1

128 5 0
                                    

Chapter 1

Sobrang basa ko ngayon.





At bakit ba kasi hindi ako nagdala ng payong? Sabi kasi ni Shumi hindi uulan. Scammer. Pag minalas ka nga naman no?

Pero tama nga naman siya, hindi ko naman magagamit lalo na dala ko ngayon ang bisikleta.

Mas binilisan ko ang takbo dahil patagal nang patagal, palakas nang palakas ang ulan. Sa kakamadali ko, muntik na akong madulas.

"Malapit na. Konti na lang". Sabay hawak ng mahigpit sa handle ng bisikleta.

Nang makarating na sa kinaroroonan, mas kinabahan ako ng slight dahil biglang kumulog sa bandang likod ko at agad kong tinanggal ko ang helmet at kinabit ang lock sa may bicycle para hindi manakaw.

Shit. Puti pa naman sapatos ko. Bahala na, madami pa naman akong sapatos sa room.

Pumasok na ako sa loob ng Uni, diretso papuntang elevator at pinindot ang 9th floor. Ramdam ko ang tulo ng tubig na nahuhulog mula sa damit ko. Parang akong basang sisiw ne'to eh paniguradong aasarin ako ni Ate Chen pag nakita niya ako.

Pagkapasok ko ng dormitory, walang katao-tao. Tanging nasa dorm lounge ay si Ate Chen. Nagulat na lang siya ng makita akong basang basa.

"Ang laki laki ng payong mo, bat hindi mo dala?" Pagtatanong niya habang kumakain ng skyflakes at may kape sa table niya.

"Ikaw nga laki na ng tiyan mo, ilang months na yan?" Pambabara ko kay Ate Chen. Tumawa na lang siya at pumasok na ako sa room ko.

Agad hinubad ang puting sapatos na suot ko at medyas. Binuksan ko ang pintuan ng restroom at nilapag sa may batya ang kawawang sapatos para mamaya lalabhan ko na lang.

Agad kong kinuha ang green towel ko at bumalik ulit sa restroom para mag quick shower, mahirap na, baka sipunin ako.

Nang nakapalit na ng maayos na damit mula sa cabinet, tinuloy ko na rin ang paglilinis ng sapatos ko at muntik ko ng mabitawan ang batya dahil may narinig nanaman akong boses galing sa kabilang kwarto. Napaka anghel talaga. Ang sarap ibato sa ilog. Binilisan ko na lang ang paglilinis kasi naiirita na ako sa boses niyang kike.

Narinig ko ang phone ko na may notification ako. Kinuha ko habang pinapatuyo ang buhok ko.

'1 Facebook user is requesting for a follow'

Sino kaya ang nagfollow sa akin? Gwapo? Chararat? Char. Sana pogi naman. Pero nagbabakasakaling pa rin ako, Malay natin right?






Dein Wes Ramirez

Studied at Philippine State College of Aeronautics
Single
Manila, Philippines

Gwapo siya, I guess? Naka push back ang hair niya, matangos ang ilong at ang layo ng tingin niya. Katamtamang kulay at mapupulang labi. Nakaupo siya at suot ang grey shirt na mamahalin.

Mukhang familiar ang background. Hindi ko lang matandaan kung saan.

At ano kaya yung tinitignan niya? Ang lalim naman ata.

Syempre, hindi ko inaaccept agad. Baka sabihin niya mafa-fall agad ako sa ganyang itsura. No way. Though may mutual friends kami, hindi ko pa rin siya i-aadd.

Nag exit ako sa Facebook app at nagcheck ng Twitter and Instagram ko. May mga requests pero inignore ko lang. Binuksan ko ang laptop ko at umupo sa may swivel chair.

In less than in two weeks, finals na. Kailangan kong mangalahati ng contribution for final defense na. Shit! Wala pa ako sa kalahati, di na nga ako magkanda-ugaga sa Tourism law tapos eto pa? Or worst case scenario, magpapa project eh hindi naman major. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy na mag research for our project.

When All Lies FadeWhere stories live. Discover now