Chapter 10

378 19 3
                                    


HARMONY'S POV

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Babangon na sana ako nang biglang sumakit ang ulo ko. Hangover...


"Wag ka munang bumangon." sabi ni Kit na may bitbit na tray ng pagkain at tubig. "Goodmorning!" he greeted. 


"Morning!" sabi ko sabay kusot ng mata. Medyo nasilaw kasi ako nung hinawi ni Kit ang kurtina. 


"Nasa resort parin tayo nila Leo diba?" tanong ko then he nodded. So nag-overnight pala kami. 


"Di ka naman papagalitan no?" tanong niya. 


"Hindi. Nagsabi naman ako kay Mama na baka maki-overnight na kami  nila kuya. 


Speaking of kuya, nasaan yon? 


"San pala yon?" I asked Kit as I reached for my phone. 


"I dunno. Huli ko siyang nakita sa dancefloor kasama ni Heath. Close na pala sila?" usisa ni Kit. 


Shit... PATAY NA. BAKA MAY NADILIGAN--- ERASE ERASE!! WAG GANYAN HARMONY. 


"San kaya nagpunta yon?" Ilang beses ko na kasing dina-dial ang number niya pero unattended. 


Kumain muna ako tapos lumabas para mag-libot, baka sakaling sa ibang room lang natulog si kuya. 


O baka naman mag-kasama sila ni ate Day? Luh siya? Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig? Char, di pala naging sila so walang ibabalik. Hehe.


Habang naglalakad, nakasalubong ko si ate Day. 


"Oh, Ny. Nasan kuya mo?" tanong niya. So hindi sila magkasama. Shutaena! Iba na kutob ko!


"Wala ate. Di ko kasama. Kami lang ni Kit ang nasa kwarto. Gulat nga ako kung bakit wala kayo dun, eh reserved satin yon." 


"Nako, masyado kasi kaming nagenjoy ng mga kaklase ko kagabi. Ayon, mukhang nalasing ako ng sobra kaya dun nako pinatulog sa room nila. As for your brother, di ko alam kung nasaan yung kupal na yon." sabi niya sabay kalikot din sa phone, hoping that my brother would pick up. 


Inaya ko si ate na umupo muna sa kubo malapit sa kinatatayuan namin habang cinocontact namin si kuya. Tumawag narin ako kay mama baka sakaling nakauwi mag-isa si kuya pero di naman daw. So shuta, nasaan si kuya? 


Tumitig sakin si ate Day. "Naiisip mo ba ang naiisip ko?" 


Woah... so yun din ba nasa isip niya?


"Hala ate? OO." sagot ko. 


"Shit, paano kung.." nagkatinginan muna kami ni ate bago kami nangaripas ng takbo pabalik sa mga guest rooms at isa-isa itong kinatok. 

Are you HIM? // BrightWin AU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon