"Tama ba to?"
Pinatay ko ang makina ng sasakyan pagkatapos kong tanungin si Nic. Nagpalit kami kanina ng pwesto bago umalis ng mall. Nakatikom ang kanyang mga bibig at parang pinipigilan niya ang kanyang sarili na magsalita.
Huminga muna ako ng malalim at sabay hatak sa seat belt para tanggalin. Ni isa sa amin walang gustong magsalita kaya nagpasya muna kami na manatili sa loob ng sasakyan. Pinagmasdan ko ang mga city lights na nakikita ko mula dito.
Wala rin akong masabi sa nakikita ko ngayon dahil, may nakaparada na puting Volvo sa unahan namin. Siguro kanina pa sila Dein dito? Hindi ko rin alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko, kung magagalit ba ako dahil sinaktan ni Rei ang best friend ko? Kung hindi ko kaya pansinin si Dein rin dahil sa nangyari? Bakit kaya siya nagsinungaling sa akin?
"Eh kung lumipat na lang tayo ng tutulugan?" Pagtatanong ni Jae kay Nic at umiling na lamang siya sa kanya.
"Ano ako? Duwag?!" Galit na sagot ni Nic at nagulat kami sa reaksyon niya. Agad niyang tinanggal ang kanyang seat belt at binuksan ang pintuan. Naglalakad diresto sa pintuan. Napatingin kami ni Jae sa isa't isa at sinundan agad si Nic na nagmamadaling pumasok sa loob.
"Nic, Nic!"
"What?"
"Could you please try at least to stay calm? Baka nakakalimutan mo, we are here to relax." Pagpapa-alala ko sa kanya at hinatak siya papalayo sa pintuan.
"How can I calm? Sabihan mo nga ako, paano ka kakalma na after all this time, 'yang tao na yan! yan yung nanakit ng puso ko!"
Lumapit si Jae sa kanya at niyakap si Nic. Napasapo ako sa noo ko at walang salita na lumalabas sa bibig ko.
Napakagat ako sa labi ako at nag-isip. "Paano kung ako muna ang unang papasok?"
Bumitaw muna ng yakap si Nic mula kay Jae at tumango siya sa akin, pinapahid ang tulo ng luha niya sa mukha.
Inayos ko muna ang pagkatali ko ng buhok at medyo kinakabahan pang pumasok sa loob. Dahan-dahan akong naglalakad sa may daanan na may batuhan, binuksan ako ang flashlight ng phone ko.
Dungaw ko na rin ang front door ng tutuluyan namin at napansin na maraming halaman sa paligid ng bahay. Lumunok mo na ako ng laway at hinawakan ang door knob. Sa pagbukas ko ng pintuan may bumungad agad sa akin at agad akong niyakap.
"Mira?"
"Kj!! Is that you? She's real!" She squealed more like I couldn't breathe anymore.
Of course, I am real. Duh?
Binitawan niya rin ako ng yakap ng tinawag ang iba pa niyang kasama.
"Guys!!! Kj is here!"
Agad silang lumabas galing sa kwarto. Unang lumabas sila Amir, Nov at Rei sa blue room. At sumunod namang lumabas sila Dein at Darren mula sa yellow room. Mukhang kakadating lang din nila dito.
"Uy, Kj!" Agad bumati sa akin si Amir at niyakap ako. Sumunod naman sila Nov at Darren. Napatingin muna si Dein kay Rei na medyo nahihiyang harapin ako kaya si Dein ang unang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Kumusta ka?" Dein asked me but I just nodded at him, half smiled.
Lumingon si Dein kay Rei at napabuntong hininga siya. Lumapit siya sa akin. "Hi, Kj."
I didn't answer at him but I smiled.
"Ang tahimik ha? May dumaan bang anghel?" Pagbibiro ni Darren at natawa kami.
I exhaled. "Actually, I'm with them. Nic's outside," I informed Rei and he nodded at me.
Bago siya lumabas, sinabihan ko siya at lumingon sa akin. "with Jae."

YOU ARE READING
When All Lies Fade
Roman pour AdolescentsDein Wes Ramirez, a College PhilSCAnian student from Pasay who had have his own personal grudges to Krystal Jene Salazar, a Management student from NU-Asia Pacific College. Pero kahit sobrang sama ng loob niya, hindi niya pa rin makayanang kalimutan...