Chapter 8

382 20 0
                                    

Kanina pakong kabado habang nagdadrive. Paano kasi, ngayon lang nagsink-in sakin yung binabalak ko.

Alam kong kanina pa nakaobserba sakin si Ny kasi kanina ko pa siya nahuhuling tumitingin-tingin sakin tapos magpapakawala ng buntong hininga. Nung una kilig na kilig ap siya sa plano ko kasi nga iniisip niyang makakakita siya ng real-life BL. Pero tingnan mo ngayon, kinakabahan din.

"Hay nako. Looks like I can't stop you from doing this." buntong hininga ni Ny.

"Tsk. You can stop worrying na. I swear, magiging success tong plano ko." I sai with confidence kahit medyo alangan din ako.


Pano nga ba kung magclapback si Heath? Paano kung hindi siya tumigil?


Iniisip ko kasi, kung gagantihan ko siya ng kagaya ng ginagawa niya sakin, mararamdam,an niya yung hiya na naramdaman ko nung pinagtitripan ko, kaya umaasa ako na matauhan siya.  

Pero pano kung sakyan niya? Pano kung magenjoy pa lalo si tanga? Yari ako neto. 


Well, let's just hope na maging successful nga tong balak ko kundi, YARI NA!

---

7:45 a.m. 

Inaabangan namin ni Ny si Heath sa parking lot na sinabi n i Red. Dito daw kasi laging nagpapark si Heath kasama ng mga tropa niya. Eto yung parking lot malapit sa building ng mga Faculty of Medicine. 


"Ano kayang trip niya no? Business Ad student siya pero dito siya sa Faculty of Med napapark." sabi ko. 

"Balita ko yung mga tropa niya, puro med student. Siya lang ang Business ad. Baka kaya dito siya nagpapark." sagot ni Ny.

"Eh? Ano naman kung puro med students tropa niya? Ikaw nga sa kabilang dulo pa yung faculty building niyo, nagpark bako don porket taga dun ka?"

"Alam mo ikaw, ang laki ng problema mo. Magkaiba kayo ng trip non kaya pabayaan mo siya. Gusto niyang magpark kasama ng tropa niya, ikaw gusto mo kung saan mo trip. TAPOS!" she said while drinking her Starbucks frappe. 

Maya-maya pa, nakita na namin ang puting BnW ni Heath at kabuntot nito ang tatlo pang Benz. 


"Yan na yata." bulong ni Ny

Inayos ko ang uniform ko at ang necktie ko. Si Ny naman, tumayo na mula sa pagkakaupo sa hood ng kotse ko at tumabi narin sakin. 


"Basta yung sinabi ko sayo ha. Stick ka lang sa pinagpraktisan natin." paalala ko.  Nag-thumbs-up naman siya bilang tugon. 


Isa-isa nang bumaba ang tropahan ni Heath. Sunod-sunod narin itong nagkawayan senyales na papasok na sila s building. Maglalakd na sana si Heath nang tawagin ko siya. 


"San ka pupunta?" I shouted. 

Lumingon naman agad siya at nang makita niya ako, ngumiti ito. Wierd mo pota.


"Ah, papunta nako sa building. Why?" tanong niya.


"Hatid na kita." sabi ko sabay akbay sakanya. Bigla naman siyang naestatwa. "Oh bakit? Masama bang ihatid ko ang boyfriend ko?" lalo siyang nagulat sa sinabi ko at halatang natameme. 

Are you HIM? // BrightWin AU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon