatanong ka eh."

Are you HIM? // BrightWin AU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon