PROLOGUE

264 6 0
                                    

A/N:
Lahat nang ito ay kathang isip lamang. Some scenes may developed a triggered warning thus a rated-18 story. To all new readers, welcome!

No to sugar coating, I was inspired by making the university series and hit by million views of Gwy (4reuminct). It may or may not be errors in each chapter but, feel free to inform me so I could resolve it away.

Anyway, happy reading! :)

-


"Cheers!"

Nag toast muna ng wine glass bago tinungga ang iniinuman. "Sa tingin ko, naka move on na siya".

Tumaas ang kilay ko kay Nic. Hawak niya ang baso habang si Jae ay abala naman sa binabasang report na sinend kanina ni Pat sa akin.

"Siguro nga". Sumang ayon ako. Lumingon ako saglit kay Jae na nakakunot na ang kilay. Bumaba ako mula sa bar stool. Ramdam ko na gumegewang na ako.

Tumabi ako kay Jae at humingang malalim. Napapikit na lamang ang mga mata ko. "Bilib na talaga ako sayo".

"Huh?"

Jae chuckled. "Sa kabila nang lahat ng nangyari, nagawa mo pang tulungan si Pat. Eh diba dati ayaw niya ng tulong mo?"

"Oo, tama ka, " Minamasahe ko na ulo ko. Sumasakit na eh. "Pamilya pa rin siya, Jae. Tsaka matagal na yun".

"Eh si Dein?" Sambit ni Nic

"Di ba sabi mo—"

"Deinelete ka na mula sa puso at isipan niya". Pang aasar niya.

I rolled my eyes at pinakyuhan for the nth time. Tumatawa pa. Tinapik ko lang ang balikat ni Jae at pumunta sa kwarto.

Sa loob ng limang taon, maraming nangyari at maraming nagbago. Siguro. Hindi ko naman masasabi na karma yun para sa akin pero heto, magkikita ulit kami ni Dein Wes Ramirez. Bahala na. Tutal hindi na mababago pa ang nakaraan kung hindi ang harapin ko na lang siya.

Parang walang nangyari. Tulad nang dati.

When All Lies FadeWhere stories live. Discover now