and lead us not into temptation,
but deliver us from evil.
Mukha akong natatae nung tinignan ko siya, sabay bitaw ng kamay ko mula kay Dein. Hindi kasi ako sanay na may kahawak na kamay ng lalaki lalo na mas soft pa ang kamay niya kaysa sa akin.
Hindi ba siya naghuhugas ng pinggan? Mukha kasi siyang anak mayaman eh. Simple lang suot niya pero malakas ang dating. Nakasuot siyang black hoodie na medyo basa pa ng onti dahil sa ulan. Matangkad siya kaya bagay sa kanya na magsuot ng ripped jeans at yung shoes at mukhang bagong bili.
Sa tagal kong titig sa kanya, napansin ko na sobrang tulis ng panga niya. Pwede na siyang manghiwa ng manga.
"Ang dami mong iniisip. Baka matunaw ka niyan". Bulong niya sa kaliwang tenga ko. He chuckled at tinuon ang atensyon sa Pari.
Tumaas and balahibo ko sa kanya. Malamig.. yung boses niya. Paano niya nalaman yun?
Nilunok ko yung laway ko, sabay lumayo sa kanya pero pinigilan niya kaagad ako. Tinignan ko siya ng masama at saka niya binitawan ang kamay niya sa akin.
Let us offer each other the sign of peace. Pag anunsyo ng Pari sa Misa. Nag 'Peace be with you' ako sa harap at kanan. Lilingon na sana ako sa likod kaso hinawakan ni Dein yung magkabilang balikat ko at hinalikan ako sa noo.
"Peace be with you, Kj" Ang sabi niya. Nung binitawan niya ako, tumingala ako ng bahagya sa kanya kung ano ang reaksyon niya.
Ngumiti siya sabay kindat sa akin. Nantyansing ang gago. Hoy! Bawiin mo yun! Hindi ako papayag na halikan mo pa ako ulit. That action made me sick.
Lord, ang landi ng anak niyo po. Papasa ba siya papuntang langit?
Sabi daw ng mga matatanda, pag hinalikan ka ng lalaking mahal ka, ang ibig sabihin raw ay may malaking respeto siya sa babae. Ang romantic naman nun no? Mahal ka ng taong mahal mo. Kaso, yung kay Dein parang kulang nalang isubo niya pa ako eh. Ang lapad pa naman ng noo ko parang susunod sa paliparan ng eroplano.
Pinunasan ko yung laway na nasa noo ko. Parang basbas ng ninong sa inaanak para di mausog. I unzipped the shoulder bag beside me and grabbed my blue handkerchief tapos nilagyan ko ng alcohol. Baka hindi lang laway lang to ha, baka may rabies eh. Binalik ko kaagad ang alcohol at handkerchief sa bag ko at sinarado na. Ramdam ko na rin sa peripheral vision ko na may nakatingin sa amin. Mga babaeng sumusulyap kay Dein. Kanina pa.
Guys, si Dein lang yan. Gusto niyo ihagis ko pa siya sa inyo? Inyong inyo na. Napairap na lang ako at napailing na lang siya.
Nang matapos na ang Misa, agad hinawakan ni Dein ang kaliwang kamay ko. Nagmamadali siya. Ako naman ang nahihirapan dahil, nakaheels ako.
Buti na lang hindi mahangin dahil, liliparin ang palda ko. Dahil simbahan ang pupuntahan ko at katabi lang naman ng Uni, naisipan kong magsuot ng palda. Kulay green na mahaba, lagpas ng tuhod ko. Maraming butones na nakatahi sa bandang gitna at may kabilaang pocket. Kulay beige pero wedge naman ang heels ko at ang pantaas naman ay yellow crop top. At sa kanang balikat ko nakasabit ang pink pastel na may lamang phone, handkerchief, suklay, extra money, alcohol & tinupi kong jersey niya.
"Saan ba tayo pupunta, ha?" Medyo naiirita na ako kasi, nadadapa ako sa kakahila niya at nahuhulog yung shoulder bag ko sa balikat.
Hindi na lang umimik si Dein at dinala niya ako sa may puti na BMW na nakapark malapit sa biskleta ko na nakalock kanina, halatang basa pa yung upuan. Pinindot niya ang keys ng sasakyan, unlocking.
YOU ARE READING
When All Lies Fade
Teen FictionDein Wes Ramirez, a College PhilSCAnian student from Pasay who had have his own personal grudges to Krystal Jene Salazar, a Management student from NU-Asia Pacific College. Pero kahit sobrang sama ng loob niya, hindi niya pa rin makayanang kalimutan...