5

34 3 1
                                    

(A/n: Italized & bold words are represent as conversation. However, it may use and considered as flashbacks. Don't worry, I'll give a short brief for you to notice. Happy reading!) 


"You are my only hope".

"Diba kanta ito ni Mandy Moore? Only hope?"

"Gaga ka talaga!," Natawa si Jae sa tanong ni Nic. "Oo kanta nga niya yan."  

Nakakatuwa sila pero hindi sila nakakatulong. Tumalikod na lang ako ng pagkakahiga at sinubukang matulog.

"Ilang lipat na yan ng pwesto? Baka lumipat na kaluluwa mo sa kabila niyan eh." Panakot ni Nic habang busy si Jae mag tono ng kanyang gitara.

"Nakaka istorbo ba kami? Sabihan mo lang kami ha?" Pag-aalala ni Jae.

Hindi na ako nakapagsalita at binigyan ko na lang sila ng thumbs up. Naisipan ko na lang tumayo dahil ang sakit ng pakiramdam ko. Sa pagkakatayo ko mula sa higaan ko, natumba ako at agad lumapit sila Nic sa akin. 

"Huy, okay ka lang?" Pawang na pag-aalala sa akin si Nic. 

"Oo, okay lang ako." Tumango ako at hinawakan ang braso ni Nic. "Gusto mo ba ng tea?" 

"Teka nga, naambunan ka ba kagabi?" Pagtataka ni Nic sa akin at nilagay niya ang kanyang palad sa noo ko. Napailing ako kaagad. 

"Ang init mo ha. Wag mong sabihin sa amin na pinabayaan mo ang sarili mo." Minasahe ko na lang ang ulo ko sa pag sesermon sa akin ni Nic. 

"Wag kang aalis at dito ka lang." Bilin sa akin ni Nic. As if naman na aalis ako hindi 'di ba? Eh umuulan pa naman sa labas. "Jae, kuha ka ng tea sa locker ko baka may extra pa". 

Naisipan kong humiga ulit at nakita sila Jae na lumabas ng kuwarto namin. Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa table at binuksan ang password. Chineck ko kaagad ang notifications ko from Facebook at napalitan ng ngiti ko ng nag friend request ang mga kaibigan ni Dein. Hindi na ako nag dalawang isip at inacccept ko na kaagad sila including Dein. 

Sakto pag balik nila Jae, binaba ko muna ang phone ko sa table. "Oh Kj, uminom ka muna nito," Sabay abot ng tea at gamot sa akin. "Gusto mo bang tawagan ko sila Tita?" 

Agad akong napailing. "Huwag!" 

Nagulat bigla sila sa akin sa pag sigaw ko. "I'm sorry. No need to call them," Napa tango na lamang sila at bumalik sa higaan. "And thank you guys." 

They both smiled. "Anyway, I'm gonna study muna. We have Major quiz on Monday." Nic said as she grabbed her Accounting 101 book. 

"I guess, sa labas muna ako magto-tono ng gitara ko." Pagpapaalam ni Jae, bitbit ang kanyang pulang gitara at lumabas na ng kwarto. 

"Do you mind if I put this on a loud speaker? Cause, I don't want to use earphones baka kasi, may mangyari sa'yo tapos hindi ko marinig." Nic added as she squeeze her but into the swivel chair and open the lights. 

I nodded as I put the cup on the table. Inayos ko ang kumot ko at kinuha ang phone ko ulit. Tamang scroll lang and medyo gumaan ang pakiramdam ko ng makainom ng tea. Sa kakascroll ko, may nakita akong video ni Irold Pamaus, hinanaan ko muna bago ko i-play. Natawa ako saglit at nagmasid ako kung nakakaistorbo ako kay Nic na nag-aaral. 

Nang maubos ko na ang tea, nag-chat sa akin si Dein. 

Dein Wes Ramirez
11:11 AM 
Good morning! :) 

Kj Rayne
11:12 AM 
Good morning too. 

Dein Wes Ramirez
11:13 AM
Anyway, thank you. And I'm sorry if I didn't explain my side last night. 

When All Lies FadeWhere stories live. Discover now