"Clarifications? Suggestions,"
I looked around the room as I wait for them to raise their hands regarding of our meeting. Currently, we are the Discussion Room B to discuss the proposal that is needed to be approve by our Student Activities Head.
"Or any violent reactions?"
I asked one more time and it seems that all people in this room are preoccupied also with their proposals. "Alright. Meeting adjourned."
Tumayo na rin ang mga representatives ng bawat organization, bitbit ang kanilang mga gamit at lumabas na ng Discussion room. Nakahinga na rin ako ng maluwag nang matapos. Tinanggal ko muna ang HDMI sa laptop ko at pinatay ang flat-screen tv at saka ako lumabas bitbit ang laptop ko. Sinugurado kong wala akong naiwan dahil ipapasa ko pa ang Activity Proposal Sheet mamaya sa Student Activities Office pagkatapos kumain.
Habang naglalakad ako, napangiti na lang ako na ang daming tambay na APCians dito sa Open Library. May naglalaro sa kani-kanilang laptop, may natutulog at may nagsisigawan.
Sakto sa pagkahawak ko ng doorknob, naabutan ko si Nic. "Oh, mamsh? San punta?"
"Sa baba, bibili lang sa may Red Brew."
"Tamang tama! Dun din ako. Tara, sabay na tayo!," Aliw na sabi ni Nic at napansin na may bitbit akong laptop. "Akin na nga yan! Baka naman mahulog ka sa hagdanan tapos ako pa sisihin ni Dein eh!"
Binigay ko sa kanya ang laptop ko at hawak ko naman ang folder. "Dapat nga iirapan kita kaso, mukhang masaya ka ngayon ata eh?"
"Syempre. Ikaw ba naman may naka-match sa Tinder? Greatest achievement so far ko na yun!" Sabay hawi sa buhok niya. Nanlaki ang mga mata ko.
"Nicolette!"
"Joke lang, mamsh. Eto talaga hindi mabiro no?." Pagbibiro niya sa akin at ipinagpatuloy namin ang paglalakad pababa papuntang Cafeteria.
Bumungad sa amin ni Nic ang haba ng pila sa may XO Kitchen, abot sa may ateng masungit na nagtitinda ng School supplies. At hindi talaga nauubusan ng customer ang tindahan na ito, siguro hanggang sa pagkagraduate namin, nandito pa rin ito.
"PORK CHOP ISAAAUGH!"
"ISANG CHICKEN SKIN!"
Lumiko kami ng daanan dahil sa sikip at dami ng mga estudyante sa loob ng Cafeteria. Ngumiti kami ni Nic nang makilala kami ni Kuya na naghahanda ng pasta. Magsasalita na sana ako ng pinigilan kami ni Kuya na habang isinusuot ang plastic gloves sa kamay.
"Dalawang pasta sa dalawang maganda." Napakagat na lang ako sa labi ako at natawa si Nic sa sinabi niya. "Pwede paki-dagdagan ng tinapay ko, Kuya?" Dagdag ni Nic sa kanya.
Ibinaba muna ni Nic ang laptop ko sa counter at inaabot ko ang bayad ko sa kanya. Lumapit siya kay Ate para magbayad, naghihintay na maluto ang Carbonara.
"Nic, gusto mo ba ng milktea?"
Lumingon agad siya sa akin. "Grabe, nakakahiya pero sige basta libre mo. G lang!"
Napailing na lang ako at si Nic naman ang nagbantay ng gamit. "Ate, dalawang large na Milktea po."
Tumango siya at naghanda ng drinks para sa amin. "Akala ko, graduate ka na Krystal."
"Grabe si ate, gusto na ata akong paalisin dito eh." Pagbibiro ko habang naglalagay siya ng gatas sa lalagyan, natawa na lamang siya.
Hindi na din kami nagtagal sa Cafeteria pagkatapos naming makuha ang naka-take out na pagkain at sumakay na kami sa elevator papuntang Dormitory. Naisipan namin ni Nic na sabayan si Jae sa Dorm lounge. Nang makapasok na sa lounge, nakaupo si Jae sa upuan at nanunuod ng news. Nilapag muna ni Nic ang laptop sa kabilang table at umusog muna ng upuan si Jae.
YOU ARE READING
When All Lies Fade
Teen FictionDein Wes Ramirez, a College PhilSCAnian student from Pasay who had have his own personal grudges to Krystal Jene Salazar, a Management student from NU-Asia Pacific College. Pero kahit sobrang sama ng loob niya, hindi niya pa rin makayanang kalimutan...