"Putang ina, hindi ako makatulog."
Ang sabi ko sa sarili. Ilang beses na ako pagulong-gulong, palipat-lipat ng pwesto. Sinasabihan na din ako ni Nic na ang likot kong matulog. Eh paano ba naman kasi, hindi ako mapakali sa sarili ko.
Binuksan ko ang mga mata ko at tumingin sa kisame, nagiisip. Tumayo ako sa higaan namin at dahan-dahang binuksan ang pintuan para hindi ako maka istorbo, mukhang napahimbing kasi ang tulog nila matapos namin mamasyal sa Night Market bago umuwi. Pagkasarado ko ng pintuan ng kwarto namin, napansin ko na bahagyang bukas ang Main door.
Sumilip ako sa labas at nakita si Rei na nakaupo sa ilalim ng puno, nagmumuni-muni. Inipit ko ang mga kamay ko sa pagitan ng kili-kili ko at braso para mainitan saglit.
"Bakit ka pa gising?" Agad lumingon si Rei ng marinig ang boses ko.
"Ikaw? Bakit ka rin gising?" Binalik sa akin ang tanong ko sa kanya. I shrugged.
Umusog siya at nilinis niya ang uupuan ko at saka ako tumabi sa kanya.
Tahimik lang kami habang may iniisip, pinagmamasdan ang mga ilaw sa City. Pinaglalaruan ko na lang ang mga dahon na nahulog at pinupunit.
"I had bad dreams, Kj."
Lumingon ako. "What kind of dreams if you don't mind?"
He chuckled. "Napaginipan mo na ba na may hinahabol ka pero may humahabol sa'yo?
Napakunot ang mga kilay ko. "Hindi.. pero may humahabol sa akin."
"What?"
"Aso." I smirked at natawa sa biro ko si Rei.
Pinagmasdan ko ang bagbuga ng hininga niya, kita ang takot at lungkot sa kanyang mga mata dahil sa liwanag ng buwan. "Ang hirap palang magpanggap na ayos ka sa harap ng iba pero sa totoo, ang sakit. Sobrang sakit."
Nalungkot ako bigla sa sinabi niya at hindi alam kung ano dapat ang itatanong, baka kasi masyadong sensitibo. "Alam ba ni Nic ito?"
Umiling siya. "Hindi. Ayaw kong sabihin sa kanya baka magbago ang tingin niya sa akin. Baka balang araw, wala na siya sa piling ko.."
Nagkatinginan kami sa mata ni Rei. "Siya lang ang pinanghahawakan ko, Kj. Hindi ko na din alam ang gagawin ko sarili ko pag naglaho pa siya."
Napasinghot na lang si Rei, medyo naluluha na. Hinawakan ko ang ulo niya at pinasandal ko siya sa kaliwang balikat ko.
"Hindi ka iiwanan ni Nic, I promise." Bulong ko sa kanya. "Sasapakin ko siya pag ginawa niya yun sa'yo."
Pinatawa ko lang si Rei para naman gumaan ang loob niya. I smiled at pinagmasdan ulit ang mga ilaw. At tahimik ulit ang paligid.
Marami din akong iniisip. Ang agreement namin ni Spencer. Ang pag-amin sa akin ni Dein kanina sa Hill Station. Ang problema ni Rei. Ang dami na pero iisa lang ako. Paano sa bandang huli, hindi ko din pala kayanin? Paano na si Dein? Paano ko matutulungan ang sarili ko kung mismo ako hindi pa buo?"Minsan kailangan mo lang maniwala." Sabi ko kay Rei. Oo, madali lang sabihin pero mahirap gawin. Ang lakas kong magpayo pero yung nagpapayo hindi magawa eh. Niloloko ko lang sarili ko.
"Kayo? Kumusta naman kayo ni Dein?" Tanong ni Rei nang inalis niya ang ulo niya sa balikat ko, inaantay ang sagot ko.
"Ayos lang. Minsan hindi ko maintindihan ang nasa utak ni Dein. Parang pinapaikot ako sa mga salita niya eh hindi ako sanay."
He half smiled. "Saksi ako kanina,"
"Ha? Saan?"
"Umamin na siya sa'yo." Aniya at tumango ako. "Hindi ko alam ang gagawin ko, Rei. Hindi ba masyadong mabilis?"
Umiling siya ulit sa akin. "Walang mabilis kay Dein. Masyado ka lang nadi-distract sa mga sinasabi niya pero, seryoso yan. Hindi na bali na hindi ka maniwala sa akin dahil tropa ko siya at pinagtatanggol ko siya sayo ah? Kung ako sa'yo tignan mo din mga kinikilos niya. Ang pagkakaalam ko kasi, hindi yan pala-salita pero ginagawa na lang niya. Pag sigurado na siya, hindi na niya papakawalan pa yun. Tandaan mo yan, Kj.""Gaano mo kakilala si Dein?"
Napatingin siya ng malayo, malalim ang iniisip at isasagot sa akin. "Simula palang ng mga bata pa kami nila Nov. Mas kilala ko siya kaysa sa pagkakakilala niya sa sarili niya.."
Natawa siya saglit at napakunot ang mga kilay ko. "Sa totoo lang, mahirap talagang basahin ang utak ni Dein eh. Kung gaano siya kabilis sumagot sa exam, ganun din siya kabilis mag desisyon. Pero kung usapang pag-ibig... ngayon lang namin siyang nakitang ganyan," Tumingin siya mula sa ulo at paa ko, niyakap ko kaagad ang dibdib ko dahil wala pa naman akong bra na suot. Sana hindi niya nakita.
"Sa'yo lang namin nakita ang mga mata ni Dein sa'yo."
Flattered dun ako ah? Baka naman char.
"Pag-iisipan ko pa, Rei. Anyway, thanks." Sabay suntok na hindi kalakasan sa braso niya at nakitawa siya sa akin. Ako naman ang sumandal sa balikat niya.
"Ang hirap palang maging maganda no?" Biro ko kay Rei at tumawa ulit siya sa akin, hinawakan niya ang balikat ko.
Pinatong niya din ang ulo niya sa ulo ko. "Pag-isipan mo talaga pero wag araw-arawin ha? Mababaliw ka niyan."
"Lahat naman nababaliw sa pag-ibig."
Pumasok na din kami ni Rei sa loob dahil sa paglitaw ng araw at ang tilaok ng manok na din. Ibig sabihin nun, umaga na. Hindi na din kami nakatulog dahil, marahil madami kaming pinag-usapan. Masaya palang kasama si Rei? parang nadaig ang pagkakaibigan naming dalawa kumpara kay Dein. Ang gaan din sa pakiramdam na may masasabihan ka ng sikreto. Sa ngayon, hindi pa ako nagiging open kay Dein dahil, kinikilala ko palang siya. Ang hirap kasi pag may trust issues, baka nanaman maulit ang nakaraan. Hindi ko din alam kung ano ang intensyon niya, kung mamahalin lang ako nang panandalian o sasamahan ako hanggang sa dulo?
Pumunta kami sa kusina ni Rei at naghanda ng makakain na almusal. Pagpasok din namin kasi, wala pang gising maliban sa aming dalawa na buhay pa ang diwa. Nagbati ako ng itlog at naghahanda naman si Rei ng fried rice.
Nang matapos naluto ang pagkain at naihapag sa lamesa, naunang nagising sila Amir. Umupo sila sa tabi ko at sinabayan ko na sila kumain. Kalagitnaan ng kain, nagising naman sila Nic. Naunang naligo si Nov para makapaghanda na mamaya sa lakad at sinamahan ko naman si Dein sa labas dahil, maglilinis pa ng kotse.
"Basain ko na ba 'to?" Tanong ko sa kanya habang hawak ko ang hose para buhusan ng tubig ang Volvo.
Nasa likod si Dein ng sasakyan, sinusigurado lang na walang deperensya. He raised his hand and give me a thumbs up. Binasa ko na rin ang sasakyan at hindi naman sa sinasadya, nabasa ko na din siya.
"Opps, sorry. Hindi ko talaga sinasadya." Nag peace sign ako pero tinignan ako ng masama.
"Talaga lang ha?" He teased as I step backwards. I nodded.
He licked his lower lip. "Or do you want to get us wet?" Pang-aasar niya sa akin at agad akong umiling.
Napasigaw na lang ako nang agawin niya ang hose sa akin kaya takbo ako ng takbo kung saan-saan at sige habol naman niya sa akin, binubuhasan ako ng tubig at napatili.
"Pag ako nag kasakit ulit, sisisihin talaga kita!" Sigaw ko pero nakatakip ako sa mga kamay ko pero patuloy lang ang pagbuhos ng tubig sa mukha ko, tumawa pa siya.
"Baka gusto niyong maligo ng sabay no? Nahiya ang tubig sainyo!" Sigaw ni Nic na nagmamasid sa bintana.
"Oh heto, sabon at shampoo! Saluhin niyo!" Sigaw ni Mira sa amin at binato sa akin, agad ko naman sinalo.
"Mga hangal! I don't do that.. in h-here!" I shouted back. Pinatay ni Dein ang gripo at lumapit sa akin. "I think, its a great idea. I mean, it's tipid. Right?"
I rolled my eyes. "Mama mo tipid. Balakajan!"
Hindi na din ako pinigilan ni Dein sa pag-alis, rinig ang tawa ni Dein. Pumasok na rin ako sa loob at nakita sila Amir and Nov na nakahanda na sa lakad. Si Rei and Jae ay abala sa kusina, naghuhugas ng pinagkainan. Sila Mira at Nic ay nasa kwarto namin.
Lumabas muna sila Amir and Nov para samahan sa labas dahil tinawag sila ni Dein. "Awit, pre. Duda talaga ako kay Dein eh. Tipong nakaligo ka na, maliligo ka nanaman?"
"Ayaw mo nun? Nagbihis ka lang para maglinis ng kotse? Tamang flex." Bara ni Nov sa kanya. Natawa kaming lahat.
Pagkatapos maghugas ni Rei ng mga plato, lumabas na din siya at sinamahan sila Dein sa labas. Pumasok naman ako sa bathroom para maligo at sumunod naman si Jae sa akin pagkalabas ko. Agad din akong pumasok sa loob ng kwarto para magpalit ng damit.
I wear retro polo shirt and high-waisted shorts, revealing my long legs. Nagsuot na din ako ng belt after kong ma-tuck in ang shirt ko. This time I didn't wear high heels or boots dahil, pupunta kami sa Tree Top Adventure after kaya, I wear pink yeezy para comfy. Also, I brought the grey sweater na regalo sa akin ni Dein at same leather black bag na I used yesterday.
Pagkalabas ko ng kwarto ko, wala na ang boys at ang Volvo na sasakyan.
"Nagpa-gas muna, sila. Sabi nila mauna na daw tayo sa La Trinidad Strawberry Farm." Sabi ni Mira na abala sa pag-gugupit ng koo sa kamay. Bitbit ang bag, umupo ako sa tabi ni Mira at pinatuyo ang buhok sa eletric fan.
Nang matapos ang lahat magbihis, umalis na din kami at ako ulit ang nagmaneho ng sasakyan. Tamad na daw si Nic magdrive kaya ako ulit. Nasa shotgun seat naman si Mira at nasa likod naman sila Jae.
Binuksan ni Mira ang monitor ng sasakyan at i-connect sa bluetooth ang music niya.
"So I put my hands up
They're playing my song,
And the butterflies fly away"
Mira started singing at the top of her lungs while, my eyes are on the read, jamming with them.
"Noddin' my head like, yeah" Nic joined the conversation, nodding.
"Movin' my hips like, yeah" Jae made an 8-figure on her seat and we both laughed.
As soon as we arrive at the destination. I pulled up my hand brake and turned off the engine of the car. Mira was the first one who gets out of the car then followed by Nic and Jae.
"Wow! Ang ganda!!!" Nic exclaimed. Mira pulled Nic and run to the field. Jae and I followed them, laughing at those weirdos.
I grabbed my inspic and being sneaky. I flashed my camera at Nic and Mira without noticing. Jae open Nic's DSLR and start recording. Parang kaming travel vlogger na ngayon lang nakapunta sa Baguio. Mga buang talaga!
Next thing, nagpakuha ako ng litrato kay Jae gamit ang inspic at sumama na din sila Mira sa amin para magpapiktyur. Kumain na din kami ng strawberry nang pinitas namin kanina. Siguro, tuldok na ang lamang ng IG Story nila Nic and Mira. Kalerks!
Akala ko nga susunod sila Dein sa amin pero ang sabi sa text ni Mira galing kay Darren na magkita na lang kami sa Tree Top mamaya at sulitin ang bonding namin mga girls. Wow! Napaka supportive naman ni Darren sa amin. Aliw!
After namin magpakabusog at inggitin sila Dein sa strawberry ay pumunta na kami kaagad sa Valley of Colors at nagpaka-vain. Sige utos namin kay Mira na pinapa-emote namin sa bridge, eto naman si gaga, sige sunod naman. Si Jae ang main photographer namin at ako naman taga-utos ng gagawin nilang pose.
"Gagi, sabi ko sa'yo look up!" Sabi ni Nic kay Mira. Natawa na lang kami ni Jae sa inis ni Nic sa kanya.
"Mamaya mag-aaway pala kayo. Ano set ko na oras tapos i-invite ko ng watching sila Rei?" Biro ko sa kanila pero pinakyuhan lang ako ni Nic.
After nang photo shoot nila Mira, nagdrive thru muna kami sa McDo para bumili ng pagkain. Nagutom ako sa kakamaneho at kakabantay kila Mira. Parang babysitter kami nito nila Jae eh. Wala pang inom pero mukhang ng lasing sa kabaliwan. Agad puputi ang mga buhok ko nito!
"One 20-pc Chicken McNuggets Bundle, one Apple pie, one Coffee McFlurry with Oreo, one Mcflurry with Oreo and one Hot Sundae, please?" I informed the cashier through the speaker. She repeated our orders and we proceed at the next counter.
"Total amount is Php 645.00 pesos, Ma'am." I thanked her and paid.
We continue driving habang sinusubuan ako ni Mira ng fries sa bunganga. "Kj, sa'yo yung Mcflurry with Oreo, right?" Tumango ako sa tanong ni Nic at inaabot niya kay Mira.
I horn as soon as I saw the boys waiting for us. Rei and Dein were out of nowhere, I guess they were paying. I pulled up the car and Mira immediately went to her bebe. Nagpulong ang lahat ng makakita ng food.
I was eating my Mcflurry while approaching at them. Jae was sitting on the bench with her fries on her hands. Sinubuan naman ni Mira si Darren ng Apple Pie and Nov and Amir joined with Jae, currently eating fries and Mcflurry.
Malapit ko ng maubos ang Mcflurry when Dein approached at me, asking if I could give him one so, sinubo ko sa kanya. Lahat. Natawa na lang ako ng nangingilo siya sa lamig.
Nagsimula na rin kaming maglibot ng matapos ang pagkain. Nauna sila Amir, Nov, Darren, Jae and Mira sa Tree Drop. At nahuli ulit kaming apat sa likod nila.
"Oh, sinong gustong maunang mahulog diyan?" Sigaw ni Dein sa lahat.
"Ngi, ikaw nga hulog na hulog kay Kj eh. Dapat ikaw ang mauna." Bara ni Nov sa kanya. Awts, foul Sir. Natawa na lang ako sa sagot ni Nov na bahagyang namula sa sinabi.
Nang makarating si Dein sa pinakamataas, nakatingala kami sa kanya, naghihintay na mahulog.
"Wag kang mag-alala, pre! Sasaluhin ka naman ni Kj!," Sigaw ni Amir sa kanya na napapadasal na si Dein sa mga santo. Natatawa na ako sa kanya gagi.
"Sasaluhin ng pagmamahal niya!" Dagdag ni Rei at sabay kindat sa akin. I fake a coughed, Nic nudged at me, teasingly.
Hinanda ni Nic ang DSLR niya para videohan si Dein na sumisigaw sa takot. Natawa ang lahat. Ako naman, kinuhanan ko siya ng litrato. Nang nakababa mula si Dein, gulong gulo ang buhok niya. Hinawakan ko yun at pinaglaruan.
Naghiwalay ang lahat nang atat ng subukan nila Amir at Nov ang Silver Surfer. Sila Darren and Mira ay pumunta naman sa Superman Ride. Naging pambansang third wheel naman si Jae kasama sila Rei and Nic sa Canopy Ride at kami naman ni Dein, nagpasya pumunta sa Trekking and Sky walk.
Nag Sky walk muna kami ni Dein bago mag Trek. Nagbato bato pick pa kami kung sino mauuna pero natalo ako.
"Hindi ka ba natatakot sa heights?" Panimula ni Dein habang naglalakad kami.
"Medyo." Hindi ako nakatingin sa kanya dahil abala akong kumuha ng litrato.
"Kaya pala," Natawa siya at lumingon ako sa kanya. "Bakit?"
"Diba takot ka? Kaya pala hindi ka na tumangkad." Biro niya sa akin at balak na siyang suntukin sa tiyan kaso pinigilan niya ako.
"Susuntukin kita o susuntukin?" I glared at him.
"Eh kung halikan kita para hindi ka na magalit, boss."
I rolled at my eyes at piniglas ko ang kamay ko sa kanya at pinagpatuloy ang paglalakad ko. Hinabol niya ako.
"Nagbibiro lang namin ako, Kj. Sorry na."
Inirapan ko siya lalo.
"Uy, sorry na nga eh."
Hinawakan niya ang siko ko pero pinipiglas ko lang.
"Babe, I'm sorry."
Babe what? Sorry hindi mo ako madadaan diyan.
"Baby?"
"Love?"
"Mahal?"
Nakailang tawag siya sa akin pero hindi ko lang siya pinapansin.
"Sis!"
Bahagyang natatawa na sa kanya.
"Mamsh?"
Napakagat na lang ako sa labi ko para pigilan ang tawa ko.
"Beks?"
Napatigil ako bigla. Huminga muna ako ng malalim bago harapin siya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh?"
He pouted. "Payag ka, beks tawag ko sa'yo?"
"Sige. Payag ka ba na hanggang friends lang tayo?" I challenged him.
Nanlaki ang mga mata niya. "No way! Hindi ako papayag dun!"
"See?" I said.
"Bueno?"
I glared at him at tinalikuran ko siya.
"Hentai!!!"
Nanlaki ang mga mata ko. Ang bastos talaga niya!
"Ano?!" Galit na tanong ko sa kanya.
He chuckled. "Ikaw naman, hindi ka mabiro." Sabay kurot sa mga pisngi ko at hinalik niya ang ilong ko.
"Kainis ka!"
"Kainis ka," He mimicked at me at sinuntok ko ang braso niya at napa-aray siya.
Napatigil siya sa lakad niya at tinignan niya ako ng masama. "Alam mo, kulang ka sa lambing."
"Ano, kambing?"
Natawa siya at pinagpatuloy ko ang paglalakad ko. Hinawakan niya agad ang kamay ko, napaatras at niyakap niya ako kaagad.
Nagulat ako sa ginawa niya. Gustuhin ko man pumiglas pero hindi ko magawa dahil mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin na parang ayaw na niya akong pakawalan. Hinaplos niya ang buhok ko at parang mababaliw na ako sa sinabi niya.
"What if you're someone I just want around?" Pagkanta niya sa akin.
YOU ARE READING
When All Lies Fade
Teen FictionDein Wes Ramirez, a College PhilSCAnian student from Pasay who had have his own personal grudges to Krystal Jene Salazar, a Management student from NU-Asia Pacific College. Pero kahit sobrang sama ng loob niya, hindi niya pa rin makayanang kalimutan...