Ladies and gentleman, we just landed in Mactan-Cebu International Airport . Cebu Pacific Air welcomes you to Cebu. On behalf of your Flight Deck Crew headed by Captain Lopez with first Officer Cominares and the rest of the team, we thank you for choosing Cebu Pacific, your Airline of choice.
After hearing the PA Announcement, nauna si Spencer na tumayo sa upuan niya after ng matandang lalaki na kakaalis lang sa pwesto. Tinulungan niya ako na kunin ang mga luggages namin.
Hinanap ko naman sila Jae at napansin ni Spencer iyon. "Nauna na sila nakalabas. Let's wait for them at the lobby."
That's simple. Earlier morning, walang kibo masyado si Spencer sa akin maliban na lang kela Jae, nakikipag-usap siya sa kanila. Unfair naman! Hindi naman ako galit eh. Nagtatampo ako pero para saan? Eh wala naman kaming eh! Pero, may mali eh.
Kami na lang dalawa ni Spencer ang pasahero na kakaalis lang sa Airbus. Sinalibungan ko ang mga Flight Attendant ng ngiti at pasasalamat na nakarating kami ng matiwasay.
Hahablutin ko sana ang bagahe ko pero ayaw niyang ibigay sa akin kaya, siya mismo naghahawak ng mga gamit namin.
"Are you hungry?" He asked.
"Huh?"
He sighed. Napansin siguro niya na madami akong iniisip. Well, isa lang naman ang iniisip ko at siya iyon. Period.
Magtutuos tayo, fam.
"I said, are you-"
"Hahambulusin kita diyan, eh. Bakit mo ba ako binibigyan ng cold treatment? May nagawa ba akong mali? May nasabi ba ako na hindi maganda? Ayaw mo na ba sa akin? May iba ka na bang fam? Hindi mo na ba ako love?" I pouted.
Imbes na magalit ako sa kanya, ginawa ko na lang magpakyut para naman hindi awkward. At alam ko na rin weakness niya at yung magpa-awa ako para umamin siya.
I crossed my arms. Napatigil kami sa kakalakad at humarap siya sa akin. "No. I'm not mad at you, fam. Madami lang ako iniisip. And I'm sorry... kagabi."
"Yun lang? Kaya hindi mo ako kinakausap kanina pa dahil doon? Ang babaw naman." Sagot ko sa kanya. "Eh ano ba yung iniisip mo? Tara, pag-usapan natin! Para naman wala tayong pinagsamahan. Grabe siya."
Okay, offensive naman ng 'babaw naman' na pagkasabi ko sa kanya. Sa tingin ko, gagana yun dahil alam niyang ayaw niya ako na binibitin sa mga sinasabi niya. Hindi naman kasi ganito siya noon. Kasama ko nga siya pero yung utak niya kung saan napapadpad. San ko ilulugar sarili ko?
Inirapan ko siya after kong sabihin sa kanya at naisipan na hanapin sila Jae sa lobby. Alam kong malawak masyado ang Airport ng Cebu pero kailangan ko silang hanapin. Medyo nagugutom na rin kasi ako.
"Jae!" Agad kong nakita si Jae na hawak ang pushcart, binilisan ko ang lakad papunta sa kanya.
Nang narinig niya ang pangalan niya, napalingon siya agad sa akin. "Oh? si lover boy asan?"
I rolled my eyes. "Diyan lang, sa gilid-gilid."
Napangisi siya. "LQ? aga naman! Anyway, nasa restroom si Nic."
Tumango na lang ako at hindi na sumagot. Pinagpatuloy namin ang paglalakad na hindi pa namin inaantay si Spencer.
"Nagpa-book ka ba sis ng Grab?" Tanong ni Nic sa akin habang inaayos ang shoelace ng sapatos niya.
Nags-scroll lang ako ng available na driver na hahatid sa amin. Medyo memorize ko naman ang Itinerary namin lalo na pag Tourism student ka, masasanay kang saulo mo ang mga destination.
YOU ARE READING
When All Lies Fade
Teen FictionDein Wes Ramirez, a College PhilSCAnian student from Pasay who had have his own personal grudges to Krystal Jene Salazar, a Management student from NU-Asia Pacific College. Pero kahit sobrang sama ng loob niya, hindi niya pa rin makayanang kalimutan...